Chapter 8

478 22 0
                                    

Bea's POV

Paminsan-minsan ay nililingon ko si Jho para tingnan kung ano ang estado niya. Masyado siyang tutok sa ginagawa niya. Naka-ilang beses na rin kaming pahinga muna sa pwesto ni Jia dahil nakakangawit talaga ng husto iyon. Ilang sandali ay babalik din kami sa pwesto dahil ayon naman kay Jho ay malapit na s'yang matapos. Hindi na masyado nakakailang ang pakiramdam kahit alam ko na iilan lang na pulgada ang layo ko kay Jia.

Hindi ko talaga maiwasan humanga sa kanyang kagandahan. Ang bawat detalye ng kanyang mukha, para sa akin, ay napaka perpekto. Parang isang anghel ang nasa harap ko ngayon. Naiisip ko lang, naipakita kaya namin ang gustong mangyari ni Jho. Kagaya ng sabi niya, nais niyang maipakita sa kanyang proyekto ang dalawang babae na lubos na nagmamahalan. Wala naman siyang sinasabi tungkol doon. Ibig sabihin kaya noon ay... nagagawa namin ng tama?

Ang ideyang iyon na nabuo sa aking isipan ay naglikha ng kasiyahan sa aking damdamin. Pwede kayang? Ang nararamdaman kong paghanga kay Jia ay ganoon din siya saakin? Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapangiti. Crush niya din kaya ako? Ang ideyang iyon ay biglang nabura noong dinala ako ng aking isipan sa dahilan ni Jia kung bakit s'ya pumayag na tulungan si Jho sa bagay na ito. It's just for the tryout.

Lahat ng positibong bagay na aking nadarama ay nabura ng iisang bagay na iyon. Bakit nga ba ako umaasa na ang aking nararamdaman ay kagaya din ng sakanya? Bahala na nga. Maya-maya pa ay sinabi ni Jho na tapos na kami. Agad akong bumangon nang hindi manlang titingnan si Jia. Meron akong napansin sakanya noong kumakain kaming tatlo ng lunch. Parang hindi niya iyon nagustuhan.

Nakatayo na kami ngayon sa labas ng bahay nina Jho at naghahanda nang umalis. Nagpasalamat siya saamin lalo na kay Jia dahil sa pagpayag na pagtulong sa kanyang proyekto. Patungo na sana kami ni Jia sa aking sasakyan ng biglang sabihin ni Jho na may sasabihin pa s'ya saakin kung kaya't pinauna ko nalang si Jia sa sasakyan.

"Alam mo, bagay kayo ni Jia." Sambit ni Jho nang masiguro na hindi na maririnig ni Jia ang pag-uusapan namin. "Kita mo naman, nagawa niyong ipakita ang gusto kong kalabasan sa artwork ko. Two women who are passionately inlove with each other."

"Ewan ko sa'yo, Jho. Madali lang naman magpanggap na inlove ka sa isang tao lalo na kung may importanteng nakataya 'diba?"

"Ano'ng ibig mong sabihin? Alam mo, Bei. Hindi ko alam kung ano ang nilaklak mo, pampamanhid ba o pampapait. Jusko. Natingnan mo siya ng mata sa mata 'diba? Sabihin mo nga saakin ng diretso na hindi mo alam ang tinutukoy ko."

"Hindi ko alam ang tinutukoy mo, Jho. Because in the first place, kaya lang pumayag iyan na tulungan ka dahil may pabor din s'yang hinihiling sa'yo at pumayag ka, kaya gagawin niya lahat para sa'yo. Kahit palabasin niya pa na inlove siya saakin."

"Ayy! Ang pait mo, beh. Haha. Oh siya, umalis na kayo. Isang bagay pa pala, kanina nung nayari ko ang project, ni hindi mo manlang nilingon si Jia at ramdam ko na nalungkot siya doon, hanggang sa pagkain natin, I could feel na na naapektuhan siya nun, ngayon mo sabihin saakin na nagpapanggap lang yung tao eh wala naman na tayo doon sa ginagawa ko." Natagilan ako sa sinabi ni Jho na 'yon. Tama siya. Hinila ako ni Jho papalapit saakin at may ibinulong. "Sabi nga sa commercial, huwag mong iwasan si crush. Haha! Ala-una palang, may oras pa kayong mamasyal. Go for it, Bei!"

Matapos ng usapan namin ni Jho ay tumuloy na ako sa aking sasakyan. Balak kong ayain si Jia na maglibot-libot muna kaso wala naman akong maisip na lugar kung saan kami pupunta. Naupo na ako sa driver seat at tiningnan ko siya. Wala s'yang imik kung kaya't mas lalong hindi ko alam ang gagawin.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakapag-ipon ako ng lakas ng loob para basagin ang katahimikan na kanina pa bumabalot sa loob ng sasakyan. Sana ay pumayag siya sa iaalok ko.

Let Her GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon