Chapter 26: I'm Dark Knight

363 17 2
                                    

Nakatingin ako sa kisame. Still thinking about all the possibilities. Mamaya na ang battle of the band. Kinakabahan ako hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako. First, nandun si Daniel. Second, nandun si Kath na magpapakabaliw kay Daniel, Third.. makikita ko si Dark Knight. Fourt, what if mali ang ineexpect ko? Iba ang sinisigaw ng puso ko.. Kinakabahan ako. Hindi ko alam

"I should have not expected him to be Dark Knight. Wala naman siguro siyang pake saakin. Bestfriend niya ako dati but still may mahal siyang iba. Not me but Kath!" sabi ko sa sarili ko at kinuha ko ung unan at inuntog untog sa sarili ko. Daymn this! 

*toot*

Agad kong kinuha ung cellphone ko at dali dali kong tinignan 

"See you Later, my princess! Makikita mo na din ako" binasa ko ung text. Hmm, makikita ko na siya. Medyo kinakabahan talaga ako owell. Nevermind

Natapos na ako mag ayos ng sarili ko. I put some makeup, onting powder lang at put some lipgloss sa lips ko. Tapos inayos ko ang buhok ko. Nag floral dress lang ako. Hahaha! Wala ee trip na trip ko lang ee. 

"Wow. ang ganda mo!" sabi ni Quen, nasa labas siya ng bahay namin. Sabay kasi kaming pumunta dito. Napatingin naman ako sa kanya at nginitian ko siya

"You really look beautiful.." pag ulit niya. Medyo kinabahan ako, what's wrong with him? Para siyang lalaki kung mag salita. 

Natawa ako "Umm. sis, nagiging lalaki ka na ata ha! Sobrang ganda ko ba?" pabirong sabi ko naman kay Quen

"Hahaha. Sis, anu ka ba? Naimagine ko lang ang sarili ko na ganyan katulad mo! Ang ganda ko siguro.." sabi ni Quen. 

"Haha bakla ka talaga. O siya tara na at baka malate na tayo!" sabi ko

"Next time, ipahiram mo sa akin yan ha!" sabi niya at sumakay na kami sa kotse niya

Nag tungo na kami sa school doon kasi gaganapin ung battle of the band. Ang daming tao! Ganito ba talaga ang mga sumusuporta dito? 

"OMG. telecased pala ito ganda!" sabi ni Quen. Bumaba na kami sa kotse at naglakad lakad kami tumunggo na kami sa theater. Ang daming tao. 

"Ms. Julia Montes?" tanong saakin ng isang lalaki. 

"Umm. Yeas?" tanong ko naman.

"May reserved seat po kasi sa inyo." sabi niya at nginitian ko lang siya. 

"Reserved seat daw?" sabi ko kay Quen.  "bale ilang seats?" tanong ko

"Sorry po Ms. Julia, isang upuan lang po kasi ang nakareserve. Para lang po sayo!" sabi nung lalaki sa akin

"E may kasama kasi ako.." sabi ko naman

"Sorry po mam, inatasan lang po kasi ako nung event organizer." sabi niya

"Ay duon na lang ako uupo sa may likod. Tara na Quen" sabi ko at pumunta kami sa dulo. Ayaw ko naman na iwanan si Quen, parang ang bastos naman nun.

Nakaupo na kami. Medyo malayo nga lang, di na halos makita ung stage. 

"Juls, dapat pumunta ka na duon sa naka reserve sayo ee." sabi ni Quen saakin at napangiti lang ako at tinignan siya

"Ayoko. Bastos naman kung iiwan kita! Its ok Quen. Hindi din naman ako interesado sa magpeperform." sabi ko naman. Deep inside interesado ako. Interesado sa performance ni DJ. I wanted to see him again. I wanted to talked to him again. I wanted to be close to him. Yung dati.. Yung katulad ng dati.. Yung meron kami. Namimiss ko un, namimiss ko lahat.. Lalong lalo na siya.

Daniel's POV

"This gonna be good.." sabi ko at napatingin sa akin ang mga kabandmates ko

"You can do it pare!" sabi nila sa akin. Kinakabahan ako.. Kinakabahan ako kasi kailangan kong maipanalo ito. Laking pressure.. defending champion ee. At ang isa is to win her back. Kinakabahan ako. Sobra

flashback

"dream ko talaga ang maging sikat na singer." sabi ko kay Julia at tumatawa tawa lang siya. 

"Wow ha. laki ng pangarap mo. e boses butiki ka naman!" sabi niya saakin at tawa pa siya ng tawa. I missed her laugh, the way we talked to each other. Yung pagsasama namin na parang wala nang bukas.. I miss her.. Sobra

nagpout ako. "joke lang DJ. Ako ang number one fan mo! Ako lagi mag susuporta sayo. Ako yung isang taong magiging proud kapag nakatungtong ka na sa stage!" sabi ni Julia at napangiti ako doon. Ang sarap sa feeling na andyan siya. Ngayon kaya Julia? Ako pa din kaya ang idol mo, ikaw pa din kaya ang number one fan ko?

end flashback

"DJ. magstart na ung program!" sabi ni Lester sa akin at hinawakan ang balikat ko. "We can do it, for our school.. and for Julia' sabi niya at nginitian ako.

Hindi dapat ako mag fail. I'll make sure that I'll do everything para maging proud ka saakin Julia. I want you back. Kinuha ko naman ang cellphone ko

"Last kami mag peperform. - DK" tinext ko sa number ni Julia. Nag antay muna ako ng reply niya. Para naman maboost ang confidence ko at lalo akong sumaya.

Ilang minutes na nakalipas wala pa din. Makapag ayos na nga ako. Sino nga naman si DK sa buhay mo? Inayos ko na ang buhok ko. 

*toot*

"Goodluck. I'll be here watching you perform! :)" binasa ko agad ang text. Galing kay Julia. Wooo! Buong buo na ang araw ko. Yes! 

nireplyan ko siya "I love you bestfriend. :*" para naman magkaroon na siya ng clue. Hindi na siya nag reply kaya inayos ko na ung bass ko. 

Julia's POV

"i love you bestfriend. :*" pagkabasa ko nung text ni DK. Bigla akong kinabahan. Tama kaya. Tama kaya ang mga inexpect ko? Siya nga kaya? 

My BatmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon