Chapter 5

602 27 4
                                    


Panibagong araw nanaman sa buhay ng isang estudyante. Hindi kailanman magiging madali ang tatahakin para makapagtapos sa kolehiyo pero hindi naman impossible. Abala si Jia umaga pa lamang, pangalawang taon na niya sa Ateneo at kahit kasisimula palang ay marami na silang kailangang gawin. Mabilis na lumipas ang umaga at natapos na rin siyang kumain para sa kanyang pananghalian. Kagaya ng dati, kasama niya parin si Miguel.

"Jia, bakit parang kanina ka pa may hinahanap?" Pagtatanong ni Miguel habang naglalakad sila sa EDSA Walk. "Napansin ko habang kumakain tayo, palinga-linga ka. May binili ka pang extra na pagkain. Para kanino ba iyan?"

"Migs, para ito doon sa bago kong kaibigan. Si Bea." Napapangiting sagot ni Jia habang tinitingnan ang pagkain na hawak-hawak. "Tama ka, may hinahanap nga ako at s'ya iyon. Kahapon kasi ganoong oras siya dumating sa cafeteria para kumain so I assumed na ganoong oras ulit ang lunch break niya."

"Bea? Sino iyon? Sa tinagal-tagal nating magkaibigan, alam ko wala kang kaibigan na nagngangalang Bea."

"Yung babae sa parking lot. Guess what, Migs. Tinanggap niya ang apology ko at maliban diyan, we introduce ourselves na. Sa tingin ko magkaibigan na kami. Tsaka sa'yo na rin nanggaling, matagal na tayong magkaibigan. Ma-TAGAL."

"Yeah right. I know what you mean na. Alam ko naman na hindi impossibleng magkaroon ka ng mga BAGONG kaibigan. Sa kulit mo ba naman na 'yan. I'm sure, pinairal mo nanaman ang kakulitan mo." Malakas na tawa ang pinakawalan ni Miguel at inirapan naman siya ni Jia.

"Naku! Kung wala kang magandang sasabihin Miguel. Umalis-alis ka sa harap ko. Shoo! Shoo! Hahanapin ko pa si Bea para ibigay 'to." Pagtataboy nito kay Miguel at tiningnan nalang s'ya nito na papalayo na sakanya.

Nagpatuloy sa paghahanap si Jia kay Bea. Wala pa naman s'yang klase after lunch kaya may oras pa siya para hanapin ito. Umaasa nga lang ito na sana walang klase si Bea o kaya man sana makita niya kaagad ito dahil sa laki ng campus ng Ateneo, hindi niya alam kung saan ito hahanapin. Patuloy na naglalakad si Jia hanggang sa marating niya ang Rizal Library, papasok pa lamang siya ng library ay may napansin siyang familiar na imahe na nakaupo sa may park na nasa harap nito. Si Bea.

Agad-agad siyang tumungo sa kinaroroonan ni Bea. Nakaupo ito sa may kaliwang dulo ng upuan at nang palapit s'ya nang palapit ay may kasama ito. Tahamik na nakapatong ang ulo ng isang babae sa balikat ni Bea habang ang braso niya ay nakahawak sa balikat nito. Sa sitwasyon na iyon ay parang hindi magandang na abalahin niya ang dalawang tao na nasa harap niya na halata namang damang-dama ang katahimikan ng paligid. Ni hindi manlang naramdaman ni Bea na papalapit si Jia sakanya.

Napagdesisyonan nalang ni Jia na umalis. Agad s'yang tumalikod at naglakad. Ilang hakbang palang ang kanyang nagagawa ay may isang familiar na boses na tumawag sakanya- si Bea. Dahan-dahan siyang humarap, hindi niya alam kong paano nangyari na napansin siya nito dahil kung pagbabasehan ang estado ni Bea at ng babaeng kasama nito, alam niya sa sarili niya na makakapasok siya sa library nang hindi napapansin ng mga ito. Nakatingin si Bea sakanya at ang babaeng kasama nito. Tila ba hindi niya mahanap ang tamang salita kapag tinanong siya ni Bea ng--

"Jia, ano'ng ginagawa mo dito?"

"Ah. Kasi ano-kanina h-hinahanap kita sa cafeteria." Kumalma ka Jia! Ba't ka nauutal? Hingang malalim. "I thought same time ang lunch break niyo just like yesterday. Gusto ko sana makasama ka sa lunch pero I think, may kasama ka na pala." Tumingin si Jia sa babaeng kasama ni Bea na nakatingin din sakanya.

Napangiti naman si Bea upon hearing those words. "Ang totoo niyan, Jia. Nagbaon ako ng food ko for lunch at kinain namin ito kasama ng bestfriend ko." Tumingin si Bea sa kasamang babae at may naisip na magandang ideya. "Let me introduce you pala to my bestfriend. Is it fine with you?"

Let Her GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon