CHAPTER 1

322 2 0
                                    

Alexandra's Pov

Slash

Nagising ako dahil sa tunog ng tunog ang cellphone ko. Imbis na sagutin ko ay tinatakpan ko ng unan ang tainga ko. Pero hindi pa rin natigil kaya naman iritable ko itong sinagot.

"Ano ba?! Sabado ngayon walang pasok kailangan kong magbawi ng tulog." Sigaw ko agad at ramdam kong huminga muna ng malalim si Amber bago ito nagsalita. 

"Bruha ka!! Anong oras na ba? isang oras nalang mag s-start na ang opening ng Slash wala ka pa din? Mahiya ka kay Tito Asmael at Amanda na nagpasok saatin dito." Napabalikwas ako nung naalala ko na ngayon pala ang opening at dapat kompleto ang staffs.

Shit! Otw na." Agad kong binaba ang phone ko at dumaretso agad sa cr.

Tinignan ko ang wall clock sa kwarto ko. four thirty na pala natulog kasi ako ng tanghali nung natapos kong gawin ang Research na pinapagawa ni Ma'am Galit. At gumawa din ako ng mga projects ng ibang tao para kumita.

Wala pang 10 minuto ng matapos akong maligo. Nag simpleng tee shirt na puti at pantalon lang ako sabay nag converse na black. Nakasabit sa buhok ko yung suklay habang inaayos ko yung gamit na dadalhin ko at isilasaksak ito sa bag ko sabay lumabas ng kwarto. 

"Ate, tulungan mo ako sa assignment ko." Sambit ng bunso kong kapatid na si Angeline. Uminom ako ng tubig at sinagot sya. 

"Ange, nagmamadali kasi si Ate eh. Bukas nalang ha? I-lock mo 'tong pinto gagabihin ako ng uwi pasabi nalang kay Mommy La ha? Sige alis na ako." 

Sa pagmamadali ko hindi ko naiintindihan ang sinabi ng kapatid ko. Pag labas ko ng bahay ay tumakbo ako palabas ng village at nag-abang ng jeep. May tumigil na jeep pero puno na. Tinignan ko ang relos ko at twenty minutes nalang ay mags-start na ang opening kaya no choice akong sumakay at sumabit. Buti nalang nung tumigil ang jeep ay may bumaba kaya naman nakaupo din ako agad at binuksan ko ang cellphone ko. Binuksan ko ang wallet ko na puro barya ang laman at nagbayad ng sampung puiso na pamasahe. 

Amber:

Alex! Where na you? Alam mo namang bago lang tayo dito h'wag mo naman akong iwan. Bilisan mo! Wala pa din si Amanda, baka mamaya pa yon.

Wala akong pang reply kay Amber kaya hinayaan ko nalang syang mag alburoto. Na-iimagine ko ang pagmumuka nya pag-galit. Hindi ko naman kasalanan na sobra akong napagod at laging puyat kagagawa ng research ng iba. Simula nung pumanaw ang aking ina ay kaliwa't kanan na ang paraan ko para kumita ng pera. Buti nalang at Dean Lister ako kaya hindi ganoon kalaki ang binabayaran ko sa University. May pwesto din kami sa palengke kung saan si Mommy La ang nag babantay. High school student na si Angeline kaya pwede na rin syang pagkatiwalaan na bantayan ang bahay dahil baka ito ay mawala. 

Pagbaba ko palang ng jeep napansin ko ng maraming tao ang kaliwa't kanan naglalakad at tumatakbo. Tumakbo ako papasok sa loob ng Slash at busy ang lahat at excited sa ribbon cutting na magaganap. May photographer at may mga yayamanin din na nandito. Hinahanap ng mata ko si Amber at nung nakita ko sya nag tugma ang mata namin. Ngumiti agad ako sa kanya at sya naman magkasalubong ang kilay.

"Hi, Amber! Ganda natin ah." Sinimulan ko ang paguusap namin sa pambobola para naman hindi na sya magalit pa. Masyado kasi syang maldita at masungit pero mag kasundo naman kami, hindi lang sa lahat ng bagay. 

"Ayos ah, buti nakaabot ka pa." Sabi nya habang nililibot ang mata nya. 

"May hinahanap ka ba?" Paguusisa ko sa kanya. At para mawala saakin ang spot light.

"Oo, si Samuel. Kaso baka mamaya pa 'yon." Tumango lang ako at may nagbigay saamin ng uniform namin na polong itim na may nakalagay na maliit na 'slash' na word sa kaliwang parte.

Kadalasang lalaki ang bartender pero buti pumayag ang si Tito Asmael na tatay ni Amanda kami nalang ni Amber. Ang pwesto namin ay sa Counter Stool na kung saan ang nag sasalin ng alak at naghahalo sa gusto ng customer. Pumwesto na kami ni Amber pero may kasama pa kaming 2 lalaki dahil medyo mahaba 'to.

"Uy, prend tignan mo yun oh ang gwapo." Sabi ni Amber at nung napansin nyang wala akong interes ay kinulbit nya pa talaga ako. 

"Ayan, kaya ka hindi pa ulit nagkakajowa ang sungit mo. Try mo ngumiti. Yung ganito."

 At hinawakan nya pa talaga ang pisnge ko at inayos ang pag pagkangiti ng labi ko. Wala na akong panahon umibig ngayon at tinuon ko nalang ang oras ko sa pag-aaral at pagtatrabaho dahil sa sakit na dinanas ko noon.

"H'wag ka ngang magulo, Amber pag tayo nasaway ng masungit na manager dito, sige ka." Mukang nasindak naman sya kaya tumigil na. Nagpapasukan na ang mga tao at yung iba napunta sa taas. 

Up and down ang bar na ito sa taas may ktv at mga private room para sa gusto ng privacy. Sa taas may permit ka dapat for vip only lang kasi kahit kaming mga staffs ay bawal doon. Dito sa baba ang sayawan inuman at kantahan. Tuwing MWF may bandang nakanta. Ayun ang narinig ng magaling kong tainga sa manager na nag asikaso ng lahat.

"Amanda!" Masiglang tawag ni Amber dito. 

"Uy, Uy kamusta kayo dyan?" Sabi nito at umupo sa stool at humarap saamin. 

"Okay naman, wala pa namang gulong nagaganap." Natawa kami kay Amber. 

Nagusap kami at tawanan umorder ng Margarita si Amanda kaya medyo nagtagal dito. masaya kaming naguusap bago sinita kami nung manager.

"Ehem. Nandito kayo para magtrabaho at hindi magkwentuhan." Sinamaan kami ng tingin pero tinaasan lang ng kilay ni Amanda 'yon.

"Hayaan nyo na 'yon. Menopause na kaya ganon." Kaya naman nagtawanan lang kami at nagpaalam muna si Amanda dahil pupuntahan si Tito Asmael.

Lumipas ang apat na oras ng ganon kabilis. Dinayo at tinangkilik agad ang 'Slash' dahil sya sikat na rin ito, branch lang sa Cebu City at ang original ay nasa Davao City. Nakakangalay at nakakangawit pero ayos lang. Tapos na ang shift namin ni Amber at may papalit na saamin na pang gabi hanggang madaling araw. Part time lang naman kami kaya hindi kami yung pag magdamagan.

"Wooh. Nagutom ako doon. Tara kain tayo, nandito na raw si Samuel." Sambit ni Amber na kasalukuyang nasa cubicle ng cr at nagpapalit ng damit. Tapos na akong magpalit kaya naman nasa labas na ako ng cubicle. 

"Ayoko nga, dakilang third wheel nanaman ako sa inyo. Uuwi nalang ako." Sabi ko sa kanya at sakto namang lumabas 'to sa cubicle.

"May kasama syang tropa, malay mo sya na si forever. At alam ko gwapo 'yon bilis na!" Pangungulit ni Amber ng pangaasar ng boses at kiniliti pa ako sa tangiliran. 

"Tigilan mo nga ako dyan. Wala akong panahon." 

Nang matapos na ako ay pinanuod ko nalang ang ginagawa nya. Naglagay sya ng solution sya sa contact lens nya at nag lipstick. Hindi naman ganon ka kailangan ni Amber ng pera dahil may kaya sila. Gusto nya lang kumita ng pera na alam nyang pinagpaguran nya at para daw may kasama ako. 

"Tara." Aya nya ung natapos na sya sa kaechosan nya. Nung nakalabas na kami ay nakita namin si Samuel Gueco. 

"Hi, Amber." Bati nito. Binati ko rin si Sam at hindi ko na sila pinansin, pero dahil magkakatabi kami narinig ko usapan nila.

"Asan na tropa mo? dali papakilala ko si Alexandra malay mo mag ka developan sila." Pangungulit nito kay Sam. Napapailing nalang ako at pumara ng jeep sabay nagpaalam sa kanila. 

"Hoy, Sam iuwi mo ng buo si Amber ha. Amber text me if you got home. See ya!" Sigaw ko sa kanila at nag paalam din sila saakin. 

Hindi sila sumabay dahil nag cr pa daw yung tropa ni Sam kaya hihintayin nila.

"I'm home!" Sigaw ko nung nakapasok na ako ng bahay at naamoy ko na ang sinigang na ulam. Ngayon palang pala sila kakain. Masyado ng late para sa dinner. 

"Hi Ate, hinintay kana namin ni Mommy La. Kaen na po tayo." Nagmano ako kay Mommy La at sumabay na sa pagkain.

Nagkwentuhan kami tungkol sa part time ko at sa school namin ni Ange. Hanggang sa natapos kaming kumain at si Mommy La na ang nagugas ng plato at sinabing magpahinga na raw ako.

Pumasok ako sa kwarto ko at humiga agad. Pagpikit ko ay nakaramdam ako   ng pagod.

ONE DAY (KN)Where stories live. Discover now