Chapter 11

436 20 2
                                    

JIA's POV

Naging maayos ang tryout ni Jho. Hindi nga namin akalain na ang kagaya niya ay mailalagay lamang sa Team B noong highschool palang siya. Natural sakanya ang gumawa ng isang malakas na palo at mataas din s'yang tumalon, natural athlete ika nga. May mga kailangan pa s'yang matutunan pero nasisiguro ko naman na ang lahat ng iyon ay mapo-provide ni Coach Tai. Ganoon ang mga gustong i-train ni coach, raw talents. Sa kalagitnaan ng tryout ay nasusulyapan ko paminsan-minsan si Bea na full support kay Jho. Napapangiti ako, she grows up to be a kind hearted woman. Well, hindi naman na nakapagtataka. Naranasan ko noon kung gaano kabuting kaibigan si Bea kahit sa maiksi lamang na panahon.

Naalala ko noong nakaraan na napagtanto ko na ang nakasalubong namin ni Miguel sa parking lot ay ang matagal ko nang hinahanap na kaibigan. Hindi ko inaasahan na sa ganoong paraan kami pagtatagpuin ulit ni Bea.

"I'm Bea de Leon, freshman, Management Economics major."

Matapos niyang ipakilala ang sarili niya saakin, hindi ko napigilan ang kabahan at pagkagulat ngunit pinili kong itago iyon dahil obviously noong nagpakilala ako ay wala s'yang anumang reaksyon nang malaman niya ang pangalan ko. Ano ang mga nangyari sa loob ng mahabang panahon na wala ako? Bakit freshman palang siya? Sabihin na nating may mga ginawang hakbang si Jana para maging impossible na magkita ulit kami ni Bea pero hindi iyon sapat para tuluyan niya akong makalimutan. Sadya ba talagang maiksi lang ang pinagsamahan namin para makalimutan niya kaagad ang pagkakaibigan namin? Masyadong maraming tanong ang gumugulo sa aking isipan at umaasa ako na sana, magkaroon ng kasagutan.

An hour after ay nagpaiwan muna ako dito sa BEG at hinayaan ko nang mauna sina Jho at Bea, gulong-gulong parin ako sa mga pangyayari. May isang familiar na mukha ang papalapit saakin at s'ya ang huling taong inaasahan ko na makikita ko ngunit gusto ko na naandito s'ya sa harap ko ngayon. Naging matalim ang mga tingin ko sakanya at ganoon din s'ya.

"Hanggang ngayon ikaw parin ang inuuna niya, Jia." Mapait na sambit ni Jana habang nakatingin saakin ng diretso. "Ako ang nasa tabi niya sa mga pagkakataon na kailangang kailangan niya ng kaibigan. Nagbago na si Bea, Jia. Huwag mong asahan na  ang magiging trato niya sa'yo ay kagaya parin noong mga bata pa tayo. Siguro tama na rin na sabihin na nagpalit na tayo ng pwesto ngayon. Kaya huwag mo nang lokohin ang sarili mo dahil lang sa natagpuan mo na siya."

Tumayo ako sa harap niya at pinipigilan ang nanginginig kong kamay kaya't isinara ko nalang ito at nakatingin parin sakanya ng diretso. Nararamdaman ko na may kaba sa dibdib ni Jana kahit gaano niya pa ipilit itago iyon. "Tama ba na saakin mo talaga sasabihin ang mga bagay na iyan, Jana? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Huwag kong lokohin ang sarili o sadyang ikaw talaga ang nanlilinlang sa sarili mo? Marami man akong hindi nalalaman dahil sa matagal kong pagkawala sa buhay ni Bea, may isang bagay na sigurado ako, Jana." Inilapit ko ang ang aking bibig sa kanyang tenga. "Niloko mo kami pare-pareho. Ginamit mo ang pagkakataon para sa pansarili mong kagustuhan. Masyado ka bang desperado para sa atensyon ni Bea?" Tiningnan ko ulit siya at hindi na maipinta ang mukha niya sa pagkakataon na ito. "Kailangan mo talagang sabihin saakin na nawalan kayo ng komunikasyon ni Bea noong lumipat kayo ng Cebu? Hindi na kayo magkaibigan, all this and all that? Ano ang nakita ko kanina? Sabihin mo saakin Jana! All this time hindi mo sinabi saakin na magkaibigan parin kayo! Well, magtataka pa ba ako? Those things are your forte and things cannot be changed even afterall these years. Grow up, Jana!"

Akmang sasampalin niya ako ngunit mabilis kong nahawakan ang braso niya at sa higpit ng pagkakahawak ko dito ay kahit ano'ng subok niya na tanggalin ito sa pagkakahawak ko ay hindi niya magawa. "I trusted you, Jana. I believe everything that you have said to me. Higit pa sa pagkakaibigan ang trato ko sa'yo all these years, parang magkapatid na tayo tapos ito? Ito ang gagawin mo saakin? Saamin? Hindi ako makapaniwala na magkakaganito tayo." Hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagtulo mula sa aking mga mata. Ipinapadama ko kay Jana kung gaano ako nasaktan sa ginawa niya, hindi lang dahil sa panloloko niya saakin ngunit saaming lahat. Hindi siya makatingin ng diretso saakin at alam ko na nakokonsensya siya sa ginagawa niya. Lumuwag na ang pagkakahawak ko sa kanyang braso. " Hindi pa huli para ayusin mo kung anuman ang gulo na ginawa mo, Jana. Kahit hindi nalang para saakin, kahit para nalang kay Bea. Pag-isipan mo nang mabuti ang mga sinabi ko sa'yo." Kinuha ko na ang aking mga gamit at iniwan na siya, alam ko na umiiyak siya ngunit kailangan niyang mapagtanto ang mali niyang ginawa. Sana sa huli, piliin niya na gawin ang tama dahil alam ko, magagawa siyang mapatawad ni Bea.

Let Her GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon