Chapter 19: Crazy Little Thing Called Love
Kanina pa ko paikot ikot, di ko alam kung saan ko hahagilapin si Daniel. Tsss, kasalanan ko toh e bakit ba kasi bigla ko na lang naisipan na magcool off, ANG TANGA MO TALAGA KATH! Kaasar, naiinis ako sa sarili ko, pag nawala si Daniel sa buhay mo. Ano ka na lang NGANGA ka na lang dyan Kath! Napaupo na lang ako at tumulo na ang mga luha ko, ang tanga tanga ko talaga
"Ang tanga tanga mo Kath. ANG TANGA MO!" sabi ko sa sarili ko at pinagpapalo ko pa yung ulo ko, bwiset talaga ang tanga ko. Cool off ka pang nalalaman, ayaan di mo na mahagilap si DJ. Kaasar talaga kabadtrip,
"miss, panyo oh!" sabi ng isang lalaki na umupo sa tabi ko at inabot pa sakin, tinignan ko lang yung panyo di ko alam kung kukunin ko ba or what "miss, wag mong titigan promise di madumi yan, walang sipon at kulangot! Ayaw ko lang talaga ng may babaeng umiiyak" dagdag pa nung lalaki, agad ko naman kinuha yung panyo at pinunas sa mga mata ko
"salamat ah." sabi ko naman sa kanya at napatingin ako sa kanya at bigla akong napatalon, tsss badtrip kaasar! Agad ko siyang tinignan ng nakakalisik tapos siya bigla lang siyang tumawa.
"oh, bakit gulat na gulat ka ah?" sabi ng lalaki at kinindatan niya ko at napatayo na din siya sabay ngiti ng nakakaloko
"hindi kasi ako sanay sa mga katulad mo, eww!" sabi ko naman at napatawa siya ng todo, tsss napakabaduy kasi ng suot niya e. eww allergic ako sa mga katulad niya promise! Nakakaasar talaga. ARGG!
"panong hindi sanay? HAHA. ang cute cute ko nga sabi nila e. tignan mo?" natatawang sabi niya at ako inirapan ko lang siya, badtrip!
"hindi kasi ako nakikisalamuha sa mga katulad mo, you know what? You look like a freak to me! Tignan mo yung itchura mo ah. large glasses, polo at nakatuck in pa! And ang baduy ng hair mo, idol mo si Jose Rizal noh?" sabi ko naman at tinaasan ko pa siya ng kilay samantalang siya tawa ng tawa na parang baliw
"grabe ka mapanlait noh, haha. di mo pa nga ako kilala e! pero okey lang cute ka naman at nasa itchura mo naman.. ganda nga ng bangs mo oh!" sabi niya at hinawakan niya yung buhok ko "wow ang smooth!" sabi pa niya na parang baliw
"eww, don't touch me, nobody touch me!" sabi ko naman at pinalo ko pa yung kamay niya, ARGG! nakakaasar talaga, badtrip
"HAHA. okey good! patas lang wala din namang humahawak sakin ng katulad ng sayo e!" sabi niya at tinignan niya yung kamay ko na nasa leeg niya agad ko namang tinangal
"ARGG! Kaasar, don't enter my life you FREAK! you are not allowed." sabi ko at nagwalkout na ko, napalingon naman ako at napatingin ako doon sa nerd na ngingiti ngiti. ARGG, kaasar badtrip!
[Daniel's POV]
"babay, ingat ka ah! Kailangan ko pa talagang pumunta sa school e para puntahan si Kath e. baka kasi galit na galit na yun sakin!" sabi ko naman at napatango na lamang si Julia, inihatid ko siya doon sa bahay nila. Grabe namiss ko tong bahay nila
"ah, sige Daniel! pano ba yan pasok na ko? Ingat ka sa pagmomotor ah!" sabi ni Julia at tumalikod na siya at pumunta na sa gate nila. Do something Daniel, ano namang gagawin ko? Speak something Daniel, ANYTHING!
"Ah. Julia, salamat ah! nagenjoy talaga ako." sabi ko naman at napangiti ako, si Julia naman biglang napalingon sakin at nginitian niya ko yung sweet pero napatingin ako sa mga mata niya, parang ang dami niyang problema.
"sige ah, una na ko Daniel." sabi ni Julia at tuluyan niya ng binuksan yung gate at pumasok sa labas ng bahay nila, hinihintay ko na pumasok siya. Haaay, pano ako poporma kay Julia kung may Kath ako.. Badtrip! Agad na kong sumakay sa motor ko at dumaan sa school
Nasa school na ko, papasok na sana ako kaso biglang nakita ko yung professor ko, kilala pa naman ako nun kaya agad akong nagtago at dumirecho doon sa parking. Tss, badtrip ano ba yan! -.- Kinuha ko na lang yung cellphone ko at tinawagan si Kath pero amp walang nasagot. Haaay. Bigla namang tumunog yung cellphone ko.
"hello Kath?" tanong ko agad sa kausap ko, sure na sure kasi akong di niya sinasadya yun mahal na mahal kaya ako nun. Ako pa e, mahal ko din siya pero mas mahal ko lang talaga si Julia. Haaay
"loko ka, anong Kath ka dyan? insan kita naman tayo oh." isang pamilyar na boses ang narinig ko at the moment na nagsalita na siya kilalang kilala ko na.
Pumunta kami sa isang coffee shop, maguusap daw kami ng pinsan ko. Akala ko nga nasa Canada toh eh, yun pala nakauwi na sa Pinas. tsss, di man lang sakin sinabi batukan ko toh e
"oi walangya ka di mo man lang sinabi na nandito ka sa Pinas, chaka ano ba yan bro! Yung itchura mo, wag mong sabihin nawala na ang pagiging fashionista mo!" natatawang sabi ko at automatic na hampas ang natangap ko
"Gago ka bro! sipain kita e, naiinis nga ako dito sa itchura ko well at the same time natutuwa ako kasi di katulad ng dati na hinahabol ako ng mga babae. Kaso bro, mukang may nakilala akong babae e, grabe bro ang ganda niya! Ang cute ng ngiti tapos bro, yung bangs pamatay!" sabi naman ni Enrique, pinsan ko siya sa tatay side. Mga tatay side kasi gwapings at yung tipong mga mayayabang HAHA.
"sira ulo ka, akala ko ba simula nung naghiwalay kayo nung last girlfriend mo di ka na maiinlove. Grabe sino ba yang babae na yan?" tanong ko naman at humigop muna ng frappe itong si Enrique
"di ko nga alam e. pero bro, ang ganda niya! Love at first sight na toh bro. Promise, siya na ang babaeng papakasalan ko." sabi naman ni Enrique at napangiti pa, kung sino man yung babaeng yun mukang di siya titigilan ni Enrique HAHA.
"kaya mo yan bro, magpacute ka na!" sabi ko naman at biglang nalungkot si Enrique
"nagpapacute ako, kaso mukang allergic ata sa mga nerd style! pero di ako papayag na di siya magkagusto sakin. bro promise ko yaan!" sabi naman ni Enrique at humigop ulit sa frappe niya. Sino man yung babaeng yun, swerte niya kasi kakaiba magmahal tong si Enrique.
--------------------
wooh, nandito na si Enrique HAHAHA!
salamat sa pagbabasa, thanks sa votes.
I love you all~! <3
BINABASA MO ANG
My Batman
Fanficpaano kung minahal mo ang bestfriend mo pero may iba siyang mahal? kaya mo ba na kalimutan siya or ipaglalaban mo ang nararamdaman mo? >>>> JULNIEL <<<<
