Chapter 1

732 27 1
                                    

Ito ang unang araw ng klase sa Ateneo de Manila University. Buwan ng Agosto kung kaya't madalas na rin ang pag-ulan. Buhol-buhol ang trapiko sa Katipunan Avenue. Isa pa, kasabay rin na nagbukas ng klase ang kalapit na Unibersidad ng Pilipinas. Nagmamadali sina Jia dahil ilang minuto nalang ay mahuhuli na siya sa kanyang klase.

"Miguel, bilisan mo!" Sambit niya sa kanyang bestfriend na kagaya ni Jia ay nag-aaral rin sa Ateneo. "Ilang minuto nalang male-late na tayo, magpapa-park ka pa ng sasakyan!"

"Heto na nga oh. Mabilis na nga ang pagpapatakbo ko sa sasakyan eh! Kulang nalang paliparin ko 'to. Pangarap ko pa naman ang maging piloto!"

Pagbibiro nito sa kaibigan. Ngunit kanyang napagtanto na hindi magandang ideya ang pagbibiro niya dahil umismid lang si Jia sakanya. Tila ba nakisama na rin ang pagkakataon at kahit papaano ay umuusad na ang mga sasakyan at lumipas lang ang ilang minuto ay nasa entrance na sila ng Ateneo.

Patungo na sila ngayon sa parking lot nang may mapansin silang isang mamahalin sasakyan na nagmamadali rin. Marahil kagaya nila ay iniiwasan din nito na mahuli sa unang araw ng klase. May nakita si Miguel na maaari niyang pagparadahan ng kanyang sasakyan. Isang sasakyan nalang ang pupwede na mag-park dito kaya hindi siya papayag na maunahan pa siya ng kung sino man na iyon na nagmamadali rin.

"Kumapit ka, Jia. This is gonna be one hell of a ride!"

Inapakan niya ang gas ng sasakyan at pinaharurot ito patungo sa iisang pwesto na natitira. Nakita naman ni Miguel sa kanyang side mirror na iisa ang iniisip nang kaparehong nagmamaneho sa kabilang sasakyan. Tila ba nasa drifting competition sila at confident siya na mauunahan niya ang kakompetensiya.

Nagulat siya sa ginawa ng nasa kabilang sasakyan. Pinaharurut din nito ang sassakyan at sabay pumreno dahilan para marinig ang gulong na kumakapit sa semento. Hindi niya inaasahan na kayang gawin ng nagmamaneho sa kabilang sasakyan ang move na iyon sa lugar na limitado ang espasyo dahil rin sa dami na rin ng sasakyan na nakaparada.

Malapit na si Miguel ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, bago pa man niya mai-park ang sasakyan ay naunahan na siya ng kanina pa niyang katunggali. Hindi niya alam ang gagawin, lalo na't nung tumingin si Jia sakanya ay halatang inis na inis ito. Sa ano'ng dahilan? Hindi na niya inintindi.

Bumaba si Jia at nilapitan ang sasakyan na umagaw sa pwestong paparadahan nila. Nagtagal muna ng ilang minuto bago bumukas ang pinto nito. Alam niyang late na siya sa kanyang klase ngunit wala siyang pakialam dahil gusto niyang malaman kung sino ang taong nasa loob.

Nakapameywang siya at handa na siyang sabihin ang lahat ng gusto niyang sabihan nang isang babae ang bumaba mula sa sasakyan. Matangkad ito, mahaba ang buhok at ang astig kumilos. Hindi niya maikakaila, maganda rin ito.

Nagsimula na siyang magsalita nang papalapit na sakanya ang babae.

"Hey! Ano'ng karapatan mo na agawin ang pwesto namin?!"

Matapos bitawan ni Jia ang mga salitang iyon, tiningnan lamang siya ng babae at hindi na nagsalita. Akmang iiwanan na siya nito ngunit hiniwakan niya ito sa braso at tila ba hindi papayag si Jia na umalis nalang ang babae. Nasa tabi niya na rin si Miguel at siya ay inaawat.

Nagpakawala ng isang buntong hininga ang babae at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang mg kamay nito. Tumingin siya sa mukha ni Jia at tinitigan ito.

"Well, kasalanan ko ba na babagal-bagal ang boyfriend mo? First come, first serve, Miss. " Tiningan din ng babae si Jia ng masama at nagpatuloy sa pagsasalita. "Obviously, sasakyan ko ang naka-park, common sense nalang, nauna ako. Got it?"

Matapos bitawan ang mga salitang iyon ay hindi na alam ni Jia kung ano ang isasagot sa babae. Kung tutuusin, tama nga naman, may punto ito.

"I'd appreciate if you let go of my arm kasi alam mo, hinihintay na ako ng kaibigan ko."

Binitawan ni Jia ang braso ng babae. Hindi parin maalis ang pagkainis niya sa mga nangyari. Hinayaan naman na siya ni Miguel na mauna papunta sa kanyang klase, ilang hakbang palang ang kanyang natatahak ay may narinig siya'ng boses.

"Bea! What took you so long? I've been waiting for you. Ang tagal-tagal mo!"

Matapos malaman ni Jia ang pangalan ng babae, may kung ano siyang naiisip. Alam niya isa lang ito sa madaming pagkakataon na magkikita sila ng babae.

"Bea pala huh? Hindi pa tayo tapos. Makakabawi din ako sa'yo."

And she continues to walk to her class...

Let Her GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon