"ok ka lang?"
"oo naman.." ayun ang sagot ni Julia sa akin. Alam kong may iniisip na naman siya. Tungkol na naman kaya iyon sa bestfriend niya o baka naman tungkol kay Dark Knight. Anu nga ba? Julia kung saan saan ka tumitingin andito naman ako.
Nag simula na tumugtog ung mga ibang taga school. Para lang kaming nag jajamming dito. Ang daming sumisigaw at ang daming supporters.. Napatingin ako kay Julia. Mukhang di siya nag eenjoy. Simulan ko na ang pag uusap sa kanya
"sista, nakita mo ba un lalaki dun ung drummer? ang cute diba?" sabi ko naman kay Julia.
"ha? may sinasabi ka ba?" tanong naman ni Julia
"ah. sinu na naman ba kasi ang nasa utak mo at wala ka na naman sa katinuan?" tanong ko sa kanya
"wala. may iniisip kasi ako." sabi ni Julia at napatingin ako sa kanya.
"Anu? kwento mo na girl!" sabi ko
"basta. may ineexpect lang talaga ako." sabi niya sa akin at nginitian niya na lang ako at nagpatuloy sa pakikinig. Anu nga ba? Sinu nga ba?
Halos tapos na ang lahat.. yung banda na lang ni Daniel .. Bigla namang namatay ang ilaw.
"WOOOOOHUUU! PARKING FIVEEE!" sigaw ng mga babae.
"ILOVEYOUDANIEL!!" sigaw naman nung iba
"Bidang bida talaga siya." pabulong na sabi ni Julia na rinig na rinig ko naman.. Kilala niya si Daniel?
"ha?" tanong ko at di man lang ako sinagot ni Julia. Hmmm. Para talagang merong something kay Julia at Daniel. Ano kaya yun??
[julia's pov]
Kanina ko pa iniisip si DJ. Siya ba talaga? O nababaliw lang talaga ako.. Kanina pa ko tinatamad sa mga nagpapatugtog dito iba pa din talaga si DJ. Biglang namatay ang ilaw..
Sigawan ng mga kababaihan ang naririnig ko. Lahat chinecheer si DJ! Claiming that sila ang number one fan niya. Tss. Ako pa din ang number one fan ni DJ.. Wala ng iba..
Biglang nagsimula na ang pagtugtog. Sila DJ na nga
"Nakaupo siya sa isang madilim na sulok.." boses niya nga yun.. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko
"Ewan ko ba kung bakit sa libo libong babaeng nandoon.." hiyawan na ang mga babae.
"Wala pang isang minuto nahulog na ang loob ko sa'yo!" bilang bumukas ang ilaw tapos may mga balloons na nalalaglag. Ang cute. Napatingin lang ako DJ. Ang gwapo niya sa suot niya.
Bigla siyang bumaba galing sa stage pero patuloy pa din ang pag kanta niya. Ang gwapo ng boses niya.
Para siyang may hinahanap.. Sinu nga ba??
"Kung nasaan ka man.. Ako si Dark Knight!" napatingin ako agad kay DJ. Siya si Dark Knight?
"Asan ka na prinsesa ko?" sabi ni DJ. Agad naman ang hiyawan ng mga tao..
Nakatingin lang sa akin si Enrique.
Kinabahan ako.. Mixed emotions.. natutuwa.. naiiyak.. naguguluhan.. Bigla na lang akong tumayo hindi ko alam kung bakit.. Anong nangyayari saakin?
"Julia. Asaan ka?" sigaw ni DJ at lalo akong kinabahan.. Nasa gitna na ako at malapit na sa pintuan nang biglang tumapat sa akin ang ilaw.. Buong hiyawan ang naririnig ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayaw gumalaw ng mga paa ko.
"Dalin mo ako sa iyong palasyo.. maglakad tayo sa hardin ng 'yong kaharian!" sabi ni DJ na tumatakbo pa papalapit sa akin.. Agad niyang hinawakan ang kamay ko.
"Ano toh?" tanong ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko
"Sumabay ka lang saakin." sabi ni DJ at naglakad na kami patunggo sa stage. Hindi ko alam kung bakit sumusunod ako sa kanya. Sa loob ko ayaw ko.. Ayaw ko sumama sa kanya.. Muling mahuhulog na naman ako.. Mamahalin ko na naman siya. . At hindi ko alam kung tama na nga ba ito.
Hiyawan ang narinig ko. Di ko na nga maintindihan ang kinakanta ni DJ. Napatingin ako sa audience. Si Kath.. Nakatingin sa amin..
"Nasa yo na ang lahat.. Minamahal kitang tapat.. Nasa yo na ang lahat pati ang puso ko oh" kanta ni DJ na hawak hawak pa ang kamay ko. Nakatingin siya sa akin. Sa mga mata ko.. Kinikilig ako
"enjoyin mo na lang muna ito.. pansamantala. ieexplain ko ang lahat!" sabi ni DJ sa akin at nginitian ko na lang siya. Oo, eenjoyin ko muna.. Oo magpapanggap na naman ako.. Oo eto na naman ako muling aasa sa isang bagay na walang kasiguraduhan..
Pagtapos ng kanta inabot sa akin ni DJ ang isang bouquet ng flowers at hinalikan ako sa pisngi. Pagkatapos ng programa, muling itinanghal ang banda ni DJ bilang champion. Magaling talaga siya.
Nasa backstage pa din ako.. Nakatingin kung saan saan.. Parang ewan.
"ANG GALING TALAGA NATIN!" sigaw nang mga kabanda niya.
"DJ mukhang inaantay ka na.." sabi nung isang kabanta niya at ngumiti si DJ at lumapit saakin. Umalis na ang mga kabanda niya.. Mag cecelebrate ata. Dalawa na lang kami dito..
Tahimik..
Hindi man lang siya nag sasalita. Hindi ko alam kung sino ang mauuna..
"Julia." sabi ni DJ. Ang gwapo ng boses niya.
Napatingin lang ako sa kanya. Nagtatanung ang mukha ko. "Anu bang pakulo toh?"
"Gusto ko lang maging masaya ka Julia. Ikaw ang babaeng gusto ko! Mahal na mahal kita at alam mo naman siguro un?" sabi niya saakin
"Bakit mo ba ako ginaganito?" tanong ko
"Bakit?"
"Alam mo DJ malapit na akong makapagmove on ee. Malapit na malapit na.. At eto ka na naman parang ewan na lalapit ka saakin at sasabihin na mahal mo ko? Ano? Lagi naman ganito diba? Sanay na ko sa mga walang kwentang pakulo mo!! DJ tama na. Tama na!!" sabi ko at biglang nakaramdam ako na tumutulo ang mga luha ko
"Julia nagpakatanga ako. Andito ka lang pala ee. Ikaw pala ung mahal ko! Ikaw pala." sabi ni DJ
"Sinasabi mo lang yan.. pero hindi mo ko mahal. mahal mo lang ako dahil bestfriend mo ko!" oo bestfriend lang.. ako lang ang dakilang bestfriend
"Daniel ang hirap ee. Araw araw nasasaktan ako.. Nasasaktan ako sa tuwing nakakasama mo siya. Sa tuwing masaya ka, sa tuwing mas pinapakita mo na gusto mo siya kesa sa akin.. Daniel ang sakit ee.. Kasi wala akong karapatan na magkaganito. Bestfriend lang ako ee.. Daniel masaya naman ako ee kahit nasasaktan ako.." sabi ko
"Julia kaya nga eto ako oh.. ginagawa ko lahat para sayo! Kasi mahal kita.. Kasi namulat na ko sa katotohanan.. Kasi nga ikaw ang gusto ko.. Kasi ikaw ang mahal ko.. Kaya ko toh ginawa para sayo.. Para lang sayo Julia.." sabi ni DJ at biglang tumulo ang mga luha niya. Ngayon lang ako nakakakita ng ganito at si DJ pa ang nakitaan ko na ganito. Mahina at malungkot. Hindi ko alam kung anung nangyari sa akin at bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Julia.. mahal kita!" sabi niya sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Sorry DJ. Hanggang friends na lang talaga tayo.. Sige una na ako.. May kailangan kasi ako!" sabi ko at tumayo na ako. "Kalimutan mo na lang ung mga sinabi ko sayo.." sabi ko at naglakad na ako agad naman hinawakan ni DJ ang braso ko
"Julia.." iniharap niya ako sa kanya at hinalikan niya ako sa labi..
Hindi ako makagalaw.... Masaya ako.. Pero tama ba ito? Tama ba ibalik ko ang feelings na matagal ko nang gustong kalimutan?
![](https://img.wattpad.com/cover/958917-288-k320259.jpg)
BINABASA MO ANG
My Batman
Fanfictionpaano kung minahal mo ang bestfriend mo pero may iba siyang mahal? kaya mo ba na kalimutan siya or ipaglalaban mo ang nararamdaman mo? >>>> JULNIEL <<<<