Chapter 4

511 23 2
                                        

JIA

Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ang mga susunod kong maririnig. Alam ko, nagkamali ako. Bakit parang ganun nalang saakin kadali na humusga sa ibang tao. Napapakababaw ng aking kadahilanan, dahil lang sa nangyari sa parking lot nitong umaga, ganun nalang ang iniasta ko.

Dali-dali akong bumalik sa kinaroroonan ng sasakyan ni Miguel. Magkahalong inis para sa aking sarili ang aking nararamdaman at guilt naman dahil sa mga sinabi ko sa babaeng iyon. Nakakatawa. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya, nagawa ko pang husgahan ang tao. Sabagay, tama nga sila, kung sino itong kakaunti lamang ang nalalaman, iyon pa ang maraming sinasabi na hindi maganda tungkol sa iyo. Hindi ko matanggap sa sarili ko na isa ako sa kanila.

Bawat yapak patungo sa daang aking tinatahak ay paulit-ulit kong sinasambit sa sarili ko na maling-mali ang ginawa ko. Agad kong binuksan ang pinto ng sasakyan ni Miguel at bago pa kami tuluyang umalis ay nilingon ko muna ang aking pinanggalingan.

"Ayos ka lang?"

Hindi ko alam kung ilan beses itinanong iyon sa akin ni Miguel.

"Umalis na tayo. Magga-gabi na rin, tsaka nalang natin ito pag-usapan. Isa pa, ayaw ko rin itong pag-usapan. Salamat nga pala sa pagpayag na pumunta tayo rito."

Nanatili kaming nakaupo ni Miguel, hindi ko parin maintindihan kung bakit ko ito nararamdaman. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ko ito ginawa. Maya-maya pa ay pinaandar na niya ang kanyang sasakyan at siya'y muling nagsalita.

"Salamat? Sa tingin ko, Jia. Hindi ko matatanggap ang pasasalamat mo. Parang nagsisisi nga ako dahil sumunod tayo doon sa sinasabi mong sasakyan." Madiin ang pagkakasambit ni Miguel ng mga katagang iyon. "Magmula noong bumalik ka matapos mong sundan ang babaeng nakagirian natin kaninang umaga sa parking lot, nagka-ganyan ka na. Kaibigan kita, Jia. Nag-aalala ako sa'yo."

Ramdam ko ang sinseridad sa bawat salitang binibitawan ni Miguel. Bakit nga ba hindi ko sabihin sakanya kung ano man ang bumabagabag sa akin ngayon? Matagal ko na siyang kaibigan at alam ko na kahit ano pa ang gawin ko, maiintindihan niya ako, hindi niya ako huhusgahan.

"Ganito kasi iyon, Miguel. Noong lunchbreak kasi natin, may mga bagay ako'ng nasabi sa babaeng iyon, dala na rin ng pagkainis ko sakanya dahil na-late ako sa first major class ko sa Psych. Napahiya ako."

Tumingin ako sa kinauupuan niya at ang tingin niya na iyon ay snasabi saakin na magpatuloy.

"Marami ako'ng masasakit na nasabi sakanya pero isa doon ang nagdulot talaga saakin para makaramdam ako ng ganito. Binully ko s'ya, saying thing na she's a rich kid at lalo ko pa s'yang binuyo dahil dagdag ko pa, tatakbo na ba siya sa yaya niya at magsasabi na ayaw niya nang mag-aral sa Ateneo ng umiiyak. Ganun."

"Ahh. So ano naman ang kinalaman ng pangyayaring iyon sa nangyari kanina lang?"

Pinilit ko ang sarili ko na ipagpatuloy ang kung ano man ang sinasabi ko dahil kahit papaano, nababawasan ang pagka-inis ko sa sarili. Malaking tulong talaga si Miguel.

"Hindi ba noong sinusundan natin siya, dumaan siya sa flower shop at namili ng bulaklak?" Tumango si Miguel at tsaka ako nagpatuloy. "Ang taong dinalaw niya kanina lang sa cemetery ay ang yaya niya. I think sobrang close niya dito. Noong lumapit ako doon, pinakinggan ko ang mga salitang sinasambit niya at bawat salita, bawat diin sa aking nararamdaman. Sabi ko sa sarili ko, ang makita siya na umiiyak papalapit sa yaya niya habang sinasabi na ayaw niya nang mag-aral sa pinapangarap niya palang unibersidad ay ang pinaka-nakakatawang mangyayari sa buhay ko. Guess what? Mali ako. Maling-mali, Miguel. Habang tinitingnan ko siya at pinupunasan ang luha mula sa kanyang mata, napagtanto ko ang kamalian ko."

Let Her GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon