Chapter 17: Bestfriend
Napabangon ako sa kama at dumirecho ako sa banyo, hindi ko talaga akalain kung bakit ko hinalikan si DJ, i'm supposed to hate him but then sa ginawa niya mas lalo akong naiinlove sa kanya. Argggh, dapat stop na toh eh! Hindi pwede, friend ko na si Kath na girlfriend lang naman ni Daniel na binigay sakin yung batman necklace niya. Arggg, nakakaasar lalo tuloy akong naguguluhan. Hindi ko inexpect na makikipagbati sakin si Kath at di ko inexpect na sasama na lang ako basta basta kay DJ!
"Hindi pwede toh! ayoko na masaktan muli.. hindi na dapat!" sabi ko sa sarili ko at naghilamos na ko ng mukha, pagtapos nun pumunta na ko sa kitchen para magluto. Anong oras na kasi eh, chaka pag bumalik pa ko sa bed ko di na ko aantukin. Nagluto na lang ako ng food ko tutal wala naman si mommy para ipaghanda ako.. Naalala ko na naman ang tungkol sa divorce. haaay~! Bawal na ba magkaroon ng second chance?
"oo nga Julia, bawal na ba magkaroon ng second chance?" nasabi ko sa sarili ko at bigla akong natulala, bibigyan ko ba ng second chance si DJ. Haaay siguro ewan ko bahala na. Siya naman ang lumayo nun hindi ako.. Siya ang may gustong kalimutan ko siya, hindi ako.
--
"Good Morning Julia!" bungad agad sakin ni Kath na naghihintay sa tapat ng school, napatingin naman ako sa kanya. Bakit ganito? anong trip niya? Tsss. t-teka? Friends na kayo Julia, friends na kayo. Peace On Earth diba?
"Good Morning din Kath!" sabi ko naman at nginitian ko siya ng napakatamis, oh ayaan friends kasi kami kaya dapat sweet. Tsss!
"alam mo, hinintay talaga kita ehehe. gusto ko kasing sabay tayo pumasok sa school, alam mo na? para maging mas close tayo yung tipong BFF forever!" sabi ni Kath na napahawak pa sa braso ko
"hehe." sabi ko naman at naglakad na kami papunta sa loob, napatingin naman sakin yung mga tao sigurong takang taka sila kung bakit close kami ni Kath. Napahinto naman si Kath at nginitian ako. Anong balak niya?
"hello Classmates, ayun sasabihin ko sa inyo bati na kami ni Julia! so please don't mess with us, kami pa din ang sikat dito kahit na friends na kami. Kami pa din ang pinakamaganda at pinakapopular dito sa school. so wag kayong haharang harang sa dinadaanan namin" mataray na sabi ni Kath at napatingin ako sa kanya, nagulat ako sa mga sinabi niya. What the heck is that? Tapos gumilid na yung mga tao tapos naglakad na kami as in walang humarang sa dinadaanan namin. >___<
"Juliaaaa!" napalingon ako si Kiray pala tapos lumapit samin dalawa ni Kath, tinaasan pa ng kilay si Kath tapos tinignan mula ulo hanggang paa, ang wild talaga nitong si Kiray
"bakit kasama mo yang babaeng yan?" sabi ni Kiray at tinignan ng masama si Kath tapos si Kath tinaasan din ng kilay si Kiray, ayun nagtatarayan silang dalawa
"bestfriend ko lang naman si Julia!" sabi ni Kath at hinawakan yung kamay ko. Wew, ang awkward lang ng sitwasyon namin
"bestfriend mo? kelan pa? wag kang magfeeling dyan Kath!" sabi naman ni Kiray at hinawakan naman yung kanang kamay ko. ang guloo nila
"di ako nagfefeling noh, kahapon pa lang bestfriend na kami nitong si Julia eh! alam mo kung ayaw mo maniwala bakit di si Julia ang tanungin mo ah?" galit na galit na sabi ni Kath at napatingin sila sakin pareho
"ano Julia bestfriend mo na ba toh?" tanong ni Kiray na halatang inis na inis na din sa mga pinagsasabi ni Kath, bakit ba kailangan nilang mag-awaaay?
"uhmmm." sabi ko naman at napayuko ako sabay tingin si Kiray kay Kath at yung itchura ni Kath parang *see-nagsasabi-ako-ng-totoo* face.
![](https://img.wattpad.com/cover/958917-288-k320259.jpg)
BINABASA MO ANG
My Batman
Fanfictionpaano kung minahal mo ang bestfriend mo pero may iba siyang mahal? kaya mo ba na kalimutan siya or ipaglalaban mo ang nararamdaman mo? >>>> JULNIEL <<<<