Prologue

1.1K 31 1
                                    

Fifteen years ago..

Sa bawat araw na lumilipas, hindi pwedeng hindi sumilip si Bea sa kanyang bintana at tanawin ang isang gusali na kanyang palaging itinatanong sa kanyang Yaya kung ano ito. Kagaya ng ilang mga bata, may kakulitan ito at sadyang bibo at palatanong. Nakaupo siya ngayon sa kanyang kama habang naglaro ng paborito niyang puzzle. Hinahayaan lang naman siya ng kanyang yaya dahil sa murang edad, nakakitaan na ito ng hilig sa bagay na binubuo, matalinong bata ika nga.

"Yaya, what's that building?"

Napatigil naman si Yaya Esing sa kanyang ginagawa at tiningnan ang tinutukoy ng alaga. Hindi nga siya nagkamali, ang gusali ng Ateneo ang tinatanong ni Bea. Napakamot nalang si Yaya Esing dahil ilang beses na siyang tinanong ng alaga kung ano ang gusaling iyon.

"Baby, iyan ang Ateneo. Iyan ay isa sa pinakamagagandang unibersidad dito sa Pilipinas."

"Ahhh." Matapos sagutin ay may kung ano'ng naisip si Bea at ito'y kanyang sinabi sa kanyang mahal na yaya. "Yaya, when I grow up, I want to study in Ateneo."

Habang sinasambit ng batang si Bea ang salitang iyon, mababanaag mo rito ang kasiyahan. Napangiti nalang ang kanyang yaya at pinagmasdan si Bea habang ito'y abala sa puzzle na kanyang binubuo.

Let Her GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon