Buwan na naman ng mga puso at buwan na naman ng mga LOVERS ngayon. Ang swerte namin kasi wala kaming lesson. Bwahaha! At mas maswerte SIGURO ako kasi BAKA may date ako ngayon with Niel. Hihi :D Busy ang lahat sa school sa pagdedecorate ng mga mapupulang hearts, mula pagpasok mo sa Campus makikita mo na agad ang mga nagpupulahang puso na nakadisplay kung saan-saan. Mamayang tanghali may program kami kaya talagang pinaghandaan ang buwan ng pag-ibig dito sa school namin..
Pagkarating ko sa room, si Sandra at Carlo agad ang nakita ko. Alam nyo ba kung anong ginagawa? Ayown, naglalampungan. Nilalanggam na nga sila sa sobrang sweet eh.
"Oy Sha. Nandito ka na pala." napatigil ang dalawa sa paglalambingan.
"Ay, wala. Wala. Kaluluwa ko lang to."
"Haha. Baliw! Halika nga dito." lumapit naman ako sa kanilang dalawa. Yung feeling na.. sarap nilang pagsuntukin sa mukha sa sobra kong inggit sa kanila. xD haha. Naghoholding hands kasi silang dalawa. Jusko! Akala mo naman may tatakas sa kanilang dalawa.
"Best, asan si Niel? Valentine na valentine eh, tapos wala kang partner."
"Oo nga Sha. Asan na ba yang asawa mo? Haha." di ako sumagot kasi, di ko naman talaga alam kung nasan siya. Baka male-late na naman yun, lagi kasi yung nalelate eh. Himala na lang siguro niya ang di ma-late. Haha
"Bat di ka sumasagot Best?"
"Ha? Ah eh.. Di ko kasi alam kung nasan si Niel eh. Tingin nyo, asan siya ngayon?"
"Hmm, alam ko na!"
"Asan?" excited kong tanong
"Baka may ibang ka-date. Haha. Joke lang Sha. Baka umiyak ka jan eh." loko-loko talaga kahit kailan tong si Sandra
"Adik ka Honeycake." ginulo ni Carlo ang magandang buhok ni Sandra :D
"Ugh! Di nga kasi ako aso, Chococake eh! Kaya wag mong guluhin yung buhok ko!" haha. Natatawa na naman ako sa hitsura ni Sandra XD Ang cute niya magalit. Haha.
"Sorry naman kasi diba, Honeycake?"
"Tss..." lumabas ng room si Sandra.
Kami na lang dalawa ni Carlo dito sa room namin.
"Bakit pala kayo nandito sa room namin Best? Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko kay Carlo.
"Maglalambingan lang. Ang dami kasing tao sa room eh kaya pumunta na lang kami dito. Wala pa kasing tao eh."
"Ahh."
"Dejoke lang Best. Naniwala ka naman agad sakin."
"Syempre, kailan ka ba nagsinungaling sakin, diba?"
"Haha. Sabagay.. Amm, yung totoo talaga. Hinihintay namin kayo ni Niel. Eh ikaw lang mag-isa."
"Ano naman kung ako lang mag-isa?"
"Bakit? Sasama ka ba samin magde-date ni Sandra kung wala si Niel?"
"Malamang hindi. Ma-out-of-place ako sa inyong dalawa eh. Edi wag na lang ako sumama diba?"
"HINDI! Gusto kasi namin ni Sandra na magdouble date tayong apat. ngayong araw para masaya."
"Hm, ou nga eh. Kaya lang wala si Niel eh." inikot-ikot ko na lang yung mata ko sa buong classroom. Valentine na valentine ang room namin pero, wala pa rin yung mga kaklase ko. Malamang, mamaya pang tanghali yun sila pupunta. Mamaya pa naman kasi yung program eh.
Ilang oras na ang dumaan, wala pa rin si Niel. Sinubukan ko siyang tawagan. Di ko na siya itinext, di ako unli-text eh. Unli-call lang :D hehe
Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang program. Nasa room lang ako, kanina pa. Ako lang mag-isa dito. Ang tahimik nga eh kaya yumuko na lang ako sa desk at nagkukunwaring natutulog.
BINABASA MO ANG
Im Still Inlove With My Ex-Boyfriend
Teen FictionAng matagal nang mag-ex na sina Shary at Niel ay muling magkikita sa isang iglap. Sa kanilang pagkikita, makakapagmove-on pa kaya ng tuluyan si Shary kay Niel, ang taong pinakakamahal niya na ayaw ng Dad niya para sa kanya noon pa man? May nararamda...