Chapter 5: He's Changed

1.8K 36 8
                                    

Chapter 5:

He's Changed

Di ko alam kung anung meron sakin, matapos ko kasing malaman yung tungkol kay Diego hindi ko alam kung anung gagawin ko.. minsan nakakaramdam ako ng sakit kasi alam ko kahit anung gawin ko si Daniel ay para kay Kath lamang at ako.. hindi ko alam

"Julia, kanina ka pa tulala dyan ah? anung problema natin?" nagulat ako ng biglang nagsalita si Kiray, napatingin ako sa kanya habang pinaglalaruan ko yung pagkain ko. 

"may problema ka ba ateng?" tanong ulit ni Kiray sakin sabay hawak sa balikat ko at tinignan ako sa mga mata ko. 

"ah.. w-wala!" sabi ko naman at agad kong iniwas ang mga mata ko.. >____> 

"anung wala? ewan ko sau.. kasi ang weird di man lang sumabay satin si Diego.. anu bang nangyari ah? baka naman kung anung ginawa mo dun?" sabi naman ni Kiray at naalala ko si Diego kanina tinext niya din ako na di siya sasabay sakin pagpunta sa school

"baka may ginagawa lang.." sabi ko naman, hindi kaya iniiwasan ako ni Diego.. sh*t naman oh!

"okey po.. alam mo mukang mabait naman si Diego eh, kung tutuusin nga mas bagay kayong dalawa ah.. sinasabi ko lang yun hindi dahil alam ko wala ka ng pag-asa kay Daniel.. pero sissy totoo naman eh.." prangkang sabi ni Kiray kaya minsan hindi ko maisip at maipasok sa utak ko na pakawalan si Daniel eh. 

"okey fine.." sabi ko naman at sumubo na ko ng pagkain 

Naglakad na kaming dalawa matapos namin maubos yung pagkain, este si Kiray lang pala ang nakaubos kasi parang ayaw na tangapin ng lalamunan at bituka ko yung kinakain ko. Tumungo na kami sa classroom namin at saktong nakita ko si Daniel at si Kath na naglalambingan.

ARAY! kasakit naman, may tumutusok na naman sakin.. TT___TT

"girl, wag mong pansinin okey.. sabi ko naman kasi sau magtapat ka na eh!" sabi naman ni Kiray at bigla akong kinabahan sa mga sinabi niya, ewan ko ayoko pa aminin ang nararamdaman ko eh.. maybe it's not the right time 

"ewan ko sau... matagal pa yung pagtatapat na un!" sabi ko naman at umupo na ko sa upuan ko, pinagmamasdan ko si Daniel.. grabe tuwang tuwa siya, iba talaga ang aura niya kapag kasama niya si Kath eh.. nararamdaman ko naman yun eh! dahil kapag kasama ko siya puro kami away kung minsan nga eh di kami nagkakasundong dalawa

"ewan ko sau Julia, sana talaga mauntog ka at magtapat ka na dyan so that makalaya ka na sa love niyang Daniel Padilla na yan!" sabi naman ni Kiray sabay tapik sakin na kinagulat ko naman, nagdaydreaming kasi ako eh. 

"will you shut up.. baka may makarinig sau noh!" sabi ko naman at inirapan lang ako ni Kiray sabay tingin sa notebook niya

Dumating na yung professor namin at halata ko pa din ang landian nina Daniel at ni Kath. pati oras ng lecture nakikipaglandian tong dalawang toh.. >____> geez

"miss Bernardo, mister Padilla hindi ito oras para maglandian kau!" nagulat naman ako ng biglang nagsalita yung strikto naming professor kaya napatingin ako duon sa dalawa na bigla namang naghiwalay ang mga kamay na kanina pa magkahawak 

"miss Bernardo, makipagpalit ka ng upuan kay Ms. Montes!" sabi naman ng professor namin at napatingin lang ako sa kanya.. di nagsisink in yung mga sinasabi niya eh, bigla namang lumapit si Kath sakin at nakataas ang kilay

"palit daw.. binge ka ba?" mataray na sabi ni Kath kaya agad akong napatayo at inayos ko yung gamit ko sabay punta doon sa pwesto ni Kath

My BatmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon