Chapter 8: New Beginning

1.5K 43 10
                                    

Chapter 8: New Beginning.

Matapos yung paguusap namin ni Daniel, hanggang ngayon maga pa din yung mga mata ko. Paulit ulit pa din yung mga huling salitang binitawan ni Daniel, ewan ko nga kung bakit ganun? Hanggang ngayon di ko pa din tanggap.. nasabi ko nga yung feelings ko sa kanya pero siya na mismo ang gustong lumayo. 

"Kalimutan mo ko.." 

"Kalimutan mo ko..." 

"Kalimutan mo ko...." 

"Kalimutan mo ko......." 

Nagplay back na ng paulit ulit ung sinabi niya sakin sa utak ko.. ewan ko nga eh! nabubuang na ata ako, hindi ko kasi alam kung paano ang gagawin ko.. paano ko siya kakalimutan? paano ko yun makakaya? kung siya lang naman ang nagpapasaya sakin.. siya lang ang kumukumpleto sa araw ko at tanging sa kanya lang naman umiikot ang mundo ko. 

Sa pagkawala niya sa buhay ko.. para akong nawalan ng paa! Parang di na kasi ako sanay na wala siya eh.. parang di ko na kaya na mawala siya sa buhay ko.. siguro ganito talaga ang buhay! Siguro.. tumulo na naman ang mga luha ko.. >___< 

"KAASAR!" sabi ko sa sarili ko at bigla akong nakarinig ng katok agad naman akong tumayo at binuksan ko ang pinto, si Kiray bumibisita. 

"Best.." malungkot na pagbati sakin ni Kiray at agad agad niya akong niyakap ng napakahigpit at napahaplos siya sa likod ko

"Best, s-sorry kasi ako naman talaga nagsabi na ipagtapat mo sa kanya eh!" sabi ni Kiray at tumulo na din ang mga luha niya at huminga muna siya ng malalim "sorry.. dapat di niya sasabihin na kalimutan ka niya! dapat kasi eh.. kasalanan ko talaga!" tumutulo na naman ang mga luha niya at napahawak ako sa kamay niya at pinilit kong ngitian siya

"wala tayong magagawa, yun ang gusto niya eh.. mas maganda na siguro yun! Mas maayos na din siguro yun.. ahahah! Diba?" sabi ko at napatingin ako sa kanya sabay higa sa kama ko at napatingin ako sa kisame tapos napayakap ako sa teddy bear ko.

"p-pwede naman natin gawan ng paraan un eh.. kaya kong awayin un! sabihin ko sa kanya sayang yung taon na pinagsamahan niyo.. sayang yung lahat! sayang yun best.." sabi niya sakin at parang bata na pinupunasan ang mga luha at ako naman napaangat ako sa kinauupuan ko at hinila ko yung braso niya at napaupo siya sa kama. 

"oi, baliw ka talaga!!" sabi ni Kiray na napalitan ng ngiti ang mga luha niya, pati tuloy siya nadadamay sa mga kadramahan ko. Napapalo siya sa braso ko

"ayan tumawa ka na din!" sabi ko at napangiti ako sa kanya sabay tingin siya sakin at niyakap ako

"sorry talaga best kung mga ganitong sitwasyon wala akong nagagawa ah!" sabi ni Kiray sakin at bigla naman siyang napatayo at napatingin sakin 

"ALAM KO NA!! I'll do some makeover sayo.. akong bahala sau best!" sabi naman ni Kiray at agad kinuha yung mga gamit niya. 

"wag na.. di na din naman niya mapapansin eh.." sabi ko naman at napangiti ako sa kanya sabay kuha ng libro ko sa may side table at agad kong binasa yung libro.

"pero tandaan mo best, andito lang ako for u palagi! sasamahan kita now na!" sabi naman ni Kiray at napangiti siya sakin at humiga sa tabi ko 

kringkringkring~!!

"Hello?" tanong ni Kiray sa telepono niya, may tumawag kasi sa kanya eh tapos tumatanggo pa siya na parang sumasangayon at pagtapos ay tinapos niya na yung tawag at agad siyang napatayo sa pagkakahiga "BEST, I NEED TO GO NOW NA!" sabi ni Kiray na abot tenga ang ngiti

My BatmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon