CHAPTER 16

870 28 7
                                    

FASTFORWARD~

Naglalakad kaming dalawa ni Niel sa kawalan. Dejoke! Nasa mall pa rin kami, nag-iikot-ikot lang. Tahimik lang ako, kahit gustong-gusto ko ng tanungin kung bakit di siya nagparamdam ng mahigit isang linggo.

"Mahal?" tinignan ko lang siya na nagtatanung ng WHAT?

"Sorry ah. Kasi di ako nagparamdam ng isang linggo." napatigil kami sa paglalakad. Nagcrossed-arm ako at humarap sa kanya

"Di mo kailangan magsorry. Wala kang dapat na ika-sorry NIEL." sinadya ko talagang diinan ang ang pangalan niya

"Huh? Bakit?" mejo naguguluhan ata siya sa sinabi ko

"Kasi.. Di naman tayo diba? Kaya di mo na kailangan magsorry."

"Pero pinag-alala kita."

"Di mo na kasalanan yun. It's my fault. Ang tanga ko kasi nag-alala ako sayo. Nag-isip ako na niloloko mo ko kasi di ka nagpaparamdam sakin ng mahigit isang linggo. Kahit text man lang di mo ginawa yun. Ano bang ginawa mo sa loob ng 1 week?" naiinis ako sa kanya, pati sa sarili ko naiinis ako. Alam kong di niya ko niloloko, may tiwala naman ako sa kanya. Pero di pa rin ata sapat yung tiwala ko sa kanya. Di naman ako magkakaganto kung di lang din dahil sa kanya eh. Ayoko kasi na pinagmumukha akong tanga, at naghihintay ng matagal sa wala.

"Wala na si Mom." nagbuntong hininga siya

"Anong sabi mo?"

"Patay na ang Mom ko." parang di kapani-paniwala. Pero, tingin niyo magbibiro siya ng ganun tungkol sa Mom niya. Haaaay.

"A-anong nangyari sa Mom mo? B-bat di mo man lang sinabi sakin para nadamayan man kita?"

"Private ang pagkamatay ni Mom, ayaw niya na marami ang makakaalam na wala na siya. Kami lang na magkaka-mag-anak ang nakakaalam tungkol sa nangyari kay Mom. Namatay siya dahil sa car accident na sinasakyan niya pauwi dun sa bahay namin. Dead on arrival na siya nang dalhin namin siya sa ospital. Maski sa pamilya mo daw, ayaw niyang sabihin ang nangyari sa kanya,"

"Pero bakit ganun?"

"Yun ang sabi niya."

"Sorry. Kaya pala di ka nagpaparamdam sakin dahil sa Mom mo. Sorry talaga. *cries* Ang sama-sama ko. May gana pa talaga akong magalit sayo *cries*"

"Tahan na mahal, baka isipin nila pinapaiyak ko yung maganda kong Gf. Sorry ulit, Mahal ah." pinupunasan niya ang mga luha ko gamit ang thumb niya :) Tumahan na rin ako kasi, madami ng taong nakatingin samin. Mas lalong nakakahiya to.

Bigla niya akong inakbayan,

"Anong Gf ka jan! Di pa kaya tayo nuh!" tinulak ko siya ng pagkalakas-lakas pero di kinaya ng powers ko. Nakaakbay pa din siya sakin. Ang hina ko talaga kahit kailan.

Ngumiti ako sakanya at lumakad na kami palabas ng mall. Uuwi na rin kami, ihahatid niya raw ako sa bahay. Sabi pa niya, wag ko daw ipagsasabi ang nangyari sa Mom niya. Ang pamilyang Sebastian talaga ay mga taong malilihim. :D

Nasa labas na kami ng bahay.

"Oy mahal. Simula ngayon, Girlfriend na kita!" ngumiti siya ng pagkalaki-laki

"HOY! Dami mong alam enuh. AYOKO! A-YO-KO." kahit gusto ko naman talaga. Kailangan ko pa ring magpa-hard-to-get.

"HINDI! GIRLFRIEND KITA. GIRL-FRIEND."

"AYOKO NGA EH!" para na kaming mga bata na nagtatalo dahil sa isang laro. Parang nagtutulakan pa kami kung sino ang taya. XD

"GF na nga kita, Mahal. Kung ayaw mo. Ok! Hahalikan naman kita."

Im Still Inlove With My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon