Chapter 16: Suprises

1.5K 41 9
                                    

Chapter 16: Suprises

Natapos na din yung class namin kanina ko pa gustong magbanyo kasi di ko mapigilan yung kilig ko eh. Oo na ako na ang kinilig, ibigay ba naman sayo yung batman necklace eh! >___< Pero leshe ang landi ko feeling ko sobrang landi ko sa ginagawa ko. May girlfriend na yun at feeling ko kaya ibinigay sakin yun dahil gusto niya na maging katulad kami ng dati. Miss ko na din naman yung dati eh! Pero ngayon ko lang nalaman birthday ko pala ngayon.. o__O 

"JULIAAA!" narinig kong sigaw ni Kathryn tumatakbo pa siya palapit sakin tapos nginitian ako. Masaya ako at least friends na kami ni Kath. 

"oh Kath bakit?" tanong ko naman 

"ah eh, gusto ko sanang invite ka dun sa resto katapat lang ng school natin! Magcecelebrate kasi kami nina Daniel and some of his friends." sabi naman ni Kath at nginitian niya ko at napahawak pa sa kamay ko

"sana makapunta ka." sabi naman ni Kath 

"ah eh?" sabi ko naman at napakamot ako sa ulo ko

"sige na it's my birthday naman eh, please Jully!" sabi naman ni Kath at napatanggo na lang ako. weew wala akong magagawa eh makulit siya eh! >___< :| 

Hinila ni Kath yung kamay ko at tumunggo kami dun sa restaurant na sinasabi niya, nandun si Daniel at iba pang mga kabarkada niya. >___< wew, ngayon ko lang toh nakita tong mga toh ah!

"uhmm guys, friend ko nga pala si Julia!" pagpapakilala ni Kath at agad tumayo yung mga kaibigan ni Daniel at lumapit samin

"ah, guys relax lang kayo. papakilala ko kayo okey! Okey eto si Seth, si Lester, si JC kapatid ni Daniel, si Seth and si Katsumi!" pagpapakilala ni Kath at isa isa silang nakipagkamay sakin tapos bigla namang dumating si Daniel na may dala dalang cake, agad niyang ibinaba yun at inilagay sa lamesa tas binati na yung mga kabarkada niya. 

Umupo na kami tas pinakanta nila si Kath, ako papalakpak lang tapos biglang may tumabi sakin si Seth. 

"hello!" sabi sakin at nginitian niya ko "uhmm what do you want? di mo pa nagagalaw yung food mo oh" tanong ni Seth sakin at napatingin ako sa pagkain ko.

"uhmm busog kasi ako eh!" sabi ko naman at nginitian ko siya

"so friend mo pala si Kath." sabi naman ni Katsumi at napatingin sa direction kung nasan si Kath na kumakanta at inaabot yung mataas na tono. 

"uhmm actually no, ngayon lang kami nagkabati niyan eh! We're actually best enemies. ahaha! :) sa school namin lagi kaming nagaaway!" natatawa ako habang sinasabi ko yun at napatingin sakin si Seth

"wow mas maganda ka pala kapag natawa ka, well so? buti nagkasundo kayo at ininvite ka sa birthday party niya!" sabi naman ni Seth at napatingin ako nung inabot ni Kath yung microphone kay Daniel at kinikilig pa si Kath kasi bigla siyang inakbayan ni Daniel tapos hinalikan sa pisngi, napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. >__< Nagseselos ako! 

Pagtapos nun hinawakan ni Daniel yung kamay ni Kath at si Kath naman biglang napatawa halata namang kinikilig tapos yung mga kasama niya tilian din. Tapos itong si Seth pumapalakpak pa! >___< I really don't belong here, sinasaktan ko lang sarili ko! 

"upo na lang ako nakakahiya eh!" sabi ni Kath at umupo na siya tapos si Daniel pumwesto pa ng parang astigin tapos biglang tumunog na yung kakantahin niya. 

"lakas ng loob kumanta di naman magaling.." napabulong na lang ako sa sarili ko, alam ko naman kasing di marunong kumanta yan si DJ eh! >___< banu yan pagdating dyan pag pinapakanta namin yan sa bahay walaaa! Tatahimik sa isang tabi tapos sasabihin di daw siya marunong kumanta. 

My BatmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon