CHAPTER 18

647 27 6
                                    

"Tara mahal, pumasok ka." sabi ko kay Niel, kakarating lang namin ng bahay galing sa park. Mahaba-haba rin ang biyahe namin pauwi.

"Di na mahal. Hinatid lang naman kita eh. Text at call na lang tayo ah?"

"Sige mahal. Ingat ka. Happy monthsarry ulit satin."

"Mahal kita Shary ko. Una na ako ha?" at syempre, bago umalis may goodbye kiss muna siya sakin. Magtatampo talaga ko pag di siya pumayag then umabas na siya ng gate na nakangiti.

"Iha, nandito ka na pala." biglang sumulpot si Manang sa likuran ko. Mejo nakakagulat siya ah. At nandun rin ang pinsan kong makulit na may hawak-hawak na friedchicken at burger.

"Oh, nandito ka na pala pinsan ko na nagngangalang Shary. Hihi. Kain tayo!" aya niya sakin. Tumango lang ako na nagsasabing SIGE LANG.

Dumiretso ako papasok sa sala, nasa labasan kasi kami. Umupo ako sa sofa at binuksan ang TV, sumunod naman sila Sandra at Manang. Napagod ako sa pagpipiggyback ni Mahal sakin.

"Pinsan, kamusta ang date nyo?" sabay kagat sa friedmanok

"Ayun, masaya naman."

"Masaya? eh, Bat ganyan tono ng boses mo? Nag-away ba kayo?" tanong nito

Sa totoo lang, inaantok pa talaga ako. Nabitin ako kanina eh, gusto ko pang sumakay sa likod ni Niel pero di na pwede.

"Inaantok pa kasi ak--" *snor* bumagsak sa sofa

--

Mabilis na natapos ang buwang Pebrero. So, March na! Ilang linggo na lang ay Final Examination na naming mga first year college. Im so exoited but a little bit of nervous.

Lagi pa rin kaming magkasama ni Niel, lalo na sa oras ng pagrereview dahil nga rin sa magkaklase kami. Tinituruan niya rin ako sa mga ibang subject na di ko maintindihan, tulad ng Math at tsaka Physics na sobrang ahal na mahal ko este HATE pala.

"Dapat i-love mo sila Math at Physics, para naman tumaas ang mga grades mo sa mga subjects na'to." Tss, mataas naman grades ko jan ah. Di ko i-la-love yang mga subject na yan kasi ikaw lang love ko Niel. Ayiiiiiie.

"Hays. Okay, i-ta-try ko silang mahalin alang-alang sa mga grades ko." sabi ko

"That's my girl." kiniss niya ako sa forehead.

Narito pala kami sa condo ni Niel. Yeeee. May condo na siyaaaa \mm/

Sana may mangyaring masama. Hahha. Joooowk!

Wag naman sana. Ayokong matulad ni Vhong at Deniece :D

Alam niyo na!

"Nagugutom ka na ba mahal?" Niel.

Tumango ako.

"Sige lalabas lang ako ah? Sagutan mo muna yan. Bibili lang ako ng foods natin." then lumabas na siya

SO, ako na lang mag-isa dito. Hindi kaya may multo dito? Jusko sana wala. Takot ako sa Mumu eh :3

Imbis na sagutan ko yung mga question na binigay ni Niel sakin, inopen ko ang TV niya at nanuod ng palabas.

/ KRRRIIIIINNGGG! /

Kinuha ko yung phoke ko sa bulsa ko.

"Oh! Di pala cellphone ko yung tumutunog."

/ KRRRRIIIIIIINNNGG! /

Tumunog ulit.

AYUN! Cellphone pala ni Niel yung tumutunog. Kinuha ko yung phone niya. Unregister number siya.

Sino kaya to?

Di ko na nasagot yung call dahil tapos na rin magring yung phone.

Bigla ko na lang tinignan yung inbox ng phone niya. Buti na lang walang password. Malamang wala siyang tinatago sakin :) Myhawd, kinikilig ako. Lol

Binasa ko ang mga messages dun sa inbox.

- Ganun ba? Aww, how sweet naman. Kahit kailan you're so sweet. Err. I love you more and more Babe.

- Oo dun tayo magkita ^^, Hehe. I can't wait naaa!

- Sige, kita tayo dun bukas ah? Miss na miss na talaga kita eh.

- Nasan ka? Grr. Sguro nambababae ka nuh? O di kaya nag-iinuman with your friends? Basta wag magpakalasing, mamahalin pa kita ng sobra Babe.

-Kyaaaah! Babe, i miss you so so much.

Walangjo! Ang landi lang ah! S-sino kaya to??

T-teka, sumasakit ang dibdib ko. Parang sinakasan ng libo-libong karayom.

"Ibig bang sabihin nito... Niloloko ako ni N-niel? B-bakit naman." and I am about to cry na.

Binato ko ang phone ni Niel sa kinauupuan ko.

"Bwisit ka! Akala ko ba di mo na ko sasaktan!" nag-uusok na ang ilong at tenga ko sa galit at inis.

"AAAHHH! G*go siya! Ginawa pa akong tanga! WAAAAH!" binato ko sa pinto ang vase na nasa harap ko. Saka naman bumukas ang pinto. Nnadito na ang loko.

Niyuko ko ang ulo ko. KAINIS!

"Oh!" halatang nagulat siya sa mga nakita niya.

"Bat ang kalat na dito mahal? Anong nangyari? Ito na yung pagkain ma binili ko. Teka, lilinisan ko muna tong kalat." sabay lapag ng binili niya sa mesa.

"Bat ka ba ganyan? May pagkukulang ba ako sayo kaya ginaganito mo ko ha?!" tinignan ko siya sa mata.

"A-anong sinasabi mo mahal? B-bat ka umiiyak?"

"Nagtatanong ka pa?!! Bat di yang sarili mo ang tanungin mo kung bakit ako nagkakaganito ngayon??" pinunas ko ang mga luhang hindi tumitigil sa pagpatak sa mukha ko.

"Sabihin mo nga sakin? A-anong nangyari sayo mahal. Bat ka ba nagkakaganyan?" inabot ko ang phone sa kanya.

"A-ayan, b-basahin mo. S-sino yan?" nauutal pa ako magsalita while umiiyak.

Di siya nakapagsalita. Malinaw na ang lahat sakin ngayon. Niloko niya ako T^^T

"M-mahal, let me explain pls? Pls?"

"Wag kang lumapit sakin!!" sigaw ko.

Dali-dali akong lumabas ng condo niya.

Im Still Inlove With My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon