CHAPTER 19

57 1 4
                                    

Alexandra's Pov

He's drunk


Naiwan ni Amanda yung wallet nya dito sa kwarto kaya naman pinuntahan ko na sya instead of texting her dahil sa malapit lang naman. Pero nagulat ako nung nakita ko ang hayop nyang ex na kasama nya sa bahay.


"Zandro?!!" Hindi ko napigilan ang sumigaw. 

"Oh, hi alex. Long time no see." Ngiting ngiti nya pa akong binati. Feeling close ang hayop. Ngiting aso pa!! Hindi nagsasalita si Amanda at nakatingin lang sya saakin at kay ngiting aso.

"Alex--" Hindi ko na sya pinatapos magsalita. 

"Sandali nga, mag-uusap lang kami ng kaibigan ko mukang may hayop na nakatungtong dito sa pamamahay nya." Nakangiti kong sambit sabay tingin kay ngiting aso. Sa galit ko ay pumasok ako sa loob ng bahay at pinalabas si ngiting aso.


Ano bang utak meron tong si Amanda?


"Amanda!! What's the meaning of this?" 


Gitil na gitil ako at hindi ko maintindihan kung bakit ganito na di nya manlang sinabi saamin? 


"Relax." Naririnig nya ba ang sinasabi nya. 

"Relax?! You're with your ex who broke your heart!!!" Sigaw ko pa. Hindi ko mapigilan ang nag aalburoto kong galit. 

"Nagbago na sya." Napangisi naman ako sa sinabi nyang dahilan.

"Ilang beses na yan?" 


Hindi lang pangalawang beses pinatawad 'to ni Amanda kahit hindi na tanggap ni Kuya Edmark ay pinagpapatuloy nya pa rin ang kahibangan nya sa buhay. 


"Alexandra." Mahinahon nyang sambit at tila ba pinapakalma ako.

"WHAT?!" Sigaw pa rin ako ng sigaw dahil siguro nung may umulan ng 'Katangahan sa pag-ibig' sinalo nya lahat. 

"Respect him." Hindi ko alam kung anong gayuma ang pinainom nung hayop sa kanya dahil sa kahibangan nya.

"Respect? He doesn't deserve that. At kung hindi pa ako pumunta dito hindi mo manlang sasabihin sa tropa? Mas mahal mo na sya kesa saamin, ganon ba?" 


Nanggigitil na ako pero pinipigilan ko ang sarili ko na magalit. Pero galit talaga ako!!! 


"No. Hindi ganon." Napangisi ako sa inasal nya. Hindi? Oh, come one! 

"Then what?!" Kinalma ko ang sarili ko kahit na sasabog na ako.

"Sasabihin ko naman sa inyo nahanap lang ako ng tsempo." Hindi sya makatingin saakin siguro sa hiya. 

"Then you actually want me to believe that?." Napa-english tuloy ako.

"If you loved me, you will accept Z, for the last time." I can't believe her. Hindi ko yata kaya 'tong gustong mangyare ni Amanda.

"Sorry Amanda, I love you but I hate him for breaking your heart. Mag-isip ka nga kung ano yang pinag gagawa mo. Alam natin kung anong klaseng hayop yang si Zandro. You don't even consult us kung payag kami. Pag-isipan mong maigi, please."


Binuksan ko na yung pinto at hindi na sya hinayaan pang magsalita. Magkakasama nga kami kagabi pero hindi nya man lang naisip na sabihin saamin. Nakakainis lang. Ang saya saya namin kagabi tapos ngayon eto na? Kung ganon pala ang kalalabasan sa pagiging masaya. Nakakatakot namang maging masaya..

ONE DAY (KN)Where stories live. Discover now