JIA's POV
"Sorry kung natagalan pero naandito na ako. Alam kong kailangan kong bumawi sa'yo, Jujubear."
Nang marinig ko ang mga katagang binitawan ni Bea. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Ano nga ba ang sasabihin ko? Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito at ngayong naandito na, hindi naman ako makikilos, ni makapagsalita. Ang kanyang mga mata ay punong-puno ng emosyon, kasiyahan, pananabik at alam ko ring naghihintay siya sa magiging tugon ko. Lumipas ang ilang minuto ay hindi ko parin alam ang aking gagawin, napansin ko ang luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata. Ano ang ibig ipakahulugan ng mga luhang ito? Hindi ko na nais pang malaman kung para saan ang luhang iyon, ang parte sa aking pagkatao na nais pawiin kung ano man kanyang nadaramang kalungkutan ang nagbigay-daan para ako ay kumilos. Bumitaw ako sa kanyang pagkakahawak sa aking kamay at kaagad na hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi. Taimtim kong pinagmamasdan ang kanyang mukha at ang luhang umaagos sa kanyang pisngi ay aking pinunasan. Hindi ko namalayan na ang sariling patak ng luha ko ay tila ba kasunod na rin ng pagpatak ng kanyang luha. Ang mga luhang dumadaloy sa aming mga pisngi ay aking napagtanto, ito'y dulot ng kasiyahan at pananabik.
Hinawakan ulit ni Bea ang aking mga kamay saka siya tumayo. Sumunod na rin ako sakanya at ilang segundo pa ang lumipas ay naramdaman ko nalang na yakap-yakap na niya ako ng mahigpit. Tila ba ang aming mga katawan ay hinulma para sa isa't-isa dahil napakasarap ng pakiramdam na ako'y nasa mga bisig niya. Inilagay ko rin ang aking mga braso sa kanyang bewang. Naramdaman ko ring kanyang hinagkan ang aking noo.
"Thank, God. You are finally here with me, Beibei." Mahina ang aking pagkakasambit ngunit sapat na para kanyang marinig. Nagpapasalamat rin ako kay Jana dahil sa huli, ginawa niya ang tama. Alam ko kung gaano kaimportante si Bea sakanya kaya alam ko na hindi niya pipiliing masaktan ito. "Promise me, Bei. Hindi na tayo maghihiwalay. Ipangako mo, please."
"Pangako, kahit saan tayo dalhin ng agos ng buhay, kahit ano'ng mangyari, walang makakapaghiwalay saatin, Jujubear. Masyado nang matagal na wala ka sa buhay ko, masyado nang maraming nangyari. Hindi ko hahayaan na magkahiwalay ulit tayo."
Bumitaw na kami sa pagkakayakap saka tiningnan ang isa't-isa. Ang kaninang mga luhang dumadaloy ay napalitan na ng mga ngiti sa aming mukha. Isa na ito sa mga pinakamasayang araw sa buhay ko. Ang kabog sa aking dibdib habang tinititigan ko si Bea ay hindi ko maintindihan, patindi ito nang patindi.
"Ang pangit mo na, kahit kailan ang iyakin mo talaga, Beibei."
"Sus! Ikaw pa talaga na nagsabi na iyakin ako eh noh? Sino ang kaya ang mas namumula ng ilong saatin at namamaga? As I can see, ikaw saating dalawa iyon, Jujubear. Haha."
"Oo na. Ako na, alam ko naman na hindi ka magpapatalo at mula pagkabata ako na ang nagpaparaya saating dalawa. Haha. Nga pala, medyo late na, hindi ka pa ba uuwi? Magkita nalang ulit tayo bukas sa campus."
"Maupo muna tayo, Jujubear." Matapos kung maupo sa swing na kinauupuan ko kanina ay pumwesto naman si Bea sa kabila. Nakatingin siya saakin at para bang hinahanap niya ang tamang salita kung saan siya magsisimula. "Jujubear, bago kasi ako pumunta dito, nagpaalam ako kay Mommy na pupunta dito tapos..."
"Tapos?"
"Sabi ko kasi baka hindi muna ako makauwi ngayong gabi. Pinayagan naman ako Nagdala na rin ako ng damit ko para pampasok ko bukas pati na rin pantulog ko ngayong gabi. Gusto ko sana, um.. I want to spend this evening with you. Iyan kung papayag ka at sila Mamu at Papu. So, okay lang ba?"
"Namiss mo talaga ako eh noh? Haha. Ofcourse, Beibei. Walang problema. Kasya naman tayo sa bed ko kahit gan'yan ka na kalaki ngayon. Huwag ka lang malikot ah. Hahaha."
"Really? Thanks, Jujubear! Wooohhh. Ang saya!" Nakakatuwa siyang tingnan. Ang kanyang mga mata na lumiliit kapag siya'y ngumingiti at ang kanyang dalawang maliliit na dimples sa magkabilang pisngi. Tumango nalang ako bilang tugon sakanyang itinatanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/77777022-288-k23604.jpg)
BINABASA MO ANG
Let Her Go
Fiksi PenggemarHow far are you willing to go when it comes to love? Will you keep holding on even if it hurts so bad? Let me take you to a story that will define perfect as imperfection.