Chapter 18: Date
Bwiset talaga, nakakaasar papansin talaga yung Kiray na yun eh. Feeling maganda hindi naman, iniwan ako ni Julia dahil sa kanya. ARGGG! Yung mga tao tuloy pinagtitinginan ako at feeling nila initchapwera ako ni Julia dahil iniwan niya ko sa ere. KAASAR! BADTRIP.
"Kath, kanina pa kita hinahanap!" sabi ni DJ at napatingin ako sa kanya at nginitian ko siya, inakbayan naman ako ni DJ at agad kong tinanggal yung pagkakaakbay niya sakin
"oh bakit? may problema?" tanong agad ni DJ sakin at tiningnan ko lang siya ng masama at napakamot ako sa ulo ko agad naman akong naglakad at sinundan ako ni DJ
"Kath, may problema ba tayo?" tanong ulit ni DJ pero di ko siya kinakausap, wala akong balak makipagusap lalo na at badtrip na badtrip ako sa ginawa ni Julia
"baby koo, ano may problema ba tayo?" tanong ni DJ at tumakbo at hinarangan ako sa dinadaanan ko, inirapan ko lang siya at huminga ako ng malalim dahil marami na naman mga mahaderang classmates ko ang nakatingin samin
"DJ, ano ba? ayaw ko makipagusap ok!" sabi ko naman at napahinga ng malalim si DJ at hinawakan yung dalawa kong kamay
"Kath, kung ano man yung nagawa ko sorry na talaga! di ko naman sinasadya eh." paliwanag ni DJ at ako naman agad akong bumitaw sa pagkakahawak niya sa mga kamay ko
"please DJ, ayaw ko nga muna makipagusap diba? Binge ka ba. PLEASE LANG! cool off nga muna tayong dalawa." sabi ko at naglakad na ko paalis, bwiset talaga kita niyang badtrip ako tapos dadagdagan niya pa. Ang lakas talaga makabadtrip ni Kiray! Haaay.
[Julia's POV]
Naglakad na kami ni Kiray papunta sa room namin nang biglang makita ko si Daniel sa may canteen na umiinom ng soda at nakatulala.
"puntahan mo na chance mo na yan girl!" sabi naman ni Kiray sakin at napatawa ako sa sinabi niya, soos chance? wala na kong chance noh
"anong chance? wala na kong chance chaka di ko na siya gusto!" pagmamalaking sabi ko kay Kiray at nginitian ko siya, yung pilit na ngiti.
"ASA KA GIRL! i know you, lapitan mo na go! kahit as a friend na lang." sabi naman ni Kiray at hinawakan niya yung likod ko at napangiti ako, oo nga kahit as a friend na lang. Uso naman ang second chance para maging bestfriend ulit kami diba? namimiss ko na din yung dati at yung mga asaran namin at walang tigil na paguusap kahit na umagahin na kami.
Pumunta ako doon sa may canteen at nilapitan ko si DJ.
"pwede akong makishare ng upuan?" tanong ko kay DJ at tumingin siya sakin sabay nginitian ako at napatanggo na lang siya.
"okey ka lang DJ?" tanong ko naman at napatingin ako sa kanya at wala siyang sinasabi kundi umiiling lang siya.
"anong problem? sa school ba?" tanong ko naman, sorry matanong ako ah! xDD ang dami ko kasing gustong itanong kay DJ eh. Baka di siya okey nagaalala ako bilang KAIBIGAN niya
"wala, nagkaroon lang kami ng di pagkakaintindihan ni Kath." sabi naman ni DJ at tumingin ako sa kanya as in gulat na gulat.
"oh bakit anong nangyari? ano na namang ginawa mo ah Mister Padilla?" tanong ko naman at para akong nanay kung magsalita.
"haha, ewan ko! Pero mabuti na din toh noh, wala muna akong iintindihin! Mas malalaman ko kung ano talaga ang gusto ko.." sabi naman ni DJ at napangiti siya sabay kurot sa pisngi ko
BINABASA MO ANG
My Batman
Fanfictionpaano kung minahal mo ang bestfriend mo pero may iba siyang mahal? kaya mo ba na kalimutan siya or ipaglalaban mo ang nararamdaman mo? >>>> JULNIEL <<<<