Chapter 12

398 20 3
                                    


JANA's POV

"Hindi pa huli para ayusin mo kung anuman ang gulo na ginawa mo, Jana. Kahit hindi nalang para saakin, kahit para nalang kay Bea. Pag-isipan mo nang mabuti ang mga sinabi ko sa'yo."

Paulit-ulit na pumapasok iyan sa isipan ko. Magmula noong nagkausap kami ni Jia sa gym, hanggang ngayong weekend, ay hindi mawaglit sa aking isipan ang mga salitang iyan. Salita na nagpapatunay na nagkamali ako. Ang isang kasinungalingan ay nadagdagan nang nadagdagan. May mali saakin, hindi ako ganito. Alam kong mas makagagawa ako ng mabuti kumpara sa mga ginawa ko sa dalawa kong kaibigan. Tama nga sila, walang sikreto na hindi nabubuko.

Huminga ako ng malalim habang tahimik na pinagmamasdan ang paligid mula sa terrace ng aming bahay. May kalakihan ang bahay namin na ito, ang kabuuang espasyo ay araw-araw na paalala saakin na masyado itong malaki para sa iilang tao at ito'y nagdudulot ng sakit sa aking dibdib habang ang aking isipan ay patuloy na naglalakbay sa mga katanungan na hindi ko mahanapan ng sagot sa mga nakalipas na taon.

Noong bata pa ako ay kahit papaano masaya pa ako ngunit ngayong nasa kolehiyo na ako at ang aking mga nakakatandang kapatid ay may kanya-kanya ng pamilya at pinili nilang magbukod ay naiwan akong mag-isa dito kasama ang mga kasambahay namin. Ang mga parents ko? Paminsan-minsan lang sila nauuwi dito? Our business requires them to be out of the country most of the times. Nalulungkot ako sa ganitong set-up. Ilang beses ko nang hiniling kay Mommy na sana hayaan niya nalang si Dad na makipag-meeting sa mga investors pero hindi pwede kaya kahit gaano ko kagusto, wala rin. Habang abala sa trabaho ang mga parents ko, ang yaya ko at si Bea ang nagparamdam saakin na may pamilya ako. Even Bea's family treat me as their daughter too at naramdaman ko talaga ang pagmamahal pero hindi ko rin maiwasan na mainggit kay Bea dahil s'yempre, her family is always there for her while me, wala. Ang pamilya naman ng yaya ko sinabi ko na dito nalang sila tumira para kahit papaano magkakasama sila at may kasama na rin ako at nangyari naman iyon. Masaya na malungkot, masaya dahil mababait ang mga anak ni Yaya at ang asawa niya, naramdaman ko sakanila ang pamilya pero malungkot din dahil hindi ko maiwasan na hanap-hanapin ang pagmamahal at atensyon na binibigay ni Yaya sa kanyang mga anak mula sa aking mga magulang.

Thirteen years ago...

"Hindi po ba talaga makararating ang parents ni Jana? Mrs. Santos, naiintindihan ko po na abala sila sa trabaho at sa mga past meetings ng mga parents dito sa school ay okay lang na hindi sila makarating pero this time, it's the first family day of the students. This mean a lot to the kids."

Iyon nalang ang huli kong narinig na sinabi ng adviser ko habang kausap niya si Yaya. Pinili ko nalang na lumayo dahil ayaw ko nang marinig ang kanilang usapan. Habang nakaupo ako ay may tatlo akong kaklase na lumapit saakin. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nila saakin pero kahit alam ko, hindi na rin ako interesado.

"Jana, is it true that your parents can't make it to the family day that's why you are sad now? I suggest that it's a good thing to consider bringing your Yaya again 'coz that's how it works from the start right? Forever stucked with your Yaya." Mataray na sambit nito habang ang dalawa nitong kasama ay sumali na rin sa pang-aasar saakin. Wala na akong maisagot sakanila kaya idinaan ko nalang ito sa pag-iyak pero sa pag-aakala ko na titigilan nila ako dahil napaiyak na nila ako ay mas lalo pa nila akong binuyo.

"Look, Patty. She's crying. Poor little girl. Too bad she doesn't have her Mom to wipe her tears. Jana, no matter how hard you cry, your mom will never come for you. Keep that in mind. Or do you have a mom? Or just a nanny? Haha."

Tumigil ang pagtawa ng tatlo kong mga kaklase nang may narinig silang boses sa likod na halatang hindi natutuwa sa ginagawa ng tatlo saakin. Hindi ko inaasahan na ipagtatanggol niya ako sa tatlong ito dahil sa ilang buwan na rin namin na magkaklase ay hindi naman kami masyado nagkakausap. Madalas she is with her bestfriend na classmate ko rin.

Let Her GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon