Chapter 30:

280 13 2
                                    

Nakatulala ako. Ayaw gumalaw ng katawan ko. Stress na stress ako. Naiiyak ako na di ko maintindihan. Masaya ba ako o sadyang di lang ako makapaniwala sa mga bagay na nangyayari sa akin? Una ang misteryong bumabalot kay Quen. Di ako makapaniwala na tama ang mga hinala ko tungkol sa pagkatao niya, ang ginugulo lang ng utak ko ay bakit niya ako nagustuhan? Bakit niya ako minahal? Ok lang naman sa akin kung bakla o tunay mang lalaki si Quen. Ang kinaiinis ko lang ay ung naloko ako. Ganun na lang ba ako kadaling lokohin? Masakit kasi tunuring ko siyang tunay na kaibigan.. Pero anong magagawa ko, people make mistakes.. At ang isa pang nagpapasakit ng utak ko ay si Daniel. Di ko alam kung tama ba ang ginagawa niya? Hindi ko alam kung totoo bang gusto niya ako? Mahirap ang umasa.. Mahirap ang magtiwala muli.. Pero ano nga bang sinasabi ng puso ko? 

"Ano nga ba?" tanong ko sa sarili ko at umikot ako sa kama ko. Nababaliw na ako.

Napangiti na lang ako habang iniisip ko siya. Nung mga panahong kasama ko siya, nung mga panahong wala pa ung magulong mundo.. Yung panahong amin lang ang mundo.. 

"Tababoy!! Tababoy!!" 

Yan ang sigaw ng isang lampayatot na si Daniel. Sinu ang makakapagsabing lalaki yang payatot na yan ng ganyan kagwapo at pag aagawan ng milyong mga babae? At sinu ang makakapagsabing nainlove ako sa kanya. Since bata ako natatak na sa utak ko na hindi ako magkakagusto sa kanya. Pero mukhang iba ang ihip ng hangin. 

"I love you kahit na sobrang taba mo!!" 

Ang mga katagang gustong gusto kong marinig. Bawat bangit niya ng mga katagang yan ay nanginginig ang buo kong katawan. Ang sarap sa feeling at parang may kakaiba akong nararamdaman.. At natuklasan ko inlove na nga ako sa bestfriend ko.

"i love you payatot!!" 

Ang palagi kong sinasabi sa kanya. Sa mga salitang akala mo ay biro ay totohanan na pala. Ang mga katagang masaya na akong masabi kahit ni isang sagot ay wala akong narinig sa kanya. Ilang taon ko din pala naitago ang nararamdaman ko sa kanya.

"Give me a sign please.." sabi ko sa sarili ko. 

Tumayo ako sa pagkakahiga ko at nag ayos ako ng sarili ko. Lumabas ako ng bahay at tumakbo ako papunta sa school. Malapit lang ang bahay namin kaya ayos lang. Jogging time ko na din siguro ito.. Biglang nanlambot ang tuhod ko. 

"Ok ka lang?" narinig kong sabi ni Daniel kay Kath

Pero walang sinasabi si Kath kundi umiiyak lang siya at nakayakap siya kay Daniel. Eto na naman ba? Ung pakiramdam na ito.. Ang ayaw kong maramdaman.. Itong sakit na nararamdaman ko ngayon.. Ano nga ba ang patunay ko na gusto niya ako? Na ako talaga ang mahal niya?

"Napakatanga mo talaga Julia.. Ang tanga tanga mo!" inis na sabi ko sa sarili ko. 

Naglakad lakad ako. Umihip ang malakas na hangin. Bwisit talaga. Kinalimutan ko pa pagdala ng jacket. Imbes na safe and sound ako sa kama ko eto ako ngayon parang ewan.. Still not feeling okey.. Still hurting.. Damn, move on Julia move on.. 

"Miss, sakay ka na oh?" sabi ng isang pamilyar na boses. 

Si Quen.. hindi ko alam kung kaya ko siyang pansinin ngayon.. Pero bahala na.. Hindi.. Di ko muna siya papansinin. Nagpatuloy ako sa paglalakad ko.. Iniwan ko na lang si Quen.. Ilang minuto na din akong naglalakad.. Parang may nasunod sa akin kaya huminto muna ako. Napatingin ako sa likod.. 

 "AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!" napasigaw ako ng malakas. Bigla naman siyang lumapit sa akin at tinakpan ang bibig ko. "Sisigaw ka pa o hahalikan kita?" sabi ni Quen at agad kong tinanggal ung kamay niya sa bibig ko. "BWISIT, bakit mo ba ko sinusundan??" sabi ko naman at ngumiti lang si Quen. "I want you to be safe.. Wala kang kasama ee. Bakit nga ba?" tanong niya. Ee kasi si Daniel dapat kasama ko ngayon but nevermind.. "WALA. Trip ko maglakad! BAKIT MAY PROBLEMA KA HA?" sabi ko sa kanya, medyo nagtataray na ko sa lagay na yan ha pero tumawa lang si Quen. "Huh? BAKIT?" tanong ko. "You're cute Julia.. Kaya baliw na baliw ako sayo ee. You're natural. The way you act.. The way you behave.." sabi niya at nginitian niya ako. 'TSE!! Wag mo kong ngitian kasi may atraso ka pa sakin!!!!" galit na sabi ko. "Halika, may ipapakilala ako sayo!" sabi niya at hinugot niya ung kamay ko.

Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa huminto si Quen sa isang napakalaking bahay.. Mansion na ata ito ee. Pumasok kami.. Mukhang bahay toh ni Quen, kilala siya nung mga tao ee. tas yung mga ngiti abot tenga. Parang mga baliw.. Pumasok kami sa sala. Grabe ung design ng bahay ang ganda. Ung mga mwebles na ginamit mukhang mamahalin.. Ang sarap busog na busog ang mga mata ko. 

"O, Enrique dear what are you doing here? At bigla kang napadalaw.." sabi niya at nakipagbeso siya kay Quen. Medyo naaalala ko ung nagsasalita pero di ko alam kung tama ba.. "Ohhh.. May kasama ka.. Is she?" sabi nung lalaki at tumanggo lang si Quen. Ako naman napatingin sa kanya.. Sheeet.. Oo siya nga.. Si Rustom Padilla na ngayon ay si Bibi Gandang hari. "kamusta ija??" sabi niya saakin. Parang walang lumalabas sa bibig ko.. 

"Speechless ka ata." sabi ni Bibi at umupo na kami sa may dining area. Grabe. Di ako makapaniwala.. "Alam mo you look familiar.." sabi ni ate bibi. Tinignan niya lang ako at ngumiti. "YEAH!! I REMEMBER NA.. IKAW UNG INAASAR NI DJ NA TABABOY!" sabi niya at bigla siyang tumawa ng malakas. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at napangiti ako. 

Nagkwentuhan kami at kung anu anu ang pinagusapan namin tungkol kay DJ. Ang saya naman kasama nung tita niya napakadaldal hehe. Sinamahan ako ni Quen papunta sa bahay namin.

"Enjoy?" tanong niya at tumanggo lang ako. Ang saya ko sobra

"Salamat Quen ha. Thanks talaga!" sabi ko at napayakap ako ng mahigpit kay Quen at agad akong pumasok sa loob ng bahay namin.

Ang saya... 

"More signs please.." sabi ko

My BatmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon