Chapter 10

430 20 3
                                    

Jho's POV

Excited na ako sa klase ni Professor Canlas. Patungo na ako ngayon doon habang dala-dala ko ang aking mga gamit sa pagpipinta at s'yempre, ang artwork na nabuo ko sa tulong nina Bea at Jia. Satisfied naman ako sa nagawa ko at infairness, effortless ang dalawa kong subject sa pagportray na sobra silang nagmamahalan. Sa totoo lang, sa simula, inakala ko na mahihirapan ako sa dalawang iyon dahil katulad nga nang nangyari noong binubuo palang ang plano doon sa cafeteria, naipit lang talaga si Bea kaya siya napapayag na gawin ito. Well, hindi ko naman kasalanan na nangako kaagad siya na gagawin niya kahit ano ang hilingin ko. Nang hindi kalaunan, dumating na ang araw na gagawin na namin ito, kagaya nga ng sabi ko, baka mahirapan ako na palabasin sa dalawang iyon ang emosyon na gusto kong mangyari pero kabaliktaran ang nangyari. Sa simula s'yempre, may ilangan pang mangyayari pero nang lumaon ay nakita ko na na komportable na sila sa kanilang ginagawa. May mga pagkakataon pa mayroon akong nakikitang mga ngiti sakanilang mukha. Si Bea at ang mga ngiti niyang iyon, unang beses ko iyon na nakita sakanya. Ang ngiti na tila ba may malalim na pinanggagalingan, isang wagas na kasiyahan. Si Jia naman, hindi pa naman kami ganoon katagal magkakilala pero iba ang nararamdaman ko sa mga ngiti niyang iyon, tila ba napaka-espesyal ng mga iyon at ang pamamaraan ng pagtingin niya kay Bea, ang mga mata niya ay nagsasabi na "matagal ko nang hinintay ang pagkakataon na mangyari ulit ito at sa wakas naandito ka na ulit sa harap ko." Ang hirap lang intindihin dahil alam ko, bago palang sila magkakilala ni Bea pero bakit sinasabi ng damdamin ko na tama ang kutob ko at dapat ko itong paniwalaan.

Sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako dito sa classroom ko. Ilang minuto lamang ang lumipas ay dumating na ang professor namin at kaagad na itinuon namin ang aming atensyon sakanya. Kagaya ng inaasahan ko ay unang-una sa hahanapin ni Prof ay ang pinagawa niya saamin last week. Akmang ilalagay ko na ang aking ginawa sa pwesto na sinabi ni Professor Canlas na paglalagyan namin ng mga ito ngunit bigla niya akong tinawag at ilagay ang artwork ko sa stand na nasa harap at nais niyang i-present ko ito sa klase at ipaliwanag kong bakit iyon ang napili kong maging subject. Sa dami ng mga maiingay na blockmates ko, ako pa talaga 'tong nananahimik ang pinili niya.

"Ms. Maraguinot, can you show us what you've decided to create with the out of the box concept?"

Hindi niya parin iniaalis ang kanyang paningin saakin. Alam ko wala akong kawala dito. Prof naman kasi, of all the people here in the room bakit ako pa? Bulong ko sa aking sarili. Pero kagaya nga ng sabi ko, wala naman akong kawala dito. Kahit napipilitan, ngumiti ako at tumango.

"Sure, Professor Canlas." Ipinwesto ko na ang aking ginawa sa kung saan makikita ng lahat ang aking ginawa. Kung ilalarawan ko ang kani-kanilang reaksyon sa aking ginawa, may mga ilang namangha, may napatanong at may nag-aabang naman sa kung ano ang aking sasabihin tungkol sa ginawa kong ito ngunit ang kanilang mga reaksyon ay nagbigay saakin ng positibong bagay. Ayos! Humingi ako ng malalim at tumingin sa aking mga kaklase. Si Professor Canlas naman ay umalis sa kanyang pagkakaupo sa harapan at tumayo sa tabi na kinaroroonan ng mga classmate ko.

"You may begin now, Ms. Maraguinot."

Ngumiti ulit ako at tumango. Ito na, kailangan kong pag-igihan 'to dahil nakasalalay dito ang grades ko. I can't afford to fail this subject, tumayo ako ng diretso at inayos ang aking sarili.

"From what can you see, there's two women who is lying on a bed and having this intimate moment. Not really the intimate moment that involves you know kasi intimacy wasn't define just by that. Professor, when you told us to create something that's totally out of the box, this concept is the first that came into my mind. These two women shows how they really love each other. You can see the connection on their gazes, the way they touch and smile as if they're looking to the most beautiful thing that they could see in this world."

Let Her GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon