"I love you mahal ko. Ang saya ko talaga ngayon dahil nakasama kita. Wag mo sana akong iiwan ah. Mahal na mahal kita. Promise ko sayo, di kita iiwan. Walang iwanan mahal ko." He said and kissed my forehead.
"I love you more mahal ko. I promise, di rin kita iiwan. Mahal na mahal rin kita." sagot ko naman sa kanya. May pag-aalinlangan man sakin pero masaya ako sa piling nya at mahal na mahal ko siya. Kahit alam kong tutol ang Dad ko dito sa mga pinanggagawa ko, kaya ko siyang ipaglaban. Ganyan ko kamahal ang lalaking nagngangalang Neil Sebastian.
End Flashback
Kala nyo kung ano na noh? Nakakamiss yang moment na yan para sakin. I missed the guy that I loved before.
"Hay!" napabuntong hininga na lang ako.
"Naalala mo na naman ba sya?" tanong ni Cassandra Cruz, ang pinsan ko.
"Oo eh. Ewan ko ba at di sya maalis sa isip at... at sa puso ko." sabi ko
"Hays! 2 years na ang nakalipas teh at di ka pa rin nakakamove on sa hayop na yun? What the heck cous!" nakairap na sabi niya sa akin.
"Ano pa bang magagawa ko? Eh, di sya maalis. Kaya... hayaan na lang natin to." Yun nga ba ang dapat? Dapat ko ba talagang hayaan ko na lang tong nararamdaman ko?
"Baliw ka ba? Anong hayaan ka jan? Edi lalo kang masasaktan! Baliw ka na nga." Baliw? Siguro nga baliw na ako.
"Ilang beses ko ba dapat sabihin at ipaalala sayo na dapat mo siyang kalimutan? Wala ka naman mapapala sa lalaking yun eh. Iniwan ka niya dahil he's a coward to face your father. Duwag siya. Para siyang hindi lalaki." naiinis na sabi ni Sandra.
Ako nga pala si Shary Mae Flores, 19 years old. 3rd year college na. Sabi nila maganda, sexy at genius daw ako, na sakin na daw ang lahat. Ewan ko lang kung totoo yun ah. Pati pinsan ko nagsasabi rin sakin ng ganun eh, pero pagdating daw sa LOVE di daw ako genius.
Well, totoo naman. Magkakaklase pala kami nitong pinsan ko. Siya ang oa at baliw kong pinsan. Ang mama niya at dad ko ay magkapatid so that's why magpinsan kami.
Vacant time pala namin ngayon, kain-kain lang para magkalaman ang tiyan na kanina pa nagugutom.
"Pengeng nova." sabi ni pinsan, binigyan ko naman sya. Nandito kami sa may cafeteria, kumakain ng nova at umiinom ng coca-cola. Sarap!
"Basta! Magmove on ka na ha? I'll help yah." She said.
"No thanks." Sabi ko.
"Ay! Ayaw pa ng bruha. At bakit naman aber?" Tanong niya sa akin
"Kaya kong magmove on mag-isa." Liar ka Sha! Kaya ko ba talaga? eh di nga ko gumagawa ng way para makalimutan sya.
Niel Kieth Sebastian, miss na miss na miss na talaga kita. Two years na pero mahal pa rin kita. Pero hanggang dito na lang yata ang lahat. Di na siguro kita makikita at makakasama. Higit sa lahat, di ka na magiging akin muli. Alam kong masaya ka na sa iba.
"Tara na Sha, baka malate na tayo sa next subject." sabi ni pinsan.
"Tara!" lumakad na kami pumunta sa next subject.
Pumasok na kami sa classroom at umupo dun sa upuan namin. Magkatabi pala kami ni Sandra. Buti na lang at di kami nalate. Tapos ayun, puro discussions lang kami sa subject na English. Ang sakit sa ulo.
Pagkatapos ng lahat ng subject, syempre uwian na. Ito yung pinakapaborito kong subject eh. Subject ba yung uwian?
Naglalakad ako papalabas ng school na nakayuko. Masakit kasi ang ulo ko dahil sa niesson ni mam kanina sa English. Yeah, nanosebleed ako. Pero joke lang yung nosebleed. Masakit lang talaga ang ulo ko eh. At nakakaasar pa, bigla-bigla na lang nawala si Sandra. Kasama ko yun paglabas ng room eh. Ewan ko sa babaing yun at kung saan-saan napapadpad.
BINABASA MO ANG
Im Still Inlove With My Ex-Boyfriend
Teen FictionAng matagal nang mag-ex na sina Shary at Niel ay muling magkikita sa isang iglap. Sa kanilang pagkikita, makakapagmove-on pa kaya ng tuluyan si Shary kay Niel, ang taong pinakakamahal niya na ayaw ng Dad niya para sa kanya noon pa man? May nararamda...