Chapter 7: The Unexpected.

1.6K 43 20
                                    

Chapter 7: The Unexpected

Kanina pa ko nakatayo hinihintay ang sasabihin ni Julia, may importante daw siyang sasabihin eh! Hindi ko nga alam kung bakit ako pumunta dito eh, siguro gusto ko lang na magkaayos kami or siguro gusto ko lang na magbabay sa kanya! ayoko na, tatapusin ko na ang friendship namin.. siguro mas mabuting di kami magkakilala kesa naman nasasaktan ako sa tuwing kasama niya yung nerd na yun at syempre gusto ko ilaan ang lahat ng attensyon ko sa girlfriend ko. 

"JULIA!" napasigaw na ko nung di pa nagsasalita si Julia bigla ko namang pinadyak ko yung paa ko napansin ko naman na napatingin sakin si Julia at bigla siyang napayuko. feeling ko natatakot na siya sakin pero kailangan ko ding gawin ko.. 

Hinawakan niya bigla ang braso ko at agad ko naman itong tinangal at tumalikod na ko at naglakad paalis. kung magbabay ako sa kanya kailangan kong maging malakas at ganun din siya

"DANIEEEL! MAHAL KITA.." para naman akong nabingi sa sinabi ni Julia kaya agad akong napalingon sa kanya, hindi ko maexplain kung anu ang nararamdaman ko basta ang alam ko nagulat ako gulat na gulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanya at parang paulit ulit kong naririnig ang mga sinabi ni Julia sakin, bigla naman siyang napakamot sa ulo niya

"a-anung sabi mo?" agad ko namang tanong sa kanya at napatingin siya sakin at itinigil na ang pagkakamot sa ulo niya, hindi ko alam kung anung irereact ko basta ang alam ko gulat ako. gulat na gulat at di ako makapaniwala

bigla akong napahawak sa braso niya "anung sabi mo?" paulit na tinanong ko sa kanya pero wala pa din siyang sinasabi, hindi ko alam ang gagawin ko dahil nakayuko lang siya na para ko siyang sinesermonan. 

"Daniel.. mahal kita.." sabi ni Julia na tumingin pa sa mga mata ko, naramdaman ko ung sincerity niya sa mga sinasabi niya. hindi ko alam pero mahal pala ako ng bestfriend ko

"kelan pa!?" agad kong tinanong sa kanya, hindi ko na iniisip ung mga sasabihin ko. bahala na! 

"kailangan mo pa ba yun malaman.. Daniel, sinasabi ko toh kasi ayaw ko ng masaktan! di ko na kaya pang masaktan.. nasasaktan ako kapag nakikita kita na may kasamang ibang babae.. pero anung magagawa ko? masaya ka eh.. dun ka masaya!" sabi ni Julia na mangiyak ngiyak na, feeling ko bubuhos na ang mga luha na alam kong kanina niya pa pinipigilan

"Julia.." wala akong ibang masabi kundi tanging pangalan niya lang ang nabanggit ko 

"Daniel.. alam ko naman na masaya ka na ngayon eh, masaya ka na sa kanya! Kay Kathryn kaya di ko na pagaaksayahan ang oras ko.." sabi niya naman at pinilit niyang ngumiti

"all of this years ba ako na ang mahal mo?" sabi ko naman at napatango lang si Julia, napahawak naman ako sa ulo ko. 

"pero bakit.. bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong ko naman sa kanya, ibig sabihin sa tuwing nagpapatulong ako sa kanya sa mga problema ko kay Kath nasasaktan siya. grabe ang manhid ko namang tao! naiinis tuloy ako bigla sa sarili ko kung bakit di ko man lang naramdaman un, di ko man lang pinahalagahan ang efforts niya

"sinasaktan na pala kita ng di ko alam.." sabi ko naman matapos marealize ang lahat, hindi ko man lang inisip ang nararamdaman niya kung sana alam ko lang ang feelings niya para sakin

"wala naman akong pinagsisisihan eh.. basta masaya ako sa ginagawa ko para sau at kay Kath, alam ko naman na mahal mo siya at handa akong gawin para lang maging masaya ka! kasi nga importante ka sakin.." sabi niya sakin at alam kong pinipigilan niya na ang pagtulo ng mga luha niya

"ganun ba ko kaimportante sau? na kahit nasasaktan ka gagawin mo pa din para sakin!" sabi ko naman at napatingin siya sakin 

"sobra.. sobra.. sobra at kaya kong gawin lahat para sayo!" sabi naman ni Julia na napangiti pero tumutulo ang mga luha niya

"kaya mong gawin lahat?" tanong ko naman sa kanya at napatango siya habang pinupunasan ang mga luha niya

"Kalimutan mo na ako.." seryosong sabi ko at napatingin sakin si Julia na gulat na gulat, hindi ko alam pero kailangan ko tong gawin

"b-bakit?" nauutal na tanong sakin ni Julia at tinignan ko lang siya

"dahil iyon ang nararapat.. yon ang mas mabuti!" sabi ko naman sa kanya at tumulo na naman ang mga luha niya na kanina pa may pinupunasan niya na

"s-sigurado ka?" tanong niya ulit na napahigpit na ang hawak sa palda niya

"oo." sabi ko naman

"pwes.. kakalimutan na kita!" sabi ni Julia at tuluyan ng tumakbo paalis

Napaluhod ako sa lapag, hindi ko alam kung kaya kong kalimutan ang babaeng minahal ko ng higit pa sa buhay ko.. ang babaeng gusto kong maging masaya.. ang babaeng gusto kong pasayahin at protektahan.. hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko?

sakit

sobrang sakit..

hindi ko na alam ang gagawin ko..

nasasaktan ako

pero kailangan kong gawin toh

kesa naman mas lalo pa siyang masaktan..

alam ko naman na andyan na si Superman para iligtas siya

kahit na eto ako..

gusto ko ng bugbugin si Superman. xD

Sana maging masaya siya ng wala ako.. 

alam ko magiging masaya siya.

this is really goodbye..

Julia's POV

Di ko alam kung bingi lang ba ako or di ko talaga tanggap ung mga sinabi ni Daniel. matagal ko na siyang gusto at eto na ang pagkakataon para malaman niya na mahal ko siya. Di naman ako nanghihingi ng kapalit at di ko din naman ineexpect na sasabihin niya din na mahal niya ko.. 

pero the fact na gusto niya na kalimutan ko siya

ang sakit

sobrang sakit

pero kailangan kong maging malakas. yun ang hiling niya, yun ang gusto niya.. yun ang mas makakabuti saming dalawa. 

kakalimutan ko siya

pero kung kinalimutan ko siya

parang kalahati ng mundo ko guguho! 

he's part of my life.

and will always be. 

i just wanted him to be happy

i don't want to ruin any relationship

sinabi ko yun dahil para makalaya na ko

and now i'm free..

pwede na kong magmahal muli

pero ang tanong kaya ko ba? 

kaya ko ba na kalimutan ang lalaking minahal ko ng kay tagal, ang lalaking tanging ginawa lang ay ang pasayahin ako.. ang lalaking bumubuhay sa 24 hours and 7 days..

mahal kita Daniel

mahal na mahal

so i'm setting you free

i love you goodbye.

My BatmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon