CHAPTER 7

63 1 0
                                    

Alexandra's Pov

Jaw Breaker


Umalis agad ako sa Slash dahil sa masakit ang puson ko at ulo. Sinabi ko kay Amber na sa boarding house nya muna ako dahil malapit lang 'to sa Slash pumayag naman sya at kilala na kami doon kaya papayag naman yung house parent. Nang makarating ako sa boarding house ay dumaretso agad ako sa cr dahil kanina pa ako naiihi.


Uminom ako ng gamot pero masakit pa rin. Im bored sabi ko sa sarili ko. Nag cellphone nalang ako at nag facebook. Nang biglang may kumatok sa pinto. Sabi ni Amber hindi daw uuwi yung ka room mate sya so sino 'to? Automatically napa bangon ako sa pagkakahiga ko sa kama.


Who the fuck is that?


Bulong ko pa. That's creepy, lahat sila nasa Slash. At bakit may kakatok? Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi ng biglang kumatok ulit. Okay, calm down Alex. At lumapit na ako sa pinto sabay binuksan.


"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa lalaki na hindi ko naman kilala.

"Pinapaabot nila Amber sayo to." Sabi nung lalaki. Sabay iniwagayway yung supot na dala nya at naharangan ang muka ko kaya kinuha ko. Pero teka, Amber daw?

"Amber? Amber Jean Grimmie? Paano mo nakilala si Amber?" Pagtatakhang tanong ko sa kanya. 


Naka plain black tee shirt at dark jeans sya. Pamilyar sya, actually pati yung pormahan nya. Parang I met him somewhere. 


"Can I come in?" Naka pamulsa nyang tanong. Nag posisyon karate ako. Yung dalawang kamay nakataas at naka bend yung hita.

"Kung may balak ka saakin, magsisisi ka." Tinignan nya lang ako at pumasok sa loob. 

"Teka nga!! Paano ka nakatungtong dito? Number 1 rule na bawal ang lalaki dito. At nakapasok ka pa sa kwarto. Give me atleast 3 reasons!!"


Takang taka na ako baka mamaya budol to tapos patay na yung mga nasa baba na house parent kaya sya nakaakyat. O di kaya baka may zombie na sumalakay dito sa boarding house ni Amber kaya sya nakapasok! Hindi ko na alam ang iisipin ko!! Litong lito na ako. Kung anu--ano pinapasok sa isip ko si Amber kakanuod ng zombie at aliens. Hindi siya magandang influence bilang kaibigan. 


"Una, nakapasok na ako pangalawa wala na akong maisip pangatlo bakit pa ako mag-iisip kung nakapasok na nga ako." Sabi nya at umupo sabay pikit. Tinignan ko nalang ang dala nya at nag ningning ang aking mga mata ng makita ang favorite kong burger. 

"Jaw breaker!!!" Sabi ko pa. At kinain ito. Habang nakain nakalimutan kong may kasama pala akong asungot. At nakalimutan ko na ang sakit ng tiyan ko.


"Hoy, tara kain." Aya ko sa kanya ng tinitigan ko ang muka nya parang naging pamilyar. Teka nga. 

"Balak mo ba akong tunawin?"Tanong nya pa. Napatigil ako sa pagnguya at nagsalita 

"You look familiar." At napatingin naman sya na para bang nagtataka. 

"Itong mukang to? Nagiisa to. Kaya sigurado akong hindi pa tayo nagkikita." Mahangin nyang sagot.


Feeling ko nasa baguio kami sa sobrang hangin nadadala ako woh


ONE DAY (KN)Where stories live. Discover now