Sa wakas uwian naaaaa \m/
Nakalabas na ako sa campus, at kasama ko si Sandra. Lagi naman eh.
"Ayieeee! Mahal kong Ex. Sheyet men! Hahaha." ayan na naman siya. Kanina pa tlga ako inaasar nito sa room.
"Oy kaw Sandra ah! May plano ka bang tumigil sa kaaasar sakin?"
"Hahaha! Wala." Naman tlga oh.
"Bahala ka nga jan." nauna na ko sa kanya sa paglalakad.
"O-oy, tekaaa." sumunod siya.
Tahimik lang kaming naglalakad.
Pagkarating sa bahay, dire-diretso lang ako.
"Shary." napahinto ako sa paglalakad. May kausap ata si Manang sa telepono.
"Po?"
"Mommy mo, tumatawag."
"Pakisabi na lang po masakit ulo ko." wala ko sa mood ngayon eh.
"Ahhhhh. Osige."
Dumiretso na ko sa kwarto ko.
WAAAAAAAH! Di ako makaget-over dahil kanina. Pag naaalala ko yun, parang gusto kong magtago nalang habang buhay. Hindi lang pala si Sandra at Niel ang nakarinig sa sigaw ko, pati yung iba kong kaklase narinig din nila yun. Buti na lang talaga hindi narinig nung apat na malalanders yung sigaw ko kung hindi, di na ata ako makakauwi ng buhay.
After 20 minutes.
Hinawakan ko ang tiyan ko kasi feeling ko nagvavibrate siya. Gutom na ang mga alaga ko.
Lumabas ako sa kwarto.
Dumiretso ako sa kusina. Binuksan ko yung ref.
Wow! May pizza! Hohoho.
Kinuha ko na yung pizza. Umupo ako sa upuan sa kusina sabay kagat sa pizza. Yum yummy yey.
"Gising ka na pala iha." Ay hindi, hindi po manang. Tulog pa po ako, kumakain lang.
"Opo, nakakagutom po kasing matulog eh."
"Hmm, sarap! Manang gusto mo po?" abot ko sa isang pizza.
"Sige lang iha. Busog pa ako."
"Manang, ano po pala pinag-usapan niyo ni Mommy kanina?"
"Ah yun ba? Nangangamusta lang. Kamusta ka na raw, iniinom mo ba raw lagi yung gamo-- Teka. Iniinom mo ba yung mga gamot mo??" nakakagulat naman ng reaksyon ni Manang.
"Opo."
"Hayyyy, buti naman." feeling relief niyang sabi.
"Kaya lang, ubos na po eh." dugtong ko
"ANO? Kelan lang naubos? Kahapon? Kanina? Kelan?" hala, si manang ang wagas kung magreact.
"Manang naman. Makapagreact ah ang oa lang po."
"Kelan nga lang naubos yung gamot mo?" she asked again.
"Last month pa po."
"Ikaw bata ka. Bat di mo sinabi agad?. Nako. Ikaw tlaga! Pag umatake yang sakit mo." napa-facepalm nalang siya
"Bukas na bukas. Pumunta ka agad sa Ate Sydney mo at humingi ka ng gamot." Ang oa talaga para namang may sakit tlga ako. Wala naman eh. Sakit lang naman sa ulo yun eh
"Opo, pero bakit ko pa ba kailangang uminom ng gamot Manang? Di naman na sumasakit yung ulo ko eh."
"At kelan mo balak uminom ng gamot ha, iha?! Pag bumalik yang sakit mo?!"
BINABASA MO ANG
Im Still Inlove With My Ex-Boyfriend
Teen FictionAng matagal nang mag-ex na sina Shary at Niel ay muling magkikita sa isang iglap. Sa kanilang pagkikita, makakapagmove-on pa kaya ng tuluyan si Shary kay Niel, ang taong pinakakamahal niya na ayaw ng Dad niya para sa kanya noon pa man? May nararamda...