"D-Daniel.." sabi ni Julia at nauutal utal pa. Ang cute niya kapag ganun ang itchura niya, yung tipong kinakabahan at nagugulat. "a-anong ginagawa mo dito?" tanong ni Julia.
"huh? bakit? bawal ba ko dito?" sabi ko naman, biglang napalunok si Julia.
"h-hindi naman.." sabi naman niya at pilit na ngiti lang ang ginanti niya, tss. anong meron? "sige una na ko Daniel ah!" sabi niya at naglakad na siya paalis, tss anong meron akala ko pa naman okey na kami.
"Jul.." sigaw ko, sisigaw pa sana ako pero wag na. Haaay ano kayang meron? Ang dami tuloy pumapasok sa isipan ko, hindi kaya nasabi na ni Kath ang lahat. :| Pero kung oo at least nasabi niya na yun pwede na kong magpacute kay Julia. Siya naman talaga ang sinisigaw ng puso ko, masyado lang talagang nahuli ng update. >_< Pinagsisisihan ko pa din yun hanggang ngayon.
Matapos yung klase ko di ko na nakita pa si Julia, umuwi na lang ako sa bahay namin! Teka bakit kaya ang daming kotse ngayon, anong meron? Agad akong pumasok sa loob at tama nga ako may mga bisita pala kami. Si Insan!
"DJ, namiss kita ah!" sabi ni Kit, pinsan ko siya sa mom side ko. Nakipaghighfive ako, andito pala ang buong angkan ko. Napatingin ako sa mga paligid, nakita ko si Enrique nakikipagdaldalan dun kay Tito Rustom. -___- akala ko ba angkan lang ni mommy ang nandito!
"nakatingin ka na naman sa tito mo or should i say your tita!" natatawang sabi ni Kim at tinignan ko siya sabay kindat. HAHA! tapos pumunta ako dun malapit sa kanila.
"Uhmmm Hello.." sabi ko at tumingin sakin si Tito at si Enrique.
"Kamusta ang pinakagwapong pamangkin ko? kahawig talaga kita nung kabataan ko!" sabi ni Tito at napatingin ako kay Enrique na natatawa. Tsss! Humanda ka saken
"Tss. pwede ba tito! Wag mo ko itulad sayo, wala akong balak na maging BAKLA!" sabi ko at diniin ko pa yung salitang bakla. Kaasar kase e, lagi na lang ganun. -____- never akong matutulad sa tito ko! :| Bebe Gandang Hari pssst. my ass!
"Ah sorry, uhmm excuse me.." sabi ni Tito at umalis na siya, SALAMAT NAMAN!
"wow, ang laki ng galit mo sa tito mo noh!" sabi ni Enrique at napatingin ako sa kanya, di lang malaki galit ko dyan sobrang laking galit.
"Pwede ba! ayokong pinagkukumpara ako sa tito ko! BADING yun." sabi ko naman at nilakasan ko na naman ung salitang BADING.
"oo na, alam ko na gets ko na. di mo na sana pinagsigawan sa lahat!" sabi ni Enrique
"pagsisigawan sa lahat e lantaran na nga!" inis na sabi ko, umiinit yung ulo ko e. "bakit mo ba kausap yun?" tanong ko naman sa kanya at napangiti si Enrique
"may plan ako e." sabi ni Enrique at napakamot ako sa ulo ko
"ANO?" tanong ko naman
"magpapanggap akong bakla." mahinang sabi ni Enrique, tapos nanlaki ang mga mata ko
"ANO!? BAKIT BADING KA BA?" malakas na sigaw ko
"SH*T dude. wag ka nga maingay!" inis na sabi ni Enrique
"ano bang balak mo ah?" tanong ko naman at hinawakan ni Enrique ung kamay ko at dinala ako sa labas. -___- ang weird noh! HAHAHA
Naglakad kami hanggang sa mapuntahan namin yung lugar na kung saan walang tao. Ano ba kasing binabalak nitong insan ko. nung isang araw nerd ang gusto ngayon magpapanggap na bading!
"OH ANO NA?" tanong ko naman, panu ba naman mukhang walang balak magsalita. MAINIPIN PA NAMAN AKO!
"may popormahan akong girl!" sabi ni Enrique
![](https://img.wattpad.com/cover/958917-288-k320259.jpg)
BINABASA MO ANG
My Batman
Fanfictionpaano kung minahal mo ang bestfriend mo pero may iba siyang mahal? kaya mo ba na kalimutan siya or ipaglalaban mo ang nararamdaman mo? >>>> JULNIEL <<<<