Chapter 3: Pain

1.9K 52 11
                                    

Chapter 3: 

Pain

"bakit ba kasi ako nakablindfold? mamaya pagtanggal mo ng blindfold nasa Manila Bay na ko at palutang lutang ah.. humanda ka sakin!" galit na sabi ko kay Daniel, ang dami kasing arte eh.. ginagawa niya sakin yung gagawin niya kay Kath para daw alam niya na.. at kung okey na daw ba?

"don't worry.. magtiwala ka lang sakin okey!" sabi naman ni Daniel at naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.. grabe naramdaman ko kung ganu kalamig yung kamay niya.. kinakabahan siguro toh, pero sigurado naman ako na magkakabati sila ni Kath. Naglakad na kaming dalawa, hindi ko talaga alam kung asan na ko.. bahala na si batman.. "andito na tayo!" sabi ni Daniel at tinangal na yung pagkakablindfold sakin

"wow.." grabe ang ganda, ang mga red roses nakakalat sa lapag tapos nakahawak pa din siya sa kamay ko at naglakad kami patunggo sa susunod na destinasyon.. Nakita ko doon yung ginawa naming artworks ni Kiray, para akong nasa paradise.. tapos may mga tatlong lalaki pa na nagpapatugtog ng violin.. napakaganda talaga, tapos tumigil kami.. Inalalayan ako ni Daniel paupo at nakatingin lang siya sakin, hinihintay ang reaction ko.. "wow, ang ganda.." sabi ko at pinilit kong ngumiti

"yun lang maganda lang? tsssk. akala ko pa naman sasabihin mo ang astig, napakaamazing! ang galing mo talaga Daniel, panu mo naisip yung mga bagay na yun? panigurado magiging okey kayo ni Kath.." sabi ni Daniel at talagang nagreklamo pa no

"anung gusto mong sabihin ko sayo ah? ang galing galing mo Daniel.." sabi ko at nagpout na naman siya na parang bata "magiging okey kayo ni Kath.. sure ako dun Daniel!" sabi ko at biglang tumunog ang cellphone ni Daniel

"andyan na siya.. sige salamat.. thank you.. thank you!" sabi ni Daniel at inend call niya na "andyan na daw si Kath.." napatayo na siya "anu okey ba? maayos ba.. okey na ba?" sabi niya at napatango na lang ako at umalis na siya sa harap ko.

ang ganda talaga.. 

Para akong nasa isang fairytale.. di ko akalain na gagawin yun ni Daniel.. mahal na mahal niya talaga si Kath.. at ayoko na manggulo.. masaya na ko at magkaibigan kami ni Daniel.. mas maganda na yun.. kesa naman ipilit ko pa ang sarili ko sa kanya.. hindi niya naman alam ang nararamdaman ko.. Tumayo na ko at umalis na, iniba ko yung daan ko para di ako makita ni Kath baka pagselosan na naman ako nun eh.. Habang naglalakad ako di ko alam kung anung mararamdaman ko.. mixed emotions.. may kilig.. may takot.. may lungkot.. pero ang nangingibabaw sa lahat ay ang sakit na nararamdaman ko.. Umaasa pa din ba ako?

Nagpatuloy ako sa paglalakad, di ko alam bakit ayaw tumigil ng mga paa ko.. para akong pusang naliligaw, hindi alam kung saan tutungo.. ayaw ko pang umuwi samin, tinatamad pa ko.. hindi ko alam.. tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.. Napaupo na lang ako sa may waiting shed.. naghihintay.. ilang bus na ang dumating pero di pa din ako sumasakay.. ayaw gumalaw ng dalawa kong paa.. 

"miss panyo oh.." inabot sakin ng isang lalaki ang kulay asul niyang panyo "kunin mo na miss.. walang sipon yan, promise malinis yan.." sabi ng lalaki at kinuha ko na ang panyong inaabot niya sakin, agad kong pinunasan ang mga luha ko 

"s-salamat.." sabi ko at tumingin ako doon sa lalaki at pinilit kong ngumiti 

"Julia? Julia.. ikaw nga.. ikaw nga Julia!" sabi ng lalaking inabutan ako ng panyo. di ko mamukaan ang lalaking nasa harap ko ngayon "ako toh, si Diego.. yung kamember mo dun sa Science club.." sabi nung Diego at tinigna ko nga siya, bigla ko siyang naalala.

My BatmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon