Chapter 10: Popular Girl
"grabe best, iba talaga ang aura mo! mantakin mo nagayos ka lang marami na agad ang mga mata na nakatingin sau, iba ka talaga best. talo mo pa si Kathryn sa kasikatan!" sabi ni Kiray sakin at bigla ko na naman naalala yung nangyari kanina sa totoo lang di ko inexpect na maniniwala si Daniel sa mga pinagsasabi ni Kath dahil alam niya naman siguro na di ko gawain ang mangaway pero mukang nakalimutan na talaga niya ko..
"oh, bakit nalungkot ka dyan?" sabi ni Kiray ng mapansin na malungkot ako, nababadtrip lang kasi ako sa mga nangyayari "dahil ba dun sa babaeng maldita na yun!" napakunot noo si Kiray nung sinabi niya yun
"wala naman akong magagawa kung mas pinaniwalaan niya yun eh, ang hindi ko lang gusto yung pagsisinungaling ni Kath.. sa totoo lang ayaw ko na nga makisalamuha sa kanila eh, wala na kong pakielam sa kanila pero ung fact na ginanon ako ni Kath.. parang napakaunfair naman.." sabi ko naman sa kanya at napatingin ako kay Kiray "kung kalevel lang sana ako ni Kath malamang nasabunutan at nasampal ko na siya.. she's getting in my nerves!" galit na sabi ko at napakunot noo ako
"wag mong pansinin un girl dahil starting today. simula na ng paghihiganti mo dyan sa malditang babae na yan noh! wag na tayong magpagoody girls.." sabi naman ni Kiray at napatingin ako sa kanya at napatango
"tandaan mo tong araw na toh best, dahil simula ngaun lalabanan ko si Kath sa anong paraan.. humanda siya dahil di ako papayag na matalo! Maldita siya oo, pero mas maldita ako sa kanya" sabi ko at mataray na ngumiti ako. Hindi ko hahayaan na tapak tapakan ako ng girlfriend ng Daniel na yan, magsama silang dalawa.
Pagtapos ng klase dumirecho agad kami sa gym, napatingin naman samin lahat ng tao at poise na poise ako habang naglalakad kahit medyo masakit na nga yung mga paa ko. Then I flip my hair at lalo silang napanganga. Tapos lumapit ako doon sa mga cheerleaders.
"excuse me, pwede bang magapply bilang cheerleader?" tanong ko naman at agad na nakita ko si Kath na nakakunot noo, agad siyang lumapit at tinignan ako mula ulo hanggang paa
"haha, sa tingin mo ganun lang kadali ang magapply dito? pwes nagkakamali ka, dapat magaling kang sumayaw dapat kakayanin mo lahat ng ipapagawa namin sau!" mataray na sabi ni Kath at napatingin ako sa kanya at nginitian ko lang siya
"yun lang ba? okey.. ipapakita ko sa inyo lahat ng gusto niyong makita!" sabi ko naman at napatingin lang ang mga cheerleaders sakin
"wait, sa tingin mo makakapagsayaw ka ng ganyan?" tanong ni Kath sakin at talagang nakataas pa ang isang kilay, ako naman agad ko siyang nginitian at inihubad ko yung dress ko, nakasuot ako ng white short tapos nakasando ako black tapos kinuha ko yung jacket ko at isinuot, tapos tinali ko yung buhok ko at nagpalit na din ng sapatos.
"anu? pwede na ba?" tanong ko naman at tinaasan ko siya ng kilay, inayos ni Kiray yung tugtog at pumunta na ko sa harap. Sumayaw ako na parang wala ng bukas, napansin ko ang mga mata nila lahat nakatingin sakin.. lahat naiingit sa moves ko.. at ang pinaka epic sa lahat ay ang makita ko si Kath na naiingit, halata naman sa mga mata niya eh. Pagtapos ng tugtog narinig ko agad ang palakpak ng napakaraming tao at lumapit sila sakin
"OMG, ang galing mong sumayaw!" sabi naman ng isang babae na isa sa mga cheerleader at ganun din ang mga sinabi ng nakakarami, agad namang lumapit si Kath at napatingin sakin
"hmmm. makakapasok ka kung mahigitan mo ko!" maangas na sabi ni Kath at napatingin lang ako sa kanya sabay pinakitaan ko lang siya ng ngiting matamis. Nagpatugtog na ulit sila at nauna si Kath na sumayaw, di ko alam na ganun lang pala ang skill niya sa pagsayaw nakakaloka. Huminto naman siya at ako na ang sumunod, kinembutan ko pa ng todo at nagiba iba pa ko ng mga moves at puro hiyawan at palakpak ang naririnig ko mula sa mga tao.
BINABASA MO ANG
My Batman
Fanfictionpaano kung minahal mo ang bestfriend mo pero may iba siyang mahal? kaya mo ba na kalimutan siya or ipaglalaban mo ang nararamdaman mo? >>>> JULNIEL <<<<