CHAPTER 41

41 1 2
                                    

I've been looking for you


Nung naglilibot na kami ay maraming mata na natingin saakin hindi ko alam kung bakit pero naiilangan na talaga ako. Natungo nalang ako para maiwasan ang eye contact sa ibang tao. Nauuna silang maglakad na nasa hulihan kami ni Alexander.


"May dumi ba ako sa muka?" nakatungong pabulong na tanong ko sa kanya. Pinasadahan nya ng tingin ang muka ko kaya nailang ako at umiwas ng tingin.

"Wala, nagagandahan lang sila sayo. Don't mind them." Sabi nya saakin kaya uminit ang pisnge ko at kumalabog ang puso ko. Damn Heart!

"Picture tayo!!" Aya ni Amanda.

Nagpicture-ran kaming mga babae at nag picture din kaming lahat pati ang boys. Maraming shots at ibat ibang pose. Nagtawag pa kami ng kung sino para lang makuhanan kami ng lahatan kasama ang magandang view.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong Isla. Maraming tao may mga foreigners at hindi ko sila maintindihan dahil sa accent nila at sa ibang lengwahe. May mga batang naglalaro ng sand castle sa buhangin.

May nakita akong babae na nasa mid-30's at may bata syang hinahabol na mukang 5-6 years old. Bigla kong naalala si mama. Dahil dati ay dinadala nya rin ako sa beach wala pa si Angeline noon at kami lang ni Mommy La at Mama ang magkakasama. 


"Doon muna kami ni Amber, alone time!" At humahakhak si Sam habang hinihila si Amber na namumula sa oras na 'to.

"Kami din!" Giit ni Matthew at hinila si Andy.

"Hmm. Okay lang ba Alex kung isama ko si Amanda?" Paalam saakin ni Andrei sa katabi kong si Amanda. Halos matawa ako dahil nagpaalam pa sya.

"Oo naman. Sige na, dito lang ako." Sabi ko sa kanya. Umapila si Amanda pero tinulak ko sya.

Nagpapasalamat ako sa mga palm tress dahil hindi ako naiinitan dito. Masarap sa pakiramdam ang dagat. Yung malayo sa lahat, malayo ka traffic, sa usok, sa mga buildings at masaya lang lumayo at pumunta sa isang isla na walang nakakakilala sayo kung hindi ang kaibigan mo. 


Best Escape Anyone Can Have, ika nga nila. Totoo naman 'yon dahil sa talang buhay ko hindi kumpleto ang taon ko kapag hindi pumunta ng beach pag summer. Kumbaga, ito yung kumu-kumpleto sa taon ko. 


Nakaupo lang ako sa bench at nag ce-cellphone. Nag-post din ako ng ilang pictures namin kanina. Nang biglang may kumausap saakin.


"Hi. Alone?" Aniya, muka ba akong may kasama?


Tumango lang ako at itinuon ko ang sarili sa cellphone.

"Tinetext si boyfriend?" Sabi nya na nagpa-angat ng tingin ko sa kanya.

"Wala akong boyfriend."

"Really?" May saya sa kanyang mga mata. Ngiting ngiti pa sya. What now?


Tumabi sya saakin at umisod naman ako dahil gusto nyang lumapit saakin. Lumapit ulit sya kaya umisod ako.


"So.." aniya, nalapit pa din naiinis ako ha! Bakit ba sya lapit ng lapit!

"ALEXANDRA!" Nakarinig ako ng sigaw mula sa likod. Si Alexander na may dalang dalawang buko na may straw. Saan ba sya galing?

ONE DAY (KN)Where stories live. Discover now