CHAPTER 24

73 2 0
                                    

Alexandra's Pov

Scared to death 


Nagpatulong si Red na mag pa choreography ng kantang Shape of you ni Ed Sheeran. Dahil sa tinatamad din naman ako na manuod ng laban ni Matt at ayoko ding makita si Amanda. Nagpaalam din ako kay Manager Josie pumayag naman sya dahil yung kapalit ko sa shift ay gustong mag over time. Hindi ko pa rin lubusang maisip na hindi nya parin sinasabi kila Andy at Amber kahit gustong gusto kong sabihin sa kanya hindi ko magawa dahil ayokong makielam pero lalong tumatagal mas gusto kong makielam.


Hayy napabuntong hininga ako habang nagiisip-isip ng mga bagay-bagay. Lalo nung naisip ko na hinanap nila. Na konsensya ako na hindi ako nakapagsabi sa kanila. Eh anong magagawa ko nasira ang phone ko. Hindi ko pa napapaayos. Parang shunga banaman nag swimming. Kanina pa ako nandito sa labas ng University naghihintay ng himala na may dumaan na jeep o kahit traysikel man lang. Rush hour na kasi kaya punuan ang mga nadaan. Kahit taxi wala din.


Arghhh!!! I loudly groaned ng biglang may tumigil na kotse sa harap ko. At binaba ang salamin.


"Sabi ko naman sayo sumabay kana saakin." At tumingin sya saakin nag crossed arms lang ako. Ano na Alexandra? Sasabay ka ba?

"Tara na Alexandra mag ca-cause pa ako ng traffic dito." 


Aissh! Bahala na nga. At sumakay na rin ako sa front seat. TEKA SA FRONT SEAT? BAKIT SA FRONT SEAT? AISSH!!!


Tahimik lang kami sa biyahe ang tahimik nakakabingi tapos nagugutom na rin ako. Kaya nung napadaan sa Mcdo ay pinatigil ko si Alexander.


"Dito nalang ako. Salamat." Sabi ko sabay baba. Pero pinark nya ang kotse at bumaba din. Pinapanuod ko lang sya. Anong balak nya? Don't tell me? 

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya. 

"Kakain." Kalmadong sagot nya at pumasok sa mcdo kaya naiwan ako sa labas sabay pumasok na rin.


Umorder ako ng Big Mac, Mc flurry, Large fries at Coke. Sabay umupo ng biglang dumating si Alexander at umupo din sa tapat ko. Hindi ko nalang sya pinansin kasi may utang na loob ako sa kanya. Tinanggal ko ang tinapay at nilagyan ng fries sabay nilagay ulit ang tinapay. Kita ko na nakatitig si Alexander kaya nailang ako.


"What?" Pagtatanong ko sa kanya. 

"Wala." At kumain nalang din sya ng cheese burger at sundae. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa binasag ni Alexander ang katahimikan.

"Hmm. Alex." Pero umiwas sya ng tingin na tila ba nahiya. 

"Bakit?" Sambit ko at itinuon ang sarili ko sa pagkain. 

"Ahh.. wala wala."


Napaisip at na curious ako at the same time pero pinalipas ko nalang yon dahil ayoko din naman syang kausap ng natapos na akong kumain ay nag cr muna ako. Nung pumasok ako sa cubicle may mga nag si datingan na babae.


Uy, kilala mo ba yung Alexander Collins na famous na nag-aaral sa University of San Carlos?

Oo, ang hottie nya kaya!

Nandito sya!!

Oh talaga ba?!!

ONE DAY (KN)Where stories live. Discover now