CHAPTER 9

46 1 0
                                    

Matthew's Pov

Music Fest


Nandito kami sa grandstand sa gitna ng field at hinihintay magsimula ang music fest. Kasama ko si Andy. Ang kababata ko. Ang best friend ko. Maraming nagtataka at nagtatanong bakit daw hindi nalang kami. Bakit daw hindi ko ligawan si Andy Mae Samson. Isa lang ang sagot ko, takot akong may magbago saamin.


Takot ako na baka pag sumugal ako iwasan nya ako. Ayokong mawala sya sa buhay ko. Takot akong hindi mutual ang nararamdaman namin sa isa't isa. Okay na ako na ganito kami. Basta kasama ko sya, masaya na ako.


"Anong iniisip mo?" Tumingin sya saakin at nagsalita. 

"Wala." Kalmado kong sagot para h'wag nya ng isipin yon. 

"Matagal na tayong magkakilala saakin ka pa ba magsisinungaling?" Sabi nya sabay kunot ng noo.

"Fine." Napabuntong hininga nalang ako. Talo ako. 

"So ano?" Pangungulit nya. 

"Yung projects ko kasi malapit na pala ang deadline hindi pa ako nakakapagsimula."  I lied. Si Andy yung tao na ayaw sa loud sounds but she's into acoustic songs.


Pero pinilit ko sya masaya naman kasi ayaw nya lang i-enjoy. At tutugtog yung tropa ko na parte vocalist ng Station Four.


"Sabi naman sayo huwag na tayong manuod." Sabi nya at pa iling-iling pa. 

"Ano ka ba. Kaya ko naman yon at madali lang naman. Masaya naman to eh. Ikaw tong puro libro eh mag-enjoy ka naman pa minsan. Oh ayan magsisimula na pala." Habang nagtutugtugan ay napansin ko na nagcecellphone si Andy, paano naman to mag-eenjoy.

"Sinong katext mo?" Paguusisa ko. 

"Si Amanda, papunta palang sila eh. Sunduin kaya natin?"


Sinundo namin sila Amanda, magkakasama pala sila ni Alexander, Alexandra, Amber at Sam. Nung magkakasama na kami ay humanap kami ng magandang pwesto. At tyempo naman na ang Station Four na ang kakanta.


Hey hey hey hey! What's up guys ? We're the STATION FOUR.

Nagpapakilala palang sila ay nagtitilian na ang mga babae.

Sikat ang banda nila dito sa U.S.C buti nalang at nakakuha kami ng maganda pwesto sa unahan. Shoutout sa tropa ko dyan! Sup guyssss. Sabi nya ng nakamic pa at tinuro kami at kumaway naman kami. At nagsimula na syang kumanta.


You give me love a bad name - Bon Jovi

"Shot through the heart, and you're to blame, darling

You give love a bad name"

Nagsimula palang si Andrei pero nakuha nya na agad ang atensyon ng lahat ng tao dito. Nagtitilian, nagkakantahan at nagsisigawan na.

"An angel's smile is what you sell
You promise me heaven then put me through hell
Chains of love, got a hold on me
When passion's a prison you can't break free"

Ang lakas humatak sa tao ni Andrei. parang nasayaw sa stage si Andrei kasi hindi lang sya sa isang pwesto kumbaga malikot sya.

"You're a loaded gun, yeah
There's nowhere to run
No-one can save me, the damage is done"

ONE DAY (KN)Where stories live. Discover now