Chapter 20

179 3 2
                                    

Miguel and I are on our way to Jana's house. Good things is umayon ang schedule ng lahat para sa celebration na ito na pakana ni Jho. I can't help but smile na naisip pa nila na gawing dahilan ang pagiging magkarelasyon namin ni Bea for this day. As I think of the things that happened since that short trip in Bataan, hindi maiaalis ang kasiyahan sa aking puso. Pero..hindi rin mawaglit sa aking isipan ang naging reaction ni Mamu when I told her na we will be sleeping over at Jana's house, sa totoo lang she's fine with it kasi akala niya I'm with Miguel and Jana lang, nag-iba ang timpla niya when I mentioned Bea's name.

Is she against us? Paano nalang kapag sinabi ko na kami na ni Bea?

"Hey, Ji. You okay?"

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang boses ni Miguel na kani-kanina lang ay tahimik na nagmamaneho. He begs off pala sa plan na sleepover sa bahay ni Jana. So noong sinundo ako ni Miguel sa bahay at nalaman ni Mamu na hindi sasama 'tong bestfriend ko sa planong sleepover, gusto ni Mamu na isabay na rin ako ni Miguel pauwi.

"Ang dami lang gumugulo sa isip ko, Miguel. Hindi ko alam pero nararamdaman ko na magkakaproblema ako kay Mamu kapag nalaman niya ang tungkol saamin ni Bea. Dati rati naman 'diba hinahayaan niya ako na mag sleepover kina Jana at okay lang sakanya na umuwi ka nang 'di ako kasama pero kanina, nung nalaman niya na kasama si Bea, nagbago ang timpla niya."

"Sa totoo lang hindi ito ang unang beses na naiparamdam ni Mamu na hindi siya sa sang-ayon saamin ni Bea. Naalala mo, naging subject kami ni Bea for Jho's painting 'diba? Jho decided to give me the painting and Mamu saw it on my room. She asked things about that, and the feeling that she doesn't want the fact me and Bea are getting along started there. I don't know what to do, Miguel."

"Actually nagulat din ako and napansin ko rin ang pagbago ng mood ni tita noong binanggit mo ang pangalan ni Bea. Akala ko wala lang iyon, baka nagkamali lang ako kung kaya't hindi ko na sinimulan na pag-usapan natin pero kanina ka pa sobrang tahimik at sinabi mo na nga ang mga bagay na ito, napagtanto ko na tama ang napansin ko."

"Ji, kung totoo man na against si Tita sa relasyon ni Bea, baka natatakot lang siya sa mga kung anu-anong panghuhusga na ipupukol sainyo ng ibang tao. Especially you, you have that followings na, parte ka ba naman ng pinakasikat na collegiate team sa Pilipinas, madami nang nakakakilala sa'yo. Baka ganun lang ang kay Tita pero she's not totally against you and Bea naman. Anyway, naandito na tayo, iwaglit mo na muna sa isipan mo ang mga bagay na iyan, we are here to celebrate.  Naandito lang ako palagi for you okay, Ji?"

"Thanks, Miguel. And favor please, sana huwag mo na munang ipaalam sakanila ang mga napag-usapan natin at mga napansin mo kanina sa bahay ah? I don't want to ruin this celebration kasi sabi mo nga, naandito tayo para magdiwang."

"Sure, Jia. You have my word."

...

Bea's POV

Wala pa sina Jia at Miguel nang makarating ako dito sa bahay nina Jana. Sa totoo lang ramdam ko parin ang sakit na dulot ng ginawa ni Jana pero ako rin ang talo kung patuloy kong hahayaan na maging ganun nalang ang mga bagay-bagay kaya noong nasa cafeteria kami, hindi na ako nagdalawang-isip na sabihin kay Miguel na kung gusto niya ito imbitahan na pumunta sa kinaroroonan namin ay gawin na niya. Hindi na rin ako nagdalawang-isip na kausapin si Jana sa bagay na gagawin namin ngayong weekend at kahit papaano nakatulong ito sa sarili ko. Alam ko rin naman na marahil ginawa lang iyon ni Jana dahil sa sitwasyon ng pamilya niya. It's true that it hurts so bad on my part because I've trusted Jana all these years pero wala na rin naman magagawa kundi ang patawarin siya at patawarin na rin ang sarili ko. Besides, Jana is the kind of person who deserves a second chance. Dala-dala ko rin ang mga bagay na binigay ni Jana saakin noong nasa Church of Gesu kami, I'm planning to return it to her because it belongs to her and these things has already served its purpose for me.

Let Her GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon