BEA's POV
Papalubog na ang araw. Ang aking dinadaanan ay unti-unti nang binabalot ng kadiliman. Busina ng mga sasakyan ang aking naririnig habang tinatahak ko ang daan pauwi. Ang iba't-ibang ingay na kasalukuyang bumabalot sa aking kinaroroonan ay nagdudulot sa akin ng pagkalito, kung saan-saan nakararating ang aking isipan. Habang mahigpit ang aking pagkakahawak sa manibela ay paminsan-minsan napapasulyap ako sa box na ibinigay saakin ni Jana na nasa tabi ko lamang. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang kanyang mga sinabi saakin. Ang daming katanungan sa aking isipan, mas madami sa alam kong kasagutan. Ang mga nangyari nitong mga nagdaang araw ay labis na nakalilito.
Una, noong nagkita-kita kaming tatlo, masyadong malalim ang mga sinasabi nina Jia at Jana sa isa't-isa na tila ba may nais pang ipakahulugan maliban sa kung ano ang ibig sabihin ng bawat salitang kanilang sinasambit. Ang mga tingin nila sa isa't-isa, ang mga kinikilos ni Jana na para bang may lihim s'yang tinatago na ayaw malaman ng kung sino man. Si Jia, banaag sakanya ang pagkagulat noong makita niya kami ni Jana na magkasama ngunit iyon ay naglaho at mas naging mga makahulugan ang kanyang mga sinasabi, hindi lang ang mga salitang kanyang sinasambit kay Jana ngunit pati na rin ang mga tingin niya saakin.
Pangalawa, noong magkasama kami ni Jia. Ang partikular na pangyayaring iyon sa kwarto niya, ang stuffed toy, ang snowball at ang aklat na iyon. Familiar ang aklat na iyon dahil alam ko nagmamay-ari din ako ng ganoong aklat. Ang kanyang mga sinabi saakin tungkol sa taong nagbigay sakanya ng mga bagay na 'yon. Masasabi kong napaka-importante ng taong iyon sakanya dahil ayon na rin sakanya, kahit ilang taon pa ang lumipas, may puwang sakanyang puso na tanging nakalaan lamang sa taong iyon.
Pangatlo, ang mga sinabi saakin ni Jana ngayon lang. Lahat ng mga nangyari nitong mga nagdaang araw at ang kanina ay tila ba konektado sa isa't-isa at ayon kay Jana, ang mga bagay na binigay niya saakin ngayon lang ay maaaring makatulong saakin, ang mga alaalang nabura ay maaaring maibalik sa pamamagitan ng mga bagay na nasa loob ng kahon.
"Matagal ko na siyang hinihintay na bumalik na ng tuluyan sa buhay ko pero sa tingin ko, hindi pa siya handa sa ngayon."
"One more thing, matagal ka na niyang hinahanap, Bea. Huwag ka sanang mag-atubili na bumalik sakanya kapag nalaman mo ang lahat."
Habang paulit-ulit kong naririnig sa aking isipan ang mga bagay na sinabi nina Jia at Jana ay lalong lumalakas ang kutob ko na ang mga bagay na ito ay may kinalaman talaga sa akin. Kailangan ko nalang na matibay na pruweba upang tuluyan ko na itong maunawaan. Nabaling ulit ang aking paningin sa ibinigay saakin ni Jana, sa totoo lang, hindi ko sigurado kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Natatakot ako sa mga bagay na maaaring bumungad saakin sa oras na malaman ko ang lahat-lahat.
Tuluyan na akong nakarating dito sa aming bahay ngunit para ba'ng wala pa akong lakas ng loob na bumaba sa aking sasakyan. Tumigil ako ng mga ilang minuto at matapos noon ay tumuloy na ako sa bahay dala-dala ang ibinigay ni Jana saakin. Kaagad akong sinalubong ni Mommy, napansin niya ang dala-dala ko kaya tinanong niya ako tungkol dito at sinagot ko naman siya na galing ito kay Jana. May pag-aalala akong nakikita sa mukha ni Mommy dahil na rin siguro nararamdaman niya na may bumabagabag saakin. Tumuloy na ako sa kwarto at inilagay sa tabi ng aking higaan ang box na iyon. Napagdesisyonan ko na maligo na muna para kahit papaano ay gumaan-gaan ang pakiramdam ko.
💙💙💙
JANA's POV
Natatakot ako sa maaaring maging resulta, maaaring mawala ang pagkakaibigan namin nina Bea at Jia dahil dito pero sa tingin ko, kahit mangyari man iyon, ginawa ko parin ang tama sa huli. Sapat na iyon para saakin, napatawad ko na ang sarili ko sa aking ginawang pagkakamali at sobra-sobra man pero sana mapatawad din ako ng dalawa kong kaibigan lalong-lalo na ni Bea. Sinamantala ko ang pagkakataon at ginamit ko ito para sa aking kapakinabangan. Hindi sapat na dahilan ang kakulangan ng atensyon mula sa aking pamilya para gawin ko ang bagay na iyon para sa taong nagpahalaga saakin ng husto. Alam kong nagkamali ako, anuman ang maging resulta ng aking pagkakamali ay tatanggapin ko.
BINABASA MO ANG
Let Her Go
FanfictionHow far are you willing to go when it comes to love? Will you keep holding on even if it hurts so bad? Let me take you to a story that will define perfect as imperfection.