CHAPTER 8

52 1 0
                                    

Alexander's Pov

Jail Booth


Nang makarating ako sa bahay upang bantayan ang kapatid kp dahil aalis si mama. Ilang oras pa ay dumating na si mama paalis na ako nung nakatanggap ako ng text galing Sam.

Sam:

Bro, kasama namin tropa ni Amber. Kaso si Alex sumama tiyan. Nasa boarding house sya ni Amber. Katabing building lang yun ng saatin! Pwede puntahan mo? Tas dalahan mo na rin ng burger. Yung Jaw breaker ha favorite nya kasi yon. Sabihin mo nalang pinapunta ka ni Amber. I got you bro!

At napangiti naman ako nung nabili ko na ang favorite nyang burger at dumaretso ako sa boarding house ni Amber. Nakapasok ako ng boarding house ni Amber kasi kilala ko yung may-ari which is tita ko sinabi ko lang na idadaan ko yung binili ko kaya pumayag naman.


Habang naglalakad at naglilibot mag-isa bigla akong hinawakan ng babae ikukulong nya raw ako kasi nasa loob ako ng bilog na linya dito sa field. Pag minamalas ka nga naman oh pero nung nakita ko si Alex na ikukulong din sa Jail Booth napangisi ako.


"Peste! Pag minamalas ka nga naman. Paano ako mag-eenjoy dito?!!" Pagmamaktol ni Alexandra. Tumabi ako sa kanya at inabot ang earphones ko.

"Anong gagawin ko dyan?" Mataray nyang sambit at magkasalubong pa ang kilay. 

"Kainin mo. Nakakabusog yan."


Pero kinuha nya naman at nagpatugtog ako ng kanta para ma enlighten naman yung mood nya. Tig-isa kami ng earbud at nag cellphone lang sya. Tahimik lang kami pero gustong gusto ko na syang kausapin pero nakakain ko yung mga words na gusto kong sabihin. Damn Alexandersya


"Matutunaw ako nyan." Sabi nya habang hindi nakatingin saakin bukod tanging sa cellphone nya lang sya nakatingin. 


Kakaiba talaga tong babae na to. Hindi naman sya nakatingin eh pero naramdaman nyang nakatitig ako sa kanya. Lumipas ang tatlong oras at nandito pa rin kami. Halatang bagot na bagot na si Alex hanggang sa nagsalita yung bantay.


"Kayong dalawa. Pwede na kayong lumabas, laya na kayo. Binayaran na kayo ng kaibigan nyo." Hindi ko na tinanong kung sinong nagbayad saamin. Pero si Alex ay umalis na agad at hinabol ko. 

"Alex!" sigaw ko at tumingin naman sya. 

"Libot tayo." Sabi ko nung nakalapit ako sa kanya. Nung una ayaw nya pa ang dami nyang reasons kaya hinila ko na sya at naglakad na rin sya.


Nalalakad lang kami at nag tingin-tingin ng nagutom ako.


"Tara kain tayo." Aya ko sa kanya. 

"Hindi ako gutom." Sagot nito pero halata namang gutom dahil napahawak sa tiyan nya. Pero hindi ako naniniwala kaya naman hinawakan ko sya sa palapulsuhan para makasabay sa paglalakad ko at ng makarating kami sa pizza burger na booth.


At bumili sabay inabot kay Alex. Sabi nya hindi sya gutom pero kung kumain parang mauubusan. Busy sya kumain kaya naman kinuha ko ang phone ko at pinicture-ran sya. 


Ang cute cute kasi talaga ni Alex. Hindi gaano maputi, pero maputi. Chinita. Matangos ang ilong. Mataba ang pisnge. Mabungisngis kung tumawa. Makapal ang kilay. Nakaka stun ang kagandahan nya. Binaba ko yung phone ko nung humarap sya sa muka ko at napangiti naman ako. Ang saya nya lang pagmasdan kumain. Hindi sya natatakot tumaba. 


"Ang sarap no? Bakit wala pang bawas yung iyo? Masarap naman ah."

Sabi nya sabay ngiti at kagat ulit. Napangiti nalang ako at kumain. Akala ko napakasungit nya. Hindi naman pala.


"Bakit nurse ang pinili mong kurso?" Sabi ni Alex sabay kain ng isaw. Inikot namin ang food booth at tuwang tuwa naman ako kasi hindi sya conscious sa pagkain nya sa harap ko.

"Kasi dati may tumulong saakin na nurse nung naaksidente ako way back then. Kaya sinabi ko sa sarili ko na magiging kagaya nya ako." Sabi ko sabay kindat.

"Naks naman ang bait. Alam mo bang ang nanay ko ay nurse. Magnunurse sana ako kaso hindi ko napasa yung entrace exam dito sa U.S.C. pero masaya naman ako sa kurso ko ngayon ang bm dahil gusto kong magtayo ng business someday."


Marami na rin kaming napagusapan sa hindi namin namamalayan hapon na pala.


"Siguro ang Business Management talaga ang para sayo. Kasi yun yung gusto ng puso mo. Minsan kasi kapag pinili natin ang mga bagay na hindi naman magkasundo ang utak at puso natin panget ang kalalabasan."

"Akala ko wala kang sense kausap. Meron ka pala non hahahahaha." tatawa tawa nyang sambit hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi nya o naiinis.


"Oh, Alex nandito pala kayo."


Biglang dumating sila Sam at magkakasama sila ni Amber, Amanda, Andy, Matthew at Andrei.


"Uy. Kompleto kayo ha." Si Alexandra ay walang imik. Anong nanyare dito? Tinignan ko kung saan sya nakatingin. Nakita kong nakatingin sya sa paglubog ng araw.

"Ganyan talaga yang si Alex, hindi mo makakausap hangga't hindi pa nalubog ang araw. She love sunset so much. Hayaan mo nalang sya." Sabi ni Amber. 


Bakit kaya? there's something behind that. Umalis sila at nag kanya-kanya. Magkita nalang daw ng 7pm sa Slash.


Pagkatapos kong makausap sila ay tinignan ko na ulit si Alexandra. Naiyak sya. Teka bakit sya naiyak? Naiyak sya habang nakatingin sa langit pinapahiran nya lang kapag may tumutulo. Naka pamulsa lang ako. At tumingin din sa paglubog ng araw.


"Is anyone harassed you or what?" Sabi ko pa pero hindi sya umimik. Inabutan ko sya ng panyo without even looking to her.

"Taon na ang lumipas." Kaya naman napatingin ako sa kanya 

"Simula nung nawala si Mama." Bigla naman akong nalungkot sa sinabi nya. 

"Alam mo may nabasa ako sa isang libro. How to deal with a painful experience." 


Tumingin lang sya kaya naman nag salita na muli ako.


"Let it hurt. Let it bleed. Let it heal and let it go. Hindi ko sinasabi na nakalimutan mo yung nanay mo. May anghel na nagbabantay sayo, may anghel na nag-gagabay at nag-aalaga sayo from far away. Kahit na hindi mo sya nahahawakan o nakikita lagi mo naman syang kasama. Kasi nandyan sya sa puso mo. Doesn't mean na you need to let her go, you just need to let go the pain and be positive in life. Just keep on your mind that she's in the better place now at ayaw nyang nakikita kang malungkot."

"Salamat, Alex." At pinahiran nya ang kanya luha gamit ang panyo na ibinigay ko.

"And why are you so fascinating about sunset?"

"Sunsets bring an inner stillness to me, maybe it's the slow movement as the sun gently goes down. It's interesting that the same sun that sets before me is rising before someone else. It's a simultaneous end and beginning in one motion."

"Naalala ko lang din si mama sa sunset. Dahil dati madalas kaming mag picnic at panuorin ang pag lubog ng araw. At nag papalipad kami ng saranggola ni Angeline." Habol pa nito.

ONE DAY (KN)Where stories live. Discover now