CHAPTER 15

833 33 6
                                    

Lumipas ang isang linggo, di na kami ganung nagkikita ni Niel kahit sa text minsan na lang din siyang magparamdam. Ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa lalaking yun, nag-aalala na ko ng sobra sa kanya. Baka may nangyari sa kanyang masama o baka may iba na siya. Huminga ako ng malalim.

"Ano bang iniisip mo Shary! Think positive. Ok?" sabi ko sa sarili ko :3

"Uggh." sinabunutan ko ang buhok ko. Nakakainis kasi eh. Kahit ano ng naiisip ko ngayon. Di niya naman gagawin yun diba? Kasi... nagpromise naman siya sakin eh. Diba? Diba?

Linggo ngayon at nasa kwarto lang ako ngayon. Baka sabihin niyo di ako nagsisimba ah. Kakatapos ko lang magsimba nuh, nagkita nga kami nila Sandra at Carlo. Buti pa sila, laging magkasama. Naiinggit tuloy ako sa kanila (=,=) pero diba bad yung ganun. Tsk. Ewan!

Sinubukan kong tawagan si Niel,

Your number you have dialed..

Pinatay ko agad yung phone ko.

"Haaaaay. Nako naman talaga oh." tumayo ako sa higaan ko at pumunta sa kusina. Nagugutom ako, ayaw kong magutom at ma-stress dahil sa mga iniisip ko.

"Oh iha. Ang aga mo ata nagising ngayon ah. Halika na at kumain." parang good mood ata si Manang ngayon.

"Ah. Opo Manang. Nagsimba kasi ako." umupo na ko sa upuan

"Ahh. Kaya pala nakapang-alis ka pa na damit. Hihi." tinignan ko ang sarili ko. Ou nga nuh, di pa pala ako nakakapagbihis. Nawala rin sa isip ko e, kahit ano na lang kasi ang naiisip ko.

Natawa na lang ako.

"Manang, anong niluto niyong ulam ngayon?" curious ako sa ulam namin ngayon.

"Ta-dah."

"Noodles with egg?" bakit ito ang niluto ni Manang sakin. Lalo tuloy akong nacurious. Haha

"Oo. Kagabi kasi, pumunta ako sa kwarto mo. May itatanong sana ako sayo eh. Kaya lang pagpunta ko dun e, natawa ako sayo." Bakit kaya natawa sakin si Manang :/ siguro nakita niya ako kung pano ako matulog. Baka nakita niya na nakanganga matulog o ang mas worst... baka nakita niya akong naglalaway matulog. Anobayan, nakakahiya.

Nagpipigil pa rin si Manang sa kanyang tawa. Nagpout na lang ako.

"Manang talaga eh. Ano po ba kasi yun?"

"Haha. Osige-sige, sasabihin ko. Hehe. Narinig kasi kitang binabanggit mo ang noodles with egg. At sinabi mo pa nga, gusto mong yun ang kakainin mo ngayong umaga. Kaya naisip ko na lutuan ka niyan." sabay turo sa noodle with egg

"Kainin mo na yan. Baka lumamig pa yan." sinimulan ko ng kainin ang niluto ni Manang para sakin. At biglang tumulo ang luha ko.

"Iha, bat ka umiiyak?" halatang nagulat si Manang sakin.

"Di ba masarap?" umiling-iling ako.

"E, bakit ka umiiyak?" tumingin ako kay Manang at ngumiti.

"Salamat, Manang." lumapit sakin siya sakin at hinihimas ang likod ko.

"Naaalala ko lang po kasi si Niel, kaya po ako naiyak." pinunasan ko ang luha ko at patuloy na nagsalita'

"Ito po kasi yung lagi naming kinakain pag pareho kaming nagugutom ni Niel."

"May nangyari bang masama sa inyo ni Niel? May problema ba kayo?"

"Ewan ko nga po Manang eh. Isang linggo na kasi siyang di ganung nagpaparamdam sakin. Tingin niyo po, may iba na kaya siya?"

"Iha, kilala ko si Niel. Di siya ganun. At alam kong may isa siyang salita. Huwag kang mag-isip ng kung anu-anu ah. Tignan mo, pumapangit ka na oh." tinuro niya ang mukha ko. Grabe naman, pumapangit na ba talaga ko. T^^T Baka iwan ako ni Niel nito :/

Im Still Inlove With My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon