Bea's POV
Habang binabagtas ko ang daan pauwi saamin ay hindi maalis saaking isipan ang mga nangyari kanina. Nagsimula ang lahat sa pag-alok ko sakanya na ihatid ko na siya dahil makabubuti iyon sa pagkakaibigan namin. Maayos naman ang naging panimula, hanggang dumating sa usapang iyon. Sa totoo lang, hindi ko alam na magagawa ko iyon sa isang taong ilang araw ko palang naman kakilala.
Naku, naku, Bea! Bakit mo ba sinabi iyon? Ano ba ang tumatakbo sa isip mo? Tss.
"Tama ka, ang ganda nga... I will never get tired of you too."
"Tama ka, ang ganda nga... I will never get tired of you too."
"Tama ka, ang ganda nga... I will never get tired of you too."
Anak ng! Napahiya tuloy ako. Feeling niya tuloy ang ganda-ganda niya. Sa totoo lang, mas marami pang magaganda sa Ateneo kumpara sakanya. Mas may posibilidad pa na maging crush ko ang mga iyon kumpara sakanya. Akala mo sino'ng cute kapag ngumiti, akala mo din ang kinis-kinis ng balat niya, akala mo.. ano pa nga ba? Matalino! Yeah, matalino! Akala mo sino'ng matalino. Teka, teka, teka! Eh lahat ng iyon katangian ng Julia Melissa Morado na iyon!
Cute talaga siya kapag ngumiti. Unang beses na nakita ko iyon, noong tinanggap ko ang paumanhin niya. Mapapansin mo talagang masaya siya dahil doon. Sa pagka chinita niya, kapag ngumingiti siya, parang nawawala na ang mga mata niya. Ang cute! Shit! Ang baliw mo na Isabel Beatriz de Leon!
Ang kinis din ng balat niya. Noong niyakap ko siya sa may parking lot, nakita ko iyon at naramdaman ko kung gaano ka-smooth ang skin niya. Iyon ba'ng alagang-alaga talaga. Kung pwede nga lang na huwag ko na siyang bitawan sa mga pagkakataon na iyon, ginawa ko na.
Tsaka for sure, matalino siya. Nagawa niyang ipasa ang isa sa pinakamahirap na entrance exam sa bansa. Naalala ko noong nagawa kong ipasa ang ACET, sobrang tinuturing ko ng malaking achievement iyon. Mas marami ang bumabagsak kesa sa pumasa sa ACET. Hindi rin sapat na maipasa mo lang kapag nakapasok ka na sa Ateneo, ang pananatili dito ay panibagong hamon nanaman. At s'ya, naka-isang taon na siya sa Ateneo.
"Umamin ka nga saakin, oo o hindi lang, crush mo ba ako?"
"Umamin ka nga saakin, oo o hindi lang, crush mo ba ako?"
"Umamin ka nga saakin, oo o hindi lang, crush mo ba ako?"
Ang katanungan na 'yan ay wala akong balak sagutin. Bahala ka diyan mag-isip. Makakabawi ako sa pamamaraan na iyon. Panigurado iniisip niya din ang sagot ko sa tanong niya na iyon kaya ganun na lamang kami katahimik sa loob ng sasakyan noong inihatid ko siya. Baka nga kaya niya tinanong iyon para malaman kung pareho kami ng nararamdaman dahil ang totoo, s'ya 'tong may paghanga sa akin. Hahaha.
💙💙💙
Jho's POV
Alas-sais palang ng umaga ay nagising na ako mula sa ingay ng cellphone ko. Noong tiningnan ko ito, sangkatutak na mensahe ni Bea at mga missed calls. Ano'ng nangyari doon? Hindi ko na maalala kung kelan huling naging ganito ka-clingy si Bea saakin.
Dude, we almost have the same sched today, right? It's a bestfriend kind of day! Game?
Dude, I'll bring breakfast for the two of us, okay? Don't worry! I'll give you an extra dessert! Love you!
Dude, you don't have a plan to ignore me right? I'll wait for you on our usual spot. I'll be in the campus by 7:30! See you!
Napapailing nalang ako habang patuloy kung binabasa ang ilan pa sa mga mensahe niya. Naku, Isabel Beatriz de Leon, may iniiwasan ka. Hmm. Sino naman kaya iyon? Ginawa pang dahilan ang "bestfriend kind of day!" niya. Tumawag ako sakanya at kaagad niya naman itong sinagot. Lokohin mo ang lelang mong panot, Bea. I know you so well. Natatawa na lamang ako sakanya sa pagtanggi niya noong sinabi ko na mayroon siyang gustong iwasan. Eh ganun din ang ginawa niya noong highschool kami at may crush ka. Kailangan kong malaman kung sino iyon.

BINABASA MO ANG
Let Her Go
FanfictionHow far are you willing to go when it comes to love? Will you keep holding on even if it hurts so bad? Let me take you to a story that will define perfect as imperfection.