Chapter 4: Disaster

1.8K 44 6
                                    

dedicated to crazyoverjulniel, natutuwa kasi ako sa mga comments niya tapos nagmessage pa siya sakin. awww, nakakakilig naappreciate ko talaga siya.. salamat ng marami! ilaaabyou! <3 

A/N:

sorry sa napakatagal na update. hirap talaga maging studyante ehehehehe! =)) ayun sana po magustuhan niyo po yung update ko. ^________^ thank you, vote and comment! 

~~~

Chapter 4: 

Disaster

Nakaupo ako sa bench, hinihintay ko si Kath kasama niya na naman kasi yung mga barkada niya, lagi naman siyang ganun eh.. tapos si Julia ayun kasama yung bago niyang bestfriend, tsssk magsama silang dalawa! >____< Kinuha ko yung ipod sa bag ko tapos sinalpak ko sa tenga yung earphone ko tapos pinlay ko na yung kanta.

Do you feel like breaking down?

breaking down, ang alam ko breaking dawn eh. twilight saga! favorite ni bestfriend yun

Do you feel like out of place?

kanina ko pa nararamdaman yan nung kasama ni Julia yung bago niyang BESTFRIEND

Like somehow you just don't belong 

yeah right.

and no one understands you.

dati andyan siya para sakin pero ngayon.. may bago na siya

Tinangal ko agad yung earphone ko at pinatay ko yung ipod ko.. teka bakit ko ba naaalala si bestfriend? dapat nga maging masaya ako dahil for the first time may nakakausap na siyang lalaki bukod sakin.. -___- maganda naman si bestfriend kaya di malayong magkagusto sa kanya ang mga katulad ni Diego. Napatingin na lang ako sa langit. 

"baby loves ko, kanina ka pa naghihintay dyan? sorry ah. napatagal kasi ako eh!" sabi ni Kath at inabot sakin yung mga gamit niya "anu san tau ngayon? igagala mo ba ko ngayon baby loves ko?" sabi naman ni Kath at umupo sa tabi ko

"baby loves? bakit baby loves tawag mo sakin.." napakamot ako sa ulo ko, minsan kasi tawag niya sakin babe eh.. pero bakit naging baby loves? 

"ah. ehh? ahahaha. ayaw mo nun mas cute kasi ang baby loves sa babe eh, napakacommon na kasi nung babe eh.. anu ayaw mo no? sige, baby na lang tatawag ko sau!" sabi ni Kath at nagpout na parang bata sabay tingin sakin "teka? iniiba mo ang usapan eh.. diba galit ako sau! bakit ba kasi kita kinakakausap eh.." galit na sabi ni Kath sabay tayo at binuhat yung bag niya

napatayo naman ako at hinawakan ko ang braso ni Kath "Kath, i'm sorry di ko naman sinasadya eh.. nagulat lang talaga ako at may kasama si Juls na ibang lalaki sanay kasi akong ako lang ang kasamang lalaki nun eh.. alam mo naman pagdating kay Juls nagiging protective ako.. kasi para ko na siyang kapatid eh!" todo pageexplain ko

"okey fine. pagbibigyan kita.. pero Daniel basta hanggang kapatid lang ang tingin mo dun sa Julia na yun ah.. wala ng hihigit pa dun dahil tandaan mo ako na ang girlfriend mo at ako lang ang babaeng mahal mo!" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi sabay lakad at binitbit ko yung mga gamit ko at sumunod na kay Kath. 

Naglakad na kami at nakahawak siya sa braso ko at hinatid ko na siya sa kanila pero never ko pang nakikita ang bahay ni Kath lagi kasi siyang nagpapababa sa kanto eh.. di ko nga alam kung bakit ayaw niyang inihahatid ko siya sa kanila.. siguro strict ang parents niya

"babe, kelan kaya kita mahahatid sa bahay niyo pati sundo hindi din pwede sa bahay niyo? nasabi mo na ba na may boyfriend ka na?" tanong ko sa kanya at napatingin lang siya sakin sabay nginitian ako ng napakatamis

My BatmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon