CHAPTER 12

1.1K 32 6
                                    

NIEL'S POV

"Tapos na po ang operation ng inyong anak Misis/Mister.. Successful po ang operasyon. Ililipat po siya ng mga nars mamaya sa room niya." nakangiting binalita samin ng doktor

"Sadyang malakas lang po tlga ang pananalig ng anak niyo sa Diyos. Bago po namin siya inoperahan, nagdasal muna siya. Mauna na po kami Misis." umalis na ang doktor.

"Hay. Salamat sa Diyos. Salamat Dok."Mama ni Shary, tuwang-tuwa naman si Tita sa lagay ni Shary ngayon. Lahat kami ay naging excited na makita si Shary na maayos. Pero di ko pa rin makakalimutan ang nangyari kay Megan. Sinisisi ko tlaga ang sarili ko kung bakit nagkaganun siya. Sorry tlga Megan, sana maging masaya ka kung na saan ka man ngayon.

"Oh, anong iniisip mo Niel? Si Megan ba? Wag mong sisihin ang sarili mo. May sakit siya, kaya ganun. Malubhang sakit at may taning na ang buhay niya katulad ni pinsan. Pero.." di niya na tuloy ang sasabihin niya

"Bakit? Siguro kung di ako nakipaghiwalay sa kanya di mangyayari yun."

"Ano ka ba Niel. Oh! Carl!" nandito si Carlo.

"Carlo, bat ngayon ka lang nagpakita?" tanong ko sa kanya

"Naging busy lang ako nung mga nakaraang araw eh."

"Oh? Teka Carl, bat parang pumayat ka? May nangyari ba sayo?"

"Ako? A-ah, wala ah. Hehe."

"Di nga? Wala tlaga? Nabalitaan mo ba yung tungkol kay Megan?"

Tumango lang siya. Wala man lang ba siyang sasabihin?

"Bat di ka pumunta sa burol ni Megan?" tanong niya sakin

"Ako?" tumango uli siya

"Nalaman ko lang na namatay siya nung nakaburol na siya ng ilang araw eh, di ko rin alam kung saan siya nilibing. Pero pag may time ako dadalawin ko naman siya." bat ba ako nag-eexplain kay Carlo -..-

"Ahh, may sasabihin sana ako sa inyo."

"Ano yun Carl?" tanong ni Sandra habang hawak-hawak ang braso ni Carlo. May naaamoy ako sa dalawang to. :D

"Tsaka na pag nakita ko na si Shary. Kamusta na pala siya?"

"Inoperahan siya kanina. Ayun, successful naman. Thanks tlaga kay God." -Sandra. Ngumiti si Carlo.

"Salamat naman. Namiss kita." sabay gulo sa buhok ni Sandra

"Ano ba yan! Ginagawa mo kong aso *pouts*" tumawa lang rin ako. Ang cute tlga nilang tignan eh. Pero nakikita ko sa mga mata ni Carlo na may problema siyang dinadala.

SHARY'S POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. T-teka. Nasa langit na ba ko? Bakit wala man lang tao sa paligid ko? Di ba naging successful ang operasyon na ginawa nila sakin? Di ba narinig ng Diyos ang mga panalingin ko? T____T Uwaaaaah. Bat nakahiga pa rin ako? Tatayo na sana ako,

"Aaa-rraaay." napahawak ako sa dibdib ko. Iginala ko ang mata ko sa paligid.

Biglang bumukas ang pintuan.

Pintuan? O____o

Yun na ba ang daan papunta sa langit? T^^T Nakakaiyak tlga :(( Di na tlaga ako mabubuhay. Patay na tlaga ako? ;____; Parang ang sakit naman tanggapin.

"Anak?" -sabay lapit at yakap sakin. Si Mommy? Nasa langit na rin siya? T-teka, naguguluhan ako.

"Mommy? Anong ginagawa mo dito?"

"Haa? Anong ginagawa ko? Malamang binabantayan ka. Lumabas lang ako kasi may kinausap ako." Sa labas? Astig na langit to ah, may labasan.

"Patay na rin po kayo?"

Im Still Inlove With My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon