Chapter 13: Punishment

1.5K 42 14
                                    

Chapter 13: Punishment

Pumunta ako sa banyo at naghilamos, hanggang ngayon di pa din maalis sa utak ko ang ginawa ni Daniel kanina. Ang daming naglalaro sa isip ko, ang dami ko ding tanong na gustong itanong sa kanya. Oo, mahal ko pa din si Daniel pero siya napakaimposible naman. eh halos ipagtabuyan niya ko at alam ko andito pa si Kathryn na sa tingin ko ay mahal na mahal niya. Kung ano man ang binabalak ni Daniel, kailangan kong magingat dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko pipilitin ang sarili ko na hindi ko siya mahal, bahala na. kaya ko pa naman siguro! 

Pagtapos maghilamos tumungo na ko sa office namin, pagbukas ng pinto ko sumalubong sakin si Kathryn na nakakunot ang noo. Napatingin naman ako sa isa naming assistant na si Debbie.

"ahh. kausapin ka daw ni Diego sa loob!" automatic na sinabi sakin ni Debbie at naglakad ako at tumungo na sa office ng president na si Diego

"andito ka na pala.. kanina ka pa niya hinihintay!" sabi ni Diego na hindi man lang tumingin sakin at patuloy sa pagbabasa at pagpipirma ng mga papeles. 

"oi, ano un? anong gagawin ko dun?" tanong ko at itinaas ko ang isa kong kilay

"well, uhmm. ikaw na bahala sa kanya bigyan mo ng parusa!" 

"LOKO KA BA!?" 

"hindi ako loko. naloloko lang sayo!" sabi ni Diego na napatingin pa sakin at napakamot naman ako ng ulo ko, tssssk! nakuha pang magsabi ng cheessy lines eh! 

"bakit ako magbibigay ng parusa dun!?" 

"eh, ikaw gusto ko eh.." 

"oi, iba na lang dyan naman si Debbie eh!" 

"bakit ayaw mo!?" 



"eh sa ayaw ko eh. anung magagawa mo!" 



"dali naaaaaa!" 



"ayaw ko nga kasi Diego! bakit ba kasi ako!?" 


My BatmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon