I don't know what to say.. I don't even know kung mapapatawad ako ni Julia sa mga kasinungalingan ko sa kanya. But then para naman ito sa kanya, sa amin dalawa.. Para malaman niya kung gaano ko siya kamahal.
"Julia." nanginginig ang tuhod ko di ko alam ang gagawin ko.. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling di niya tanggap lahat ng sasabihin ko sa kanya..
"Whats wrong ha? May problem ka? Alam mo first time kong makita na serious ka!" sabi ni Julia at bigla siyang natawa, sumabay na din ako sa pagtawa niya.. Ano ba tong ginagawa ko? Nakikisakay pa ko sa ganto e parang hihimatayin na nga ako.
"Julia we need to talk.." sabi ko at nakatingin lang siya saakin sabay tumanggo. Naglakad kaming dalawa patunggo sa garden.. Pinakatahimik na lugar na alam ko at sigurado ako doon sa lugar na yun ay makakausap ko siya ng matino. Julia loves flowers.. Sana tulungan din ako ng mga bulaklak na yan..
"So? Ano na? Boy problems ba ha? Pag ibig?" tanong ni Julia saakin at umupo siya sa may bench. Agad naman akong lumuhod sa harap niya, di ko mapigilan ang sarili ko parang maiiyak na ako. Ayokong masaktan si Julia.. "Oi? Ano bang problema ha?" tanong ni Julia sa akin at hinawakan niya ang pisngi ko. Eto eto ang dahilan kung bakit ako naging ganito Julia.
"Julia.. I'm sorry.. I'm not gay.." sabi ko sa kanya at napatingin ako kay Julia parang wala siya sa sarili niya, parang naguguluhan.. tinuloy ko na lang ung pagsasalita ko "Julia, nagpanggap lang ako na bakla ako.. para lang mapalapit sayo.. Julia, matagal na kong may gusto sayo.. Sorry.." sabi ko at doon na bumuhos ang mga luha ko
"Quen, pinagkatiwalaan kita.. Tapos lolokohin mo lang ako ng ganito? Tinuring kitang kaibigan Quen.. Ano ha? Ano bang ginawa ko sayo para magsinungaling ka saakin!!" galit na galit na sabi ni Julia hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit
"Julia mahal kita.. Mahal na mahal kita, at ayokong mawala ka saakin! Julia please.. Wag mo kong iwan! Mahal kita.." sabi ko kay Julia. Hindi ko alam kung anu na ang itchura ko or kung nakakahiya na ang pinaggagawa ko.. Begging her to stay.. Never kong ginawa ito sa babae, siya lang.. Sa kanya lang.
"Pwede ba? Kung mahal mo ako, you should man enough para gawin ang right thing hindi ung ganito Quen.. You ruined my day already!" sabi ni Julia at kinuha niya ang gamit niya at umalis na. My knees are shaking.. What did I do? Bakit ko siya ginanito? Ang tanga tanga ko talaga.. Ang tanga ko. Tumulo na ang mga luha ko. No, I will not give up that easily.. Di ako papayag.. Tumayo ako at tumakbo.
Nakita ko si Julia kausap si Kathryn.. Inis na inis si Julia at parang ayaw kausapin si Kath.
"Julia!" sigaw ko. Full force para marinig niya.. I need to explain, kailangan niyang intindihin ang nararamdaman ko. Kailangan niyang malaman na malinis ang intention ko sa kanya.
"Will you stop following me Quen? Don't ever get close to me.. Gets mo ha?" galit na sabi ni Julia at tinignan siya ni Kathryn. "WHAAT? Ano babadtripin mo din ako? Badtrip na ako kaya wag mo ng dagdagan pwede?" sabi ni Julia
"Ano ba Julia, what the heck happened ba ha? Pati ako susungitan mo?" sabi ni Kath at tinignan lang si Julia. Inirapan naman ni Julia si Kath. Ako naman pilit na lumalapit kay Julia
"JULIAA!" isang boses ang narinig ko.. Ang pinsan ko, ang karibal ko kay Julia.. Si Daniel
lumingon si Julia at tinignan si Daniel "Anong gusto mo?" sabi ni Julia at tinignan lang ni Daniel si Julia. Napatingin naman saakin si Daniel at agad tumakbo paalis si Julia. "JULIAAA!" sigaw naming dalawa ni Daniel. Lumapit sa akin si Daniel, tinignan niya ako ng masama.
"ANONG GINAWA MO KAY JULIA!?" galit na tanong saakin ni Daniel para niya akong sasapakin sa itchura niya.. Hindi ko alam.. Basta ang alam ko nasaktan ko siya.
"WALA KA NG PAKIALAM DOON. PWEDE BA?" sabi ko kay Daniel at binangga ko siya.
Pumunta ako sa bakanteng classroom. Kanina pa uwian pero eto ako.. Nag aantay.. Nag iisip ng mga bagay bagay.. Kung anong kagaguhan na naman ang ginawa ko.. Naiiyak na ako. Di ako bakla.. Pero ayoko yung fact na nasaktan ko si Julia.
"Ok ka lang? Halos lahat ng tao dito umalis na.. Ikaw na lang natira!" napatingin ako sa taong kumausap saakin.. Akala ko namamalikmata ako.. Pero si Kathryn lang pala.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Bakit di ka pa umuuwi?" tanong ko at tinignan lang niya ako at umupo sa tabi ko.
"Ang daming tanong.." sabi ni Kath at natawa siya. "Ginagawa ko? Hmm wala tinatamad pa akong umuwi sa bahay.." sabi niya sa akin "Ikaw?" sabi niya at tinignan niya ako
"WALA. Nagiisip ako.." sabi ko sa kanya at nginitian ulit niya ako. Sira ata siya?
"Ang saya noh? Pareho kayo ni DJ na patay na patay kay Julia.. Halos lahat naman ata nagkakagusto dun sa babaeng un ee." huminga siya ng malalim "Kaya nga inggit na inggit ako dyan.. Yung lalaking mahal ko, mahal na mahal siya.. Pareho lang tayo ng kalagayan.. Pero ako hindi ako nagmumukmok sa isang tabi!" proud na sabi niya
"Nagawan ko siya ng kasalanan.. I told her I'm gay.." sabi ko, di ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko sa kanya parang ang gaan. Kaya naikwento ko sa kanya lahat ng mga nangyari. Yung pagtingin ko kay Julia, yung ginawa ko para lang maging close kami ni Julia.. Lahat nasabi ko
"Pagibig nga naman noh? Gagawin lahat masunod ka lamang.." sabi niya "Di natin alam nakakasakit tayo ng ibang tao.." sabi niya at bigla siyang nalungkot "Wag ka mag alala.. Mapapatawad ka din niya sooner or later.." sabi niya at nginitian ako. Ang gaan sa pakiramdam nung ngiting un. Tumayo na siya at lumapit sa may pinto.
"QUEN!? I think we're trapped.."
BINABASA MO ANG
My Batman
Fanfictionpaano kung minahal mo ang bestfriend mo pero may iba siyang mahal? kaya mo ba na kalimutan siya or ipaglalaban mo ang nararamdaman mo? >>>> JULNIEL <<<<