CHAPTER 44

31 2 0
                                    

Alexander's Pov

Blessed


Nakabalik na kami sa cottage at nagiimpake na. Tapos ko ng ayusin ang isang bag pack na dala ko. Dinala ko ang bag ko at umupo sa may sala. Kinuha ko ang Nikon kong dslr at tinignan ang mga larawan ni Xandra. 


Hindi ko alam pero tinamaan talaga ako sa babae na ito. Tuwang tuwa ako na kay Xandra ako pinama ni Kupido. 


"Uy!! Tinamaan kay Xandra!!" Narinig ko na galing sa likod sa Amber pala at hila-hila na ang dala niyang maleta.

"Ganda kasi ng best friend mo, e." Pangiti-ngiti kong banggit. Sinalubong siya ng boyfriend nyang si Sam. Sinalubong sya ng halik sa pisnge at nagyakapan ang dalawa sa harap ko.

"Get a room!!!" Sigaw ko at tinuon ang sarili ko sa camera.

"Inggit si totoy." Pangaasar ni Sam at dinaluhan ang kanyang iniirog at nag martsa sa kung saan man.


Binaba ko ang camera na hawak ko ng makita ko si Xandra na bitbit ang bag pack nya. Mabilis akong lumapit sa kanya at kinuha na ang bag nito.


"Iyang si Xander, dead na dead sayo girl. Ganda mo!" Pangaasar ni Amber at natawa nalang kami. Akala ko kung saan sila pumunta! Doon lang pala sa may upuan malapit sa veranda. Naghilahan kami ni Xandra ng bag dahil ayaw nyang pumayag.

"Babe ako na," Pangungulit ko.

"May kamay po ako, ayan oh dalawa pa." Ang cute nya kasi itinaas niya pa ang kamay nya at winagayway.

"Hindi pinagbibitbit ng mabigat ang isang prinsesa." Sabi ko sabay kindat kaya naman natigilan sya at namula. 


Binaba ko ang bag nya sa sofa at hinawakan ang kamay nya. Dinala kami ng paa namin sa veranda nitong cottage. Pinadausdos ko ang kamay ko sa baywang nya at tinignan ang pinakamagandang babae sa buong mundo.


"Thank you," Saad ni Xandra habang nakatingin sa kabuuan ng Bantayan Island.

"No, thank you." Sagot ko sa kanya dahilan para tignan nya ako pabalik.

"Hoy, kayong dalawa dyan tara na. Unless gusto nyong magpaiwan?" Panunukso ni Amanda.

"Pwede ba?" I joked. Bigla akong hinampas sa braso ni Xandra.

"Sira ka." She murmured.


Magkakasama na kami ngayon at mga mukang pagod pero nakangiti. Patungo na kami sa thirty minutes boat ride. Tinext ko na si Justine ang pinsan ko na dalhin ang fortuner ko at may gagamitin kami ni Xandra pabalik sa mga bahay namin. Sila Sam ay ganoon din ang ginawa pinakuha ang kanilang mga sasakyan dahil ayoko silang kasama!


"Goodbye, Bantayan Island! Till we meet again." Sigaw ni Andy. Nagsisigaw din sila Xandra kesyo mamimiss nila kesyo masarap sa memories. Hay, girls daming pa utot! Pero lablab ko pa rin sya kahit na umutot sya.

"Babe.." Paglalambing ko kay Xandra, kasalukuyan kaming nasa bangka. Pinatong ko ang baba ko sa balikat nya. Nakatingin lang ako sa labi niya at na te-tempt ako.

"Hmm?" Hindi siya tumingin saakin at nakatingin lang siya sa dagat.

"I want to court you officially, sasabihin ko kay Mommy La at Angeline pati narin kay Burger. Magkakatatay na sya, babe." Umubo-ubo si Xandra dahilan para i-angat ko ang ulo ko at tignan sya.

ONE DAY (KN)Where stories live. Discover now