Chapter 17

290 7 4
                                        

Jia

A day before the weekend. I just can't wait for this day to be over kasi parang kulang na kulang ang isang buong araw para sa mga kailangan kong tapusin. Mabuti nalang talaga, the whole campus of our university, seeing all the trees that surrounded, refreshing din in a way. I stop at the front of Rizal Library at ang bawat estudyante na nakikita ko ay kung hindi nagmamadali, marami namang bitbit. Two more years, matatapos ko rin ang kursong napili ko sa dream school ko. Kaya 'to! Natatawa nalang ako dahil baka mukha na ako'ng parang timang na mino-motivate ang sarili ko. But I guess, everyone does that right? Bago ako pumasok sa library ay may natanggap ako na mensahe mula kay Bea, she's with Jho and Miguel daw sa cafeteria.

Beibei, I just need to borrow some books then punta na ako diyan after. I texted her back. Binilisan ko na ang paglalakad ko papasok ng library para makuha ko na ang mga kailangan kong at nang makapag-break na rin ako. Sakto rin na naandun na sila sa cafeteria dahil nagugutom na rin ako at mayroon ako'ng makakasama.

...

I am already here at the cafeteria and buti nalang nakapag-order na rin si Miguel ng pagkain para saakin. I am sitting beside Bea and to my front is Miguel and sa kabilang dulo naman naman ng table ay si Jho. There's an empty seat besides Miguel at mayroon ako'ng nararamdamang kakaiba ngunit hindi ko nalang pinansin iyon dahil magsisimula na rin kaming kumain.

"Migs, is everything okay? Kain ka na."

"I was just waiting for someone, Ji."

"Oh. Papa Migs, who's the lucky girl? Oops!" I just can't contain myself from laughing dahil na rin sa iniakto ni Bea. Alam ko na kung ano ang sasabihin niya. It's pretty obvious the way she throw glances from Miguel to Jho and back to Miguel. " Jho, don't tell me natapos na ang pagiging NBSB mo?"

"Tamang duda ka naman, Beatriz. Hindi ka rin naman nakikinig eh. Hindi ko alam pareho ka palang may problema sa pandinig at paningin." Pagbibiro ni Jho habang tawa na rin nang tawa. "He's waiting for someone sagot niya kay Jia. Obviously, kanina pa ako dito. Sorry, Migs, about my bestfriend huh? Bingi na bulag pa."

Napuno kami ng tawanan habang patuloy na kumakain at ang mga karamihan na rin sa mga estudyante ay paroo't parito na rin sa cafeteria. Natigilan nalang ako nang tumingin si Miguel sa aking likuran at sabay kami ni Bea na lumingon sa direksyong tinitingnan ni Miguel. We saw Jana standing with a food on her tray. Halata rito na naaalangan siya sa anumang hakbang na kanyang gagawin. Hindi naman kaila na nabalot na kami ng katahimikan at si Bea naman ay halatang hindi natutuwa na makita si Jana dito.

Ako, hindi ko malaman kung ano ang dapat ko ba'ng maramdaman. Nasasaktan parin ako sa ginawa niya saamin pero hindi rin naman na maikakaila na kaya nagkatagpo na kami ni Bea at ganito na ako kasaya ngayon dahil pinili ni Jana na gawin ang tama bandang huli. Tumingin ako kay Miguel at alam ko na mayroon siyang sasabihin pero bago niya pa man ito mapakawalan sa kanyang bibig, nauna nang nagsalita si Bea.

"Hindi ka lang pala sinungaling, Jana. Hirap ka rin palang umitindi." Tumayo si Bea sa kinauupuan at lumapit kay Jana. "Alam mo? Pinipilit ko na intindihin ang mga bagay na nagawa mo saamin ni Jia. Pinipilit ko rin na paniwalain ang sarili ko na sa huli, ginawa mo rin ang tama, pero 'di matanggap ng sistema ko, Jana." Umiiyak na si Jana ngayon at pati na rin si Bea samantalang kami ay hindi na malaman kung ano ang gagawin. Nilingon ko si Miguel at parang naghihintay lang siya na masabi lahat ni Bea ang gusto niyang sabihin kay Jana. "Akala ko ba malinaw na sa'yo na lumayo-layo ka muna saamin ni Jia dahil iyon ang kailangan namin? Masyadong masakit ang ginawa mo, Jana. Alam mo ang lahat-lahat 'diba?! Kung gaano kahirap saakin na tanggapin ang pagkawala ni Yaya! Alam mo na bawat araw saakin ay naging napakahirap dahil sa trauma at kailangan ko pang magpatingin para lang maging normal ulit ang lahat-lahat. Alam mo na all these years hindi parin naso-solve ang kaso at ni hindi nga kami makausad ng family ko. Dala-dala ko iyon araw-araw, Jana! Tinanggap ka namin, tinuring ka namin na parte na ng pamilya pero ito ang gagawin mo?!"

Let Her GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon