Chapter 6:
Feelings..
Di na ko gumalaw sa kinauupuan ko ngayon, tumutulo pa din ang mga luha ko at hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito? Parang kelan lang ang saya saya naming dalawa ni Daniel bakit ngayon mukang ayaw niya na makipagusap at take note tinawag pa kong fangirl.. >___> nakakaasar!
"babae, wala ka bang balak kumain? lunch break na.." sabi ni Kiray at inangat ko yung ulo ko at napatingin sa kanya
"Oh, dear what happened? umiiyak ka na naman!" sabi ni Kiray at lumapit sakin sabay hawak sa likod ko at halata sa mukha niya ang pag-aalala
"okey lang ako.." sabi ko naman at nagokey sign pa ko at pinilit ko pang ngumiti pero deep inside gusto ko ng sumabog sa galit.. gusto ko ng mainis at gusto ko ng umiyak ng umiyak!
"dear, kahit sabihin mong okey ka lang.. alam ko hindi ka okey! Juls, anu ba?" sabi ni Kiray at niyakap ko siya ng mahigpit at binuhos ko na naman ang sama ng loob ko
"lagi ka na lang umiiyak ng dahil sa kanya.." dagdag ni Kiray at ako humahagulgol pa din ako na parang tanga!
"dear stop this na.. smile ka na oh pumapanget ka na eh! chaka magiging maayos lang talaga toh Julia, mawawala lang ang lahat ng toh kung sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo.. para at least makalimutan mo na siya!" sabi naman ni Kiray at napatingin ako sa kanya, papanu kung di niya ko pansinin sa mga mangyayaring pagtatapat ko? paano?
"pero.." sabi ko naman at biglang napailing si Kiray at napahawak sa balikat ko at napatitig sa mga mata ko.
"Julia, para makawala ka na sa shadow mo! mas maganda un, di mo naman hinahangad na pagnagtapat ka eh ikaw na ang gusto diba? basta ang gagawin mo is ipagtapat sa kanya magustuhan man niya or hindi.." sabi ni Kiray at napaisip din ako, tama din naman siya sa mga pinagsasabi niya ayoko din namang magtago sa shadow ko.. ayoko naman na ilihim na lang ang nararamdaman ko para kay Daniel.. gusto ko ng to get out of my shell..
"sige.. sasabihin ko na sa kanya, pero panu un? galit ata siya sakin?" sabi ko naman at napatingin sakin si Kiray sabay kindat
"ako ang bahala sau sister.. basta 4pm sa rooftop!" sabi ni Kiray at lumabas na ng classroom, bigla naman akong kinabahan..
Anu kaya ang mangyayari matapos kong aminin sa kanya ang true feelings ko? Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko kung anu man ang mangyayari.. bahala na si Batman! bahala na siya sakin, kakayanin ko.. dapat kayanin ko!
[Daniel's POV]
Nakaupo lang ako sa bench hinihintay ko si Kath na nasa gym pa din at nagprapractice. Nakakainis talaga tong araw na toh, lowbat yung ipod ko kaya di ko magamit.. tapos tinetext ko si Kath di naman siya nagrereply kaasar lang talaga. kung andito sana si Julia may kausap sana ako! >___> t-teka kakalimutan mo na siya diba?
"DANIEL!" napalingon ako ng makita ko si Kiray na hingal na hingal mukang tumakbo ata siya
"bakit?" supladong tanong ko at napataas ang kilay ni Kiray at napahawak sa uniform ko
"oi, 4pm sa rooftop! pag di ka pumunta you're dead meat!" sabi ni Kiray at binitawan na ang damit ko at naglakad na with angas style, ginagaya ata ako nito eh.. pero teka? yung sabi ni Kiray talagang may halong pambabanta ah.. ayoko nga pumunta dun! >___>
Wala naman sigurong mangyayari kapag di ako pumunta doon noh.. tsssk, piece of crap! Paglingon ko andun na si Kath at may kasamang lalaki, varsity player ata. Naningkit agad ang mga mata ko at tinitigan ko ng masama yung lalaki..
BINABASA MO ANG
My Batman
Fanficpaano kung minahal mo ang bestfriend mo pero may iba siyang mahal? kaya mo ba na kalimutan siya or ipaglalaban mo ang nararamdaman mo? >>>> JULNIEL <<<<