Chapter 3

477 20 0
                                    

JIA's POV

I'm with Miguel right now and we're heading to cafeteria and he told me about what he heard from his friend over the Management Economic Major. According to him, it's a freshie who acted so rude in front of a professor. He keeps on talking and I listen attentively and I have a strong feeling that the student who did that is the girl that we encountered in the parking lot this morning.

Just like we always did, si Miguel ang umu-order ng kakainin namin. Alam naman na niya kung ano ang gusto ko. He's my childhood friend. We were born on the same day, the same place. That thing has been always a reason for our friends to match us up pero wala, kung madedevelop ako sakanya, matagal na sana dahil kagaya ng sabi ko, siya na ang pinakamatagal kong kaibigan. Pero wala eh, I have a feelings for Miguel but not the romantic one, hanggang best friend lang talaga.

Unti-unti nang dumadami ang estudyante dito sa cafeteria. Hindi naman ako ganun katutok sakanila kasi hinihintay ko si Miguel na bumalik with our food. Isang magkaibigan ang nahuli kong nagkikwentuhan tungkol sa ikinikwento rin ni Miguel saakin kanina. Hindi man sadya pero hindi ko alam kung bakit ako nakikinig sakanila.

"You know what, Dude? Ang astig niya talaga! She's my type"

"Let's see, dude. Baka naman hindi ka pansinin nun at sabay hiritan ka nalang kapag pinormahan mo na "can you better than that?". Eh mukhang mas lalaki pa sa iyo 'yon eh."

"Do you wanna bet? Kapag naging girlfriend ko 'yon, ikaw ang gagawa ng thesis ko."

"Call! I know, hindi mangyayari iyon."

Grabe itong mga lalaking 'to. Kailan pa naging ganito kalala ang mga lalaki dito sa Ateneo? Ang tsitsismoso. Nasaan na baka kasi si Miguel. Ang tagal-tagal naman nun. Ganun ba kadami ang estudyante na hanggang ngayon wala parin siya. Sobrang tagal naman niya atang nakabalik.

Bumalik ang paningin ko sa dalawang estudyanteng nag-uusap kanina at nagulat na lamang ako dahil ang isa na interesado sa babaeng pinagkikwentuhan nila ay nakatingin sa isang direksyon, ang babae sa parking lot. Tama nga ako, siya nga iyon.

Habang sinusundan ko ng paningin ang direksyon na tinitingnan ng lalaki ay nagtama ang aming paningin ng babae. Kung minamalas ka nga naman. Hindi pa nga ako nakakakain, heto naman itong babaeng 'to na siyang naging dahilan ng hindi magandang simula ng araw ko.

"What are you looking at?"

Nagulat na lamang ako matapos niyang bitawan ang mga salita na iyon ngunit napagtanto ko rin na hindi ako pasisindak sakanya. Naisip ko, kailangan kong makabawi sakanya.

"Gaano ka naman ka-sigurado na ikaw ang tinitingnan ko?" Matapang na sagot ko. Alam ko hindi niya rin inaasahan na gagawin ko iyon. Sa tingin ko sakanya, para siyang bully noong highschool at hanggang ngayong kolehiyo, dinala niya pa. "Madami rin ang nakatingin sa iyo dito oh, hindi mo ba alam iyon? Or tama lang din na sabihin ko sa'yo ang sinabi mo sa professor mo?" I smirked. Hindi ko parin inaalis ang paningin ko sakanya.

Tumayo ako at lumakad papalapit sakanya. Hindi man ako ganun katangkaran ay pinilit ko na matingnan siya ng mata sa mata.

"Miss, can you better than that?" Pagdidiin ko sa bawat salitang binitawan ko. Hindi na siya nakasagot. Ang atensyon rin ng karamihan ay halos nasa sa amin. May lalaking lumapit at naramdaman ko iyon mula sa aking likuran. Akala ko si Miguel, nalaman ko nalang nung lumingon ako at nakita ko ang lalaki na interesado sa babaeng ito.

"Oh. Good for you, you have found a saviour. Just so you know, this guy right here and his friend right there are having a bet, ikaw ang pinagpupustahan."

Let Her GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon