Uwian na namin. Pagkalabas na pagkalabas namin sa room hinawakan niya agad ang kamay ko. Kaya nagulat ako. Gusto kung bumitaw kasi, nakakahiya sa mga ka-schoolmates ko at lalo na sa classmates ko.
Homaygaaaawss. Sila na ulit?
Err. Dapat ako na lang niligawan ni Niel =.=
Ako dapat nuh. Ang ganda ko kaya. Pssh.
Omo. Bagay sila sobra ^__^
Di sila bagay nuh >..< Kasi kami yung bagay.
Hala. Ang bilis niya namang makalimutan si Megan.
Tss. Playboy kasi kaya ganun >//<
Sana multuhin ni Megan yung babae *evil laugh*
Sari-saring usapan ang naririnig namin ni Niel papalabas ng campus. Sumasakit ang dibdib ko kapag naririnig ko ang pangalan ni Megan. Di ko tlaga alam kong bakit <///3
"Huwag mo silang pakinggan." tumango ako
Pumasok na ako sa kotse niya, pumasok na rin siya.
"Niel.. Mahal pala."
"Bakit? May problema ba?"
"Ano kasi... Yung... yung tungkol kay Megan."
"Ahh.. Matagal na siyang wala, Mahal. Matagal na siyang patay." napayuko na lamang siya. Alam kong pati siya nasasaktan sa nangyari sa Ex niya. Minahal niya rin naman yun eh.
"Ano ang dahilan ng pagkamatay niya?" matagal siyang nakasagot.
"Hindi Ano ang dahilan. Kundi Sino ang dahilan. At ako ang dahilan ng pagkamatay niya." napakagat labi ako.
"Ako ang dahilan ng pagkamatay niya. Naglaslas daw siya at naospital. Madami daw ang dugong nawala sa kanya." napatakip ako ng kamay sa bibig ko. Grabe naman ang nangyari sa kanya. Pero bakit may DAW?
"Pero bakit may DAW?"
"Yun ang sabi ng kaklase ni Megan na katabi ng dorm niya. Nalaman ko lang na patay na siya nung araw ng libing niya."
"Bakit ka pala nakipaghiwalay sa kanya?"
"Kasi... kasi di ko siya mahal. Sinubukan ko siyang mahalin para tuluyan kitang makalimutan pero wala pa rin eh. Ikaw pa rin yung tinitibok ng puso ko. Nung nag-away kami ng kapatid ko, napag-isip-isip ko na sino tlaga ang mahal ko. At ikaw yun. Kaya nakipaghiwalay ako sa kanya."
"Wag mo sisihin ang sarili mo, malay mo di yun ang dahilan kung bakit siya nagpakamatay."
"Hindi. Alam kong ako ang may dahilan ng pagkamatay niya. Ilang beses ko na siyang hiwalayan pero di ko siya nahihiwalayan kasi naglalaslas siya, naospital siya at di yun alam ng magulang niya."
"Grabe pala yun."
"Pero, wag na muna natin pag-usapan yan. Ok? Magde-date pa tayo, remember?" smile at me. OhMy. He's so cuteee ^O^
"Yup. Syempre, natatandaan ko." pinaandar niya na ang sasakyan niya
Sana masaya to ^___^ Ngayon na lang uli kami manunuod ng sine :)
Bago kami pumasok sa sinehan, bumili muna kami ng popcorn at syempre panulak din para di kami mabulunan habang nanunuod. Ang papanuurin pala namin ay.....
FOUR SISTER AND A WEDDING
Maganda ba yung movie na to? Let's see.
Pumili na kami ng mauupuan. Maya-maya, nagstart na ang movie.
BINABASA MO ANG
Im Still Inlove With My Ex-Boyfriend
Teen FictionAng matagal nang mag-ex na sina Shary at Niel ay muling magkikita sa isang iglap. Sa kanilang pagkikita, makakapagmove-on pa kaya ng tuluyan si Shary kay Niel, ang taong pinakakamahal niya na ayaw ng Dad niya para sa kanya noon pa man? May nararamda...