Jho's POV
It's friday na! Ang bilis-bilis lumipas ng araw at hindi na ako makapaghintay para sa weekend. So far, wala pa naman pinapagawang mga research paper ang mga professor ko kung kaya't kung magpapatuloy ang gamito, wala ako masyadong gagawin for the weekend.
May isang major subject nalang ako na natitira. Hindi ako nagkamali na piliin ang Fine Arts na magiging kurso ko kapag nakapasok ako sa Ateneo. Dati pa man ay hilig ko na talaga ito. Noong nasa elementarya pa lamang ako ay aktibo na ako sa pagsali sa mga poster making contest. Hindi naman sa pagmamayabang, mas madalas sa hindi, ako ang nakakakuha ng first prize.
Hilig ko ang gumawa ng mga paintings. Halos lahat ng klase, charcoal painting, acrylic at watercolor. Kahit buong araw na iyon lang ang gagawin ko, okay na okay na ako. Hindi ako maiinip.
Naghihintay na lamang kami ng mga kaklase ko sa professor namin. Kung hindi ako nagkakamali, base sa syllabus namin. Tungkol sa acrylic painting ang pag-aaralan namin ngayon. Mga ibang pang mga techniques para mas maayos ang magagawa namin na artworks. Ilang sandali pa ang lumipas ay dumating na rin ang professor namin at at ang lahat ay nag-ayos na at ang atensyon ay nakatuon na sa harap.
"Okay class! I won't use all the alloted time for our topic today. I will just leave you with a work to do during the weekend!"
"Arui! Patay tayo d'yan! Akala ko pa naman ay wala na akong gagawin for weekend. Masyado namang wrong timing 'tong professor namin." Bulong ko sa sarili ko at nagpatuloy siya sa pagsalita.
"I want you to create an artwork and the concept would be out of the box. It will depends on how you interpret the concept. I suggest that you use people as a subject so that I could see how detailed and of course, you'll be using the acrylic. I'm expecting that your works will be ready next meeting."
Umalis na kaagad ang professor namin matapos na sabihin ang ilang pang detalye sa aming magiging proyekto. Gusto din niya ng photo ng magiging subject namin para makita niya kung gaano ka-accurate ang mga importanteng detalye na nasa subject. Matitingnan niya talaga kung gaano kami kabihasa pagdating sa paggamit ang acrylic.
May naisip na akong subject pero nagdadalawang isip ako kung mapapapayag ko siya. Pero gagawin ko ang lahat para sila ay mapapayag dahil wala akong plano na i-disregard ang nabuo na sa utak kasi para sa akin, iyon na ang the best na concept na maiisip ko kung "out of the box" lang naman ang tema.
Patungo na ako ngayon kay Bea dahil ayon sakanya ay hinihintay na niya ako kanina pa. Nasa cafeteria siya ngayon at balak magmeryenda dahil nagugutom na daw siya. Bago pa man ako makarating ay nakita ko si Jia at nag-usap kami sandali. Nabanggit ko rin sakanya ang project ko.
Magandang ideya ito na puntahan si Bea dahil isa siya sa makakatulong saakin sa konseptong naiisip ko. Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa aking pupuntahan at nakita ko naman kaagad si Bea.
"Mabuti nalang at hindi inubos ang oras para sa subject namin ngayon dahil kung hindi, hindi kita kaagad mapupuntahan." Pambungad ko habang nakaupo na ako sa harap niya. "Do you want something, Bei? Libre ko."
"Talaga? Ano'ng nakain mo? Minsan ka lang manlibre. Oh sure, besty! I won't say no to free food. Buy me some yogurt nalang please?" Nakangiting tugon nito saakin. Ayos nga 'yan, Bei. Dapat good mood ka para madali kang mapakiusapan. Tumayo na ako para bilhin ang gusto niya. Agad naman akong nakabalik sa kinaroroonan niya at ibinigay ang yogurt sakanya. Kinuha niya naman kaagad ito.

BINABASA MO ANG
Let Her Go
FanfictionHow far are you willing to go when it comes to love? Will you keep holding on even if it hurts so bad? Let me take you to a story that will define perfect as imperfection.