CHAPTER 32

59 2 1
                                    

Matthew's Pov

My bestfriend is also my lover


Nung nasa Slash kami hindi ko na napigilan ang sarili ko na halikan sya lalo na nung nalaman ko na pareho pala kami ng nararamdaman. Sa totoo lang matagal ko ng gusto si Andy mahal ko na sya. Ang kaso pinangunahan ako ng kaba, na baka hindi kami parehas ng nararamdam na baka umiwas sya saakin, na baka mawala sya sa buhay ko. Kaya nung nakilala ko si Ashley sa kanya ko itinuon ang atensyon at oras ko sabay naging cold kay Andy na baka sakaling mapunta sa kanya yung pagmamahal ko kay Andy. 


Pero hindi yun nangyare dahil nung pumasok sa eksena si Jacob lalo akong nainis sa sarili ko na feeling ko naasakin na nasulot pa. Lagi akong naiinis lalo na pag nakikita ko silang dalawa na masayang nagtatawanan na ako dapat yun. Natatawa ako sa sarili ko dahil nung binuksan ni Ashley ang pinto at iniwan ko si Andy ay nahiya ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya naman umalis nalang din ako at sinabi na ihahatid si Ashley. Nung pag labas ko sa quarters ng banda ay nag cr muna si Ashley at saka ko naman nakita si Jacob. 


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya dahil hindi sya welcome dito. 

"Sinusundo ko si Andy angal ka? Maangas nyang sabi. Sinara ko yung kamay ko dahil gusto ko na syang suntukun sa inis. Muka palang nya nakakainis na, boses pa kaya. Hindi ko na sya pinansin pero bigla itong nagsalita kaya lalong kumulo ang dugo ko sa kanya. 

"Anong feeling na makita ang babaeng mahal mo sa ibang lalaki? Masakit ba? Akin na sya ngayon." At ngumiwi pa sya na lalo kong kinainis. Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinuntok ko sya at dumating si Andy.


Yung hayop pa ang kinampihan at kita sa muka nun ang pag ngiwi na para bang nanalo sya. Nung nahatid ko na si Ashley ay bumalik ako ng Slash kaso wala na sya. Naunahan na ako.. kaya napagdisisyunan ko ng gumalaw dahil ayokong may ibang lalaki na umaaligid kay Andy. Nagkamali ako ng disisyon na iwasan at ibaling ang atensyon ko sa iba. Pababa ng hagdan si Andy kaya naman napatingin ako sa kanya. Naka tight red dress sya at converse na puti at may sling bag. Lumapit ako sa kanya at kita sa mata nya ang saya nya miski ako, ako na yata ang pinaka masayang lalaki sa buong planet earth. 


"Ayos ha. Saan debut?" Biro ko sa kanya. At sumama agad ang muka nya. 

"Mag date ka mag-isa mo!!" Pagmamaktol nya. Ang cute nya talagang asarin. 

"Biro lang, ang ganda mo nga eh. Pakasalan kita dyan eh. Tara na."  Paglalambing ko naman sa kanya.


Sumakay kami sa kotse ko at pinagbuksan ko sya at ako din ang nag seatbelt sa kanya. Nung malapit yung muka namin sa isa't isa. Inasar ko sya dahil mas nilapit ko pa ang muka ko. Maya-maya pumikit na sya kaya naman napangiti ako at hinalikan ko sya sa cheeks. 


"Uy, gusto rin." Pang aasar ko sa kanya nag crossed arms lang sya at tinarayan ako. Hinawakan ko yung kamay nya habang nag da-drive ako pero inaalis nya. 

"Tobs naman eh." Paglalambing ko sa kanya. 

"Tobs ka dyan!! Hindi ako yon, Andy ang pangalan ko tse." Pangtataray nya at nag crossed arms pa.

"Tobs. Ang ibig sbaihin non, Tomboy. Diba yun yung asaran natin nung hs pa tayo?" Sabi ko at hinawakan ko yung kamay nya.

"Ah. Hahahaha oo!! Naalala ko na. Bads kasi bading ka takot sa ipis Hahahaha." 

ONE DAY (KN)Where stories live. Discover now