Chapter 15

184 7 1
                                    

Jia

Ang mahimbing kung tulog ay naputol ng ingay na nilikha ni Bea. Kaagad kong tiningnan ang aking kaibigan kung maayos lang ito pero nagulat ako nang makitang may tumutulong luha mula sa kanyang mga mata. Ang kanyang mga kilay ay halos magkasalubong na habang nakakuyom ang kanyang mga palad. Sinubukan ko siyang gisingin ngunit ang ilang beses na pagtapik sa kanyang balikat ay walang nagawa. Butil-butil na ang kanyang pawis at ang sumunod na nangyari ay ang kanyang biglang pagbangon habang sinisigaw ang....

"Yaya!"

Hindi na kailangang sabihin na masama ang kanyang panaginip. Ang patuloy na pagtulo ng kanyang luha ay tila ba dumudurog sa aking puso. Kaagad ko siyang niyakap at hinagkan ang kanyang noo. Matapos siyang hagkan ay aking tiningnan ang kanyang mukha. Hinawi ko ang iilang buhok na nakaharang sa kanyang mukha at pinunasan ang kanyang mga luha. Hindi ko maiwasan na hindi malungkot dahil sa pinaka madilim na parte ng buhay niya ay wala naman ako. Siguro, higit pa rito ang kanyang sakit na nararamdaman.

"I'm just here for you, Beibei. Hinding-hindi na tayo magkakahiwalay." Sambit ko sakanya habang nakatingin sa kanyang mga mata. "Nakakalungkot na wala ako sa tabi mo nang mangyari ang lahat ng iyon pero naandito na ako. " Mugto na rin ang aking mga mata at hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. "Gagawin ko lahat para maging maayos ka na, Beibei."

Pinunasan niya rin ang aking mga luha at kahit na nga ba hindi pa maayos ang kanyang nararamdaman ay binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. "Hmm. Ano 'to? I cry, you'll cry? Ayaw ko naman ata na maging dahilan ako ng pag-iyak mo. Pag-iyak na dulot ng kakungkutan. Alam ko naman na hinding-hindi mo 'ko iiwan, Jujubear. Pero masarap parin talaga na naririnig ko iyon mula sa iyo." She kissed my cheek and decided to go back to sleep.

Ang kanyang braso ang nagsilbing unan ko habang ang isa niya pang kamay ay nakayakap saakin. Masaya ako. Nakasiksik ang aking mukha sa kanyang leeg habang ang isa kong kamay ay nakayakap rin sakanya. The fact that she's here with me now is the reason to the evident smile on my face. How I wish we could stay like this forever, Beibei.

...

Tumunog na ang alarm clock at kahit gustuhin ko man na matulog pa ay hindi naman pwede, baka ma-late pa kami ni Bea sa klase namin. Sa totoo lang, mas maaga ang pasok ko ng isang oras kay Bea pero ayos lang naman daw sakanya na sabay na kaming pumunta sa Ateneo. Sinabi niya na magkikita nalang daw sila ni Jho sa library para habang naghihintay sa pagsisimula ng klase ay magbabasa-basa muna sila para handa na rin sa pagpasok. Napalingon ako sa kinaroroonan ni Bea at ang kanyang mukha ay kabaliktaran sa nakita ko kanina nang magising ako ng madaling araw. I am definitely starting this day on a right note.  I caught myself staring at Bea, napatigil lang ako nang bigla siyang gumalaw at hinatak ako pabalik sakanya. Half of my body is on top of her while she's hugging me so tight.

"Hmm. I just want to remind you, Beibei , that we still need to take a bath, eat our breakfast and drive to Ateneo and we have to do it within two hours."

"Hmm. Katamad. " She still has this sleepy voice but she manage to speak again. "Well, gaano ka ba katagal maligo?"

"Okay na ako sa 45 minutes. Why?"

"Ah. Well, I also want to remind you, Jujubear, that several days ago you have this note sa binigay mong pagkain saakin saying na: Kapag sumama ka saakin, magiging akin ka. Since sumama ako sa'yo, sa'yo na ako. We can take a bath together at ang 45 minutes na paliligo mo, kahit 30 minutes nalang, pwede natin gamitin for cuddle time."

"Ayy grabe! Ewan ko sa'yo, Beatriz! Bumangon na tayo. Ang dami mong nalalaman. At gaano ka kasigurado na papayag ako'ng sabay tayong maligo? No way!"

Let Her GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon